T W E N T Y - O N E

2.3K 29 4
                                    



Miguel's POV



Nagkalat na bote ng alak at upos ng sigarilyo ang laman ng unit ko. Wasak na wasak ako dahil may iba na si Luna. Tatlong araw matapos kong pagtangkaang galawin si Luna eh sobra ko yung pinagsisisihan lasing lang talaga ako nun at nadala ng emosyon. Tatlong araw na ring alak ang bumubuhay sa akin wala kasi akong gana kumain.

Hindi ko matanggap na ang dali niya akong bitawan samantalang sa tatlong taon na yun eh kumakapit ako. Ganun ba talaga ako kabasura? Ang gusto ko lang naman eh mahalin niya ulit ako. Pero hindi ako susuko sa akin siya at hindi pwedeng mapunta siya sa iba.

May nag doorbell at pag bukas ko eh si Beanie pala.

"Woah! Bro?! seryoso ganito kagulo unit mo ngayon?!" nasa pintuan palang siya pero napansin na niya agad.

"My life is a mess and I am a mess. Deal with it." Sabi ko sakanya habang papasok kami sa loob ng unit ko.

"You're not a mess bro. You just need love." Tinapik ni Beanie yung balikat ko. Alam na alam niya ang pinagdadaanan ko.

"Pero bago mo ako yayain uminom at magpakalasing eh lilinisin ko na muna tong unit mo. Grabe! Napakadumi! Tsaka matulog ka na muna." Sabi niya sa akin. Wow swerte ko talaga sa best friend ko na never akong tinalikuran.

"Sure ka bro?" tanong ko sakanya.

"Oo bro sino pa bang aasahan mo ditto?" hays! Fvck naalala ko na naman si Luna. Siya kasi palagi naglilinis ng unit ko nung mga panahong ako pa yung mahal niya. Biruin mo pagkatapos niya linisin eh ipagluluto niya pa ako pagkagising ko. Then binabatukan niya ako kapag wala sa ayos yung mga damit ko.

"Oh bakit ka naluluha bro?" gulat na tanong niya sa akin. Bihirang bihira akong umiyak alam niya yun.

"I just miss her." Napayuko ako at doon na tumulo yung luha ko.

"Bro I can't imagine that the love I gave isn't enough for her to stay and maybe this is my karma for fucking other woman and cheating with her." Nagiging madrama na ako so it means lasing na ako talaga.

"Bro sinabihan na kita noon na tigilan mo na si Heidi diba? " sabi ni Beanie sa akin

"You've lost her because of your selfishness bro and you can't blame her for that. Hindi si Luna yung makakaintindi ng pagmamahal na gusto mo iparamdam." Real talk ni Beanie sa akin. I admit na mali ako at di ko kayang magalit kay Beanie dahil tama naman siya.

"I want Luna back bro." sabi ko sakanya.

"Don't waste your time bro may iba na siyang mahal."

"Hindi bro sa akin si Luna hindi sila pwede magsama ng masaya nung Deil na yun." Gagawa ako ng paraan para maging sakin si Luna ulit. Mamahalin niya ako ulit isinusumpa ko.









Luna's POV



Mga 8:00 pm nung nakarating kami ni Deil sa venue ng party ni Gabby. Medyo hindi komportable si Deil dahil ang iksi ng suot kong short. Napag-usapan kasi namin na Coachella themed yung party ni Gabby and pati yung set-up ng venue. Ang cool lang! nandoon na pala silang lahat at kami nalang ang kulang ni Deil. Ang gwapo niya sa suot niyang navy blue na floral polo at acid wash na above the knee short and yung favorite niyang white shoes. Sinalubong agad kami ni Gabby na very Coachella ang suot.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon