T W E L V E

2.3K 34 2
                                    

Deil's POV


Two weeks ang nakalipas hindi ko naramdaman si Luna. Hindi siya nagrereply sa mga text ko at hindi rin siya tumatambay sa St. Vincent. Malamang pinaiwas siya sa akin ng bf niyang gunggong! Hays! Hindi ko rin Makita yung mga kaibigan niya fudge I hate this feeling! The feeling of being lost! Sinubukan kong hanapin yung name niya sa lahat ng social media sites pero wala! Guni-guni ko lang ba si Luna? Teka matino naman ako!

"Arghhhhhhhh!" ginulo ko yung buhok ko at nahiga ako sa kama! Inabot ko yung phone kong de pindot kung nagtext na ba si Luna. Kaso wala! Shit nababaliw na yata ako? Deil 2 days! 2 days mo palang siya nakakasama tapos ganun na yung attachment mo??

Sa gitna ng pag-iinarte ko eh biglang tumalon si Max sa kama ko at dinilaan ang mukha ko. Niyakap ko siya at kinausap.

"Max ano ba yung mamy mo hindi pa nagtetext sa akin." Baliw na nga ako dahil kinakausap ko na si Max. Bilang sagot eh kumahol si Max

"2 weeks na Max parang hindi ka hinahanap ng mamy mo! Nako! Kawawa naman ang dady mo si tita Abigail lang katulong niya mag alaga sayo." Oh don't judge me! Mapagmahal talaga ako sa aso kasi sa London parang pamilya na ang turing namin sa aso naming si Cola. Kinakausap din namin kasi alam naming may feelings din sila. Hindi sila basta hayop lang.

Nakaidlip ako saglit nang maramdaman kong nagvavibrate ang phone ko! OMG! Si Luna tumatawag! So inayos ko ang sarili ko at sinagot ang tawag.

*clearing my beautiful voice

"Hello Deil!!!! Si Max!! nawawala!!!!" umiiyak si Luna! Nako! Sorry!

"Huh?! Kalian pa nawawala?!" kunwari hindi ko alam

"Two weeks na Deil!!! Baka napano na si Max!! baka nakatay na yun!! Tulungan mo ko Mayor please!! Hanapin natin si Max!!!" nagmamakaawa si Luna hindi ko mapigilang makonsensya dahil alam kong mangyayari ito.

"Moonlight 1:00 am na dapat natutulog ka na. Bukas nalang natin hanapin si Max kahit buong araw pa sabado naman bukas eh!" sagot ko kay Luna

"Ayaw mo yata ehh! sige ako nalang maghahanap kay Max mag isa. Bye na." binaba ni Luna ang phone like Wtf! Seryoso ba?! Hahanapin niya mag isa si Max?! di pwede to baka mapano siya sa daanan.

Nagmadali ako magayos at bumaba para pumunta sa garahe at ilabas ang kotse. Naabutan ko si Abigail na nanonood ng movie sa sala. Di na niya ko tinanong dahil tutok siya sa Korean Movie na pinapanood niya. Inikot ko yung village namin at naabutan ko siyang naglalakad papunta sa gate ng village. Hininto ko yung sasakyan ko at agad bumaba hinabol ko si Luna pero parag hindi niya ako nakikita.





"Moonlight!! Huy!! Saan ka pupunta??" Tanong ko sakanya

"Hahanapin ko si Max. Bahala na. Ayaw ako samahan ni Miguel hindi naman daw niya aso si Max." huminto si Luna at umiyak ng umiyak. Arghhhhhh yung BF mong gunggong wala talagang silbi!

"What if nasagasaan si Max? or kinuha ng nangangatay ng aso? Mayor hindi ko alam gagawin ko. " Humagulgol na si Luna then nagtuloy siya sa paglakad pero hindi ko matiis na naririnig ko siyang umiiyak kaya hinawakan ko yung kamay niya hinatak ko siya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

*Paki slow motion yung scene. J

Play the song: MUNDO BY IV OF SPADES (SKIP TO CHORUS)

Mga 5 seconds bago ako nagsalita.



Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon