Sa bilis ng lakad ko, siyang bilis din ng lakad nang sumusunod sa akin at biglang umakbay. Hanggang sa may naramdaman akong matalim sa tagiliran ko. Napahinto ako sandal, hindi ako nakahinga bahagya at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Holdap to." Kalmado niyang pagkakasabi sa akin
"Kuya estudyante lang po ako."
"Wala akong paki. Akin na lahat ng mahalaga sayo."
Akmang kukunin ko na sa bag yung cellphone ko, biglang may bumulong sa akin na lumaban ako sa kanya. At ayun na nga! Lumaban ako pero naunahan niya ako! Sinaksak niya yung tiyan ko at braso at pilit niyang inaagaw ang aking bag hanggang sa nakuha niya ito. Susuntukin ko pa sana siya ulit pero hindi siya naawa at naramdaman ko na sinaksak niya muli ako sa aking tiyan. At doon unti-unting dumilim ang aking paningin at nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari dahil parang nanaginip ako. Pilit akong humihingi ng tulong at para bang nananaginip ako dahil may nakita akong babae na nakaputi at pag gising ko ay na hospital na ako.
Hindi ko alam kung bakit pa ako binuhay ng Diyos. May malaking dahilan siguro. Pero para kanino ba kung bakit ako nabuhay? Hays, bahala na.
Biglang bumukas ang pintuan at lahat kami napatingin. Dumating pala si Abigail, yung bunso kong kapatid. Janezza Abigail Concepcion ang real name niya 17 years old at SHS student sa Siena. Dalawa lang kami actually kaya mahal na mahal ko yang bunso namin. Lagi siyang napagkakamalang maarte dahil bulol siya magtagalog so she needs to express herself in English pero hindi siya maarte konti lang! HAHAHAHA! But I swear napakabait ni Abigail at mapagmalasakit sa tao at hayop lalo na sa mga aso. I love calling her using her second name which is "Abigail" she hates it but I find it so cute. I love annoying her and she'll be my forever baby bunso.
"Kuyaaaaaaaaaa!!!!!! You're alive!!!!!!!!" sigaw ni Abigail sabay yakap sa akin.
"Aray! Abigail! Yung sugat ko!"
"Tssss! Stop calling me Abigail! That's not cool kuya! Pfft!" ngumuso siya
"No you're Abigail and I'm not gonna call you in any other name."
"Ughhhh! Fine kuya! Ngayon lang yan!"
"HA-HA-HA-HA!" pang asar na tawa ko sa kanya.
Biglang umawat si mama sa amin kasi alam niyang magbubugbugan kaming dalawa kapag nagkapikunan. Si dad naman natatawa nalang sa amin.
Isang linggo rin ang itinagal ko sa hospital dahil sa infection na nakuha ko dahil sa kutsilyong isinaksak sakin. Like wtf? Miss na miss ko na maglaro mg basketball oh! Miss na miss ko na rin uminom ng alak.
Luna's POV
Napadaan ako sa tapat ng Manila East Hospital sakay nang jeep papunta sa Siena at bigla kong naalala yung lalaking tinulungan ko. Isang linggo na pala ang nakalipas hays kamusta na kaya siya? Papasok na kaya siya ng Siena? Ay oo nga pala! Kailangan kong dumaan sa Tropical dahil hinihintay na ako doon ni Miguel.
Bzzzzzzt!
Babe: Nasaan ka na Luna Claire?! Ang tagal mo! Kanina pa ako nandito eh!
Heto na siya. Mainit na ang ulo hays wala naman kasi akong sinabi na hintayin niya ako doon.
Me: Tikling na po ako babe.
Babe: Tsssss! Bang tagal!
(5 minutes later)
Nakarating na ako ng Tropical at nandoon na nga si Miguel nakasimangot siya at mukhang wala sa mood. Diyos ko away na naman napabugtong hininga na lang ako habang palapit sakanya.
"Bakit ang tagal mo?! Ganun ka ba kabagal kumilos?!" pasigaw niyang sabi sa akin. Medyo napapahiya ako dahil maraming taga Siena ang dumadaan doon. Napayuko na lang ako sa ginagawa niya sa akin.
"Ano sumagot ka?! Siguro kachat mo na naman yung ex mo kaya ang tagal tagal mo kumilos! Nakita ko ni-like mo sa Facebook yung post niya!"
"Tama na please?!" nakayuko pa rin ako pero nangingilid na ang luha ko. Nagbabadya nang pumatak mula sa aking mga mata.
"Anong tama na ang landi landi mo?! Isang oras mo akong pinaghintay tapos yan ang sasabihin mo sakin?! Ayos! Doon ka na sa ex mo!"
Tumingin ako sa paligid at shocks ang daming nakatingin. Gusto ko nang magpakain sa lupa ng mga oras na iyon. Hindi ko na napigil ang mga luha ko at ang sarili ko hinubad ko yung singsing na ibinigay niya noong 3rd anniversary namin at ang iPhone 6s na ibinigay niya as a gift. Isinauli ko na sakanya pero wala siyang narinig sa akin na kahit ano. Lumakad ako ng mabilis pasakay ng tricycle at habang binabaybay ko ang daanan, naiwan si Miguel doon sa bakeshop ng Tropical. Siguro ay nagulat siya dahil ngayon ko lang ginawa yun. Nagmadali ako sa paglalakad dahil alam kong hahabulin niya ako.
Nakasakay na ako ng tricycle at medyo natuyo ang mga luha ko dahil sa lamig ng hangin sa byahe. Hindi ako dumiretso sa classroom namin sa Dominic. Umakyat ako sa teacher's faculty at hinanap ko yung adviser ko noong high school ako na si Miss Karina. Super close kami ni Miss K dahil sobrang bait niya at madali siyang lapitan. Nakita ko siyang may ginagawa kaya nag-alangan ako lumapit.
"Yes Luna?" sambit ni Miss K.
"Ahhh ehh may problema po ako miss." Huminto at napatayo si miss K mula sa kanyang table. Nang makita niya akong umiiyak, agad siyang lumapit sa akin at agad kaming lumabas ng faculty at nagtungo sa conference room.
"Luna? Alam kong hindi ka okay." Nakayuko lang ako at umiiyak.
"Opo miss. Sobrang hindi okay po." Nagpupunas ako ng luha ko habang nakayuko.
"Sige iiyak mo lang muna Luna tsaka mo ikwento sa akin." Nilagay ni miss ang kanang kamay niya sa likod ko.
"Okay lang miss iku-kwento ko na po." Sabi ko kay miss habang pinupunasan ang luha ko.
"Sige Luna."
"Miss kasi pinahiya po ako ni Miguel sa harap ng maraming tao sa Tropical kanina. Miss hindi ko naman po kasi sinabi na hintayin niya ako doon eh."
"Anong ginawa mo nung pinahiya ka niya?"
"Nakayuko lang po ako miss sobrang nahihiya po kasi ako. Nakipag break na rin po ako miss kasi sobra na siya. Isinauli ko na rin yung regalo niya po sa akin."
"Pang-ilang beses na ba ito Luna?"
"Marami na po."
"Ano bang sinabi ko sayo nung pangalawang beses ka niya sinaktan ng ganyan? Hindi ba sinabi ko sayo na iwanan mo na dahil hindi siya marunong rumespeto sa iba hindi ba?"
"Sobrang mahal ko po kasi miss kaya hindi ko maiwan."
"Pero ngayon desidido ka na ba na iwanan siya? Dahil kapag nagdesisyon ka, kailangan mo itong panindigan."
"Opo miss. Kaso hindi ko po alam kung paano siya iiwasan dahil alam kong pupunta at pupunta siya sa amin para suyuin ako at dito rin po sa school."
"Hmmm.... Basta kausapin mo siya at sabihin mo yung reason kung bakit mo siya iiwanan. At kapag nag insist siya, sabihin mo na sobrang sakit na at doon baka sakali matauhan siya."
"Miss sana po kaya ko na iwanan siya."
"Kaya mo yan Luna ikaw pa ba? Ikaw na yata ang pinakastrong na babae na nakilala ko." Nag smile sakin si Miss K at niyakap ako.
Lumabas na kami ni Miss K ng conference room habang nagku-kwentuhan pero nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
BINABASA MO ANG
Destined By Fate
RomanceCOMPLETED (EDITING) ANO NGA BA ANG DESTINED BY FATE? ITO BA YUNG DALAWANG TAONG PINAGTAGPO NG TADHANA PARA MAGSAMA HABANG BUHAY OR PINAGTAGPO LAMANG NG TADHANA PERO HINDI NAMAN NAKALAAN PARA SA ISA'T ISA? ITO ANG KWENTO NINA DEIL AT LUNA NA MAGPAPA...