TWENTY THREE

2K 27 0
                                    


Luna's POV

"Okay class! Since that your graduation will be on March 20, you will have your graduation ball on February 17." Sabi ng prof namin. OMG lahat nag sigawan nung narinig yun!

"Miss! Miss! Ano yung theme ng grad ball theme?!" excited na tanong ni mader Schen. Hindi kasi namin naranasan yung JS prom nung high school. Paano naman kasi nagalit yung prefect namin nung may nagsira ng door knob ng office niya. Ayun! Damay damay kami!

"Well it's gonna be Princess Diaries theme. You can dress-up like your favorite princess and prince."

"OH MY GOD! Ngayon palang naiisip ko na susuotin ko!" sabi ni mader Schen habang pinapaypayan ang sarili gamit ng kamay iya.

"Huy! Mader kumalma ka nga! Kami nga kalmado lang eh!!" saway ni Shine kay mader.

"Oo nga baka mahimatay ka pa diyan ha!" sabi ni Gabby sakanya. Ako naman nakatingin sa pintuan ng room namin 2:30 pm na kasi at hindi pa sumisilip si Deil para sunduin ako. Usually kasi nakaabang na siya agad sa pintuan kapag ganung oras pero ngayon, wala pa siya.

"Anong date na ba ngayon?" tanong ni Mader

"Feb 7 mader. Why?" sabi ni Gabby

"Oh my God may one week and a half pa ako para mag gym!!" super excited talaga si mader as in naging hyper siya about it!

"Miss! Saan po ba gaganapin ang grad ball natin?" tanong nung isa kong kaklase.

"Sa Thunderbirds resorts anak." Sagot ng prof namin.

"Jusko! Kailangan maganda ako doon! Oh my God! Oh my God!" sabi ni mader Schen.

"Ssssshh!! Mader tone down..." saway ni Gabby sakanya.

"Enebe?! Gabby minsan lang to kaya excited na ako." Sabi ni mader sakanya. Si Shine naman napatingin sa akin dahil wala akong imik at panay silip ko sa pintuan.

"Beks?! May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" tanong sa akin ni Shine.

"Wala pa kasi si Deil malapit na mag 3 pero hindi pa rin siya sumisilip eh!" sagot ko sakanya.

"Puntahan natin sa room niya mamaya or tawagan mo nalang." Sabi ni Shine

"Iniwan ko yung phone ko sa bahay beks kasi lagi naman kami magkasama eh."

"Nye! Paano kapag ganitong sitwasyon? Hindi mo alam kung saan mo siya hahanapin."

"Sus! Magkapitbahay naman kayo so okay lang yan! Puntahan mo nalang beks!" sabi ni Gabby sa akin.

"Class dismissed!" sabi ni miss and after nun nag pray na kami bago lumabas ng room.







After ng prayer eh agad kong kinuha ang gamit ko at pumunta sa room nila sa St. Peter of Verona hindi ko kasama ang mga kaibigan ko dahil titingin daw sila ng gown na masusuot sa grad ball. Pero bago ako makarating sa St. Peter building napahinto ako sa ramp ng St. Hyacynth. Dahil may nakita akong isang pamilyar na likod. Naka pula ito at nakasumbrero ng puti. Tinignan ko ng maigi at shit! Tama nga! Si Miguel yun! Lumingon siya dahil itinuro ako ng kasama niya. Kinabahan ako dahil gawan niya ulit ako ng masama! Sa takot ko eh iniwas ko agad ang tingin ko sakanya at mabilis na naglakad pabalik at nagmadaling umakyat ng 3rd floor ng St. Hyancynth para mag shortcut papunta ng St. Peter. Pinagpapawisan ako ng malamig at ang bilis ng tibok ng puso ko! Malapit ka na sa short cut Luna konti nalang!

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon