THIRTY NINE

1.4K 17 0
                                    

Luna's POV


Masaya ang araw na ito dahil na natupad na namin ni Deil ang pangarap namin na makasal. Magaan ang feeling dahil sa wakas wala ng hadlang sa aming dalawa. Sa ngayon nandito kami sa reception ng kasal, sa Kapitan Moy sa Marikina. Kasama namin ang lahat ng taong nagmamahal sa amin lalo na ang aming pamilya at mga kaibigan.

Magkatabi kami ni Deil at magkahawak ang kamay habang ginagawa ang program for our wedding. Iba yung feeling nung ikinasal ako kay Miguel sa kasal ko ngayon.

"Moonlight?" tanong ni Deil at sobrang gwapo niya sa suot niyang suit at ayos ng buhok.

"Yes mayor?"

"Mahal na mahal kita Luna." Ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin yun tapos hinalikan niya ako sa noo.

"Mahal na mahal din kita Deil." I smiled back.

Masaya ang celebration namin sa reception pero naiyak kami sa video presentation na hinanda nila mader, Gabby, Shine at Autumn para sa amin ni Deil. Isang animation mula nung araw na nakita ko si Deil sa damuhan, yung mga moments sa Siena, yung mga taon na nagkahiwalay kami at ngayon. Tapos may matured games na para sa mga abay.

"And let's hear the message of the mother of the bride. Let us all welcome Mrs. Chin Monreal!" nagpalakpakan ang lahat as nanay goes in front of us.












"We really cannot define what really love is. Love is something we own already since we were a child but gets fonder as we grow old. Deil, I've witnessed how much you love my daughter and I know you fought hard to come to this point. Luna, my daughter, thank you for being strong despite of everything happened to you. May you have a happily wedded life. Mahalin niyo ang isa't isa kahit pa dumating sa point na hindi na kamahal-mahal ang isa sa inyo. Love is all about sacrifice and patience. Cheers to the newly wed!" halos maiyak kaming dalawa ni Deil sa sinabi ni nanay sa amin.












After ng celebration ng kasal namin ay naiwan kami sa venue ng family ni Deil, sina mader, Gabby and Shine pati sina nanay, kuya at Shaina. Si Dean naman buhat buhat ni Deil. Nag picture taking kaming lahat that moment.

"Luna, welcome to Concepcion family!" bati ng daddy ni Deil sa akin.

"Thank you po daddy!" sagot ko sakanya.

"Nako bala-e dapat masundan na itong apo natin no?" sabi ng mama ni Deil kay nanay.

"Oo nga ehh! Para may kalaro na si Dean bala-e." sagot ni nanay at mukhang makasundo na agad sila.

"Oo naman po masusundan na namin si Dean nanay and mama! Hindi pwedeng mag-isa lang si Dean." Sagot ni Deil tapos natawa nalang ako.

"Sana babae naman!" sabi ni nanay

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon