S E V E N T E E N

2.1K 31 5
                                    



Deil's POV

Tama ba yung narinig ko? Sinabi ni Luna na gusto niya ako? Sign na ba ito para manligaw ako sakanya? Kaso lintik na yan! Nato-torpe ako sakanya hindi hindi! Torpe talaga ako! Hindi ko naman kasi niligawan si Heidi eh! In fact nagkakilala lang kami tapos naging mag M.U then nagka label ganun! Pero iba tong nararamdaman ko kay Luna. Kung naging seryoso ako kay Heidi kahit na niloloko niya ako eh paano na lang kapag kay Luna na? Eh di mas seryoso kasi alam kong hindi siya magloloko at matino siyang babae. Tapos gusto pa siya nang kapatid ko para sa akin then may baby na agad kami, si Max.

"KUYAAAAAAAAA!!!!!!!!" sigaw ni Abigail mula sa salas namin. Eto naman nagmo-moment pa ako ditto sa kwarto eh!! Bumaba ako para tignan kung anong nangyari sa kaniya.

"Bakit anong nangyare??" tanong ko kay Abigail habang nakataas ang kilay ko. Pinandilatan ako nang mata ni Abigail nung nakita niya ako.

"Kuya?! Pwede ba?! Magdamit ka?! Nakakaumay kala mo naman macho ka!" nag pout si Abigail sa akin at ako naman natawa.

"Huyy!! Macho tong kuya mong pogi ha!" nagpose ako nang pang body builder at kunwari nasusuka si Abigail.

"Shame on you! Makita ka ni ate Luna na ganyan! I bet matu-turn off siya sayo!" pang-aasar ni Abigail sa akin. Kinuha ni Abigail yung phone niya at may tinawagan yata siya then tumingin siya sa akin nang masama. Nako! May binabalak na masama ang baby bunso ko.

"Hello?! Ate Luna?! Si kuya oh! Inaaway ako! Wag mo na ngang pansinin to forever!!" napatakbo ako pababa nang hagdanan para agawin kay Abigail yung phone.

"HAHAHAHA! Joke lang kuya!" pinagpawisan ako nang malamig nung narinig kong kausap niya si Luna buti nalang hindi nako nako!!

"Pilayan kaya kita lalo diyan Abigail?!"

"Joke lang nga kuya ehh!! Aalis ka diba?" tanong ni Abigail sa akin

"Oo bakit? May date kami nang ate Luna mo. Hmmm bihisan mo si Max at aalis kami ng mamy niya."

"Wow? One cute family. Sige kuya bibihisan ko si Max the fluffy dog." Tumayo si Abigail sa kinauupuan niya at kahit ika-ika siya eh hinanap niya si Max para bihisan. Ako naman eh bumalik na sa kwarto ko para maligo at mag-ayos dahil maya-maya lamang eh magkakasama na kami ni Luna.







(6:45 PM SA TAPAT NANG BAHAY NILA LUNA)

"Max wag kang malikot.." saway ko kay Max na nasa likod ko. Tinatawagan ko kasi si Luna.


**RINGING...

"Hello moonlight? Ready ka na ba?" tanong ko sakanya

"Ahh oo mayor pababa na ako ng kwarto. I'll be there in 3 minutes."

"Ah okay sige sige nandito ako sa tapat ng gate niyo ha! See you moonlight." Pagkababa ni Luna ng phone eh tinignan ko yung sarili ko sa salamin kung maayos ba itsura ko.

Napangiti ako nung nakita ko si Luna sa tapat nang gate nila. Nakasuot nang acid wash jeans, white V-neck shirt and sneakers ang simple lang niya pero ang ganda talaga. Lumapit siya agad sa kotse ko at binuksan agad ang pintuan. Huy!!! Moonlight!! Ako dapat yung gagawa nun ehh!!

"Mayor bilisan mo narinig ko si dady na kausap yung dady ni Miguel. Pupunta daw sila sa bahay tonight." Kabadong pagkakasabi ni Luna sa akin. Hays! Kalian ba titigil si Miguel sa ginagawa niya.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon