Deil's POV"Architect Concepcion our team leader said that your work is exceptional!" sabi nung co-worker ko.
"Hey mate that's wonderful!" sagot ko sakanya.
"I can smell the promotion of our team, mate!" kantyaw nung isa kong kasama.
"Nahhh! I don't expect any promotion right now. My focus is..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil inunahan na ako ng kasama ko.
"to marry that girl.." itinuro nila yung picture sa table ko. Picture yun ni Luna nung graduation namin na masayang-masaya. Hay kamusta na kaya siya?
"in the picture." Tapos tumawa silang lahat. Hindi naman ako napipikon dahil sa tatlong taon ko ditto sa London eh walang humpay ang pang-iinis nila sa akin kaya naman nasanay na ako. Yep tatlong taon na ang lumilipas mula nung huling beses kong nasulyapan ang magandang ngiti ni Luna. Tatlong taon na pero sariwa pa rin yung sakit nang kahapon.
Sa tatlong taong pamamalagi ko ditto sa London eh natutunan kong mabuhay nang mag-isa malayo sa pamilya ko at malayo rin kay Luna. Lumayo ako at namuhay mag-isa without my parents and relatives dahil ayokong Makita nila ang pagiging miserable ko. Yeah, totoong naging miserable ako dahil halos anim na buwan akong wasted as in gimik sa gabi, inom ng alak at puyat pero never sumagi sa isip ko na mambabae. I still love Luna despite of everything happened to us and the other girls don't deserved to be a rebound. After that phase of my life, I decided to move on and find myself again. I've changed myself especially on how I look right now. I've changed my black hair to medium brown color in a brushed-up look. Pati yung pananamit ko eh binago ko lalo na nung nakapasok ako sa isang firm na dapat laging naka business casual. I'm also wearing eye glasses dahil medyo lumabo na ang mata ko sa pagiging workaholic ko yun lang kasi ang way para makalimot ng kaunti dahil sa mga dine-design ko. At dahil hindi na ako nabababad sa araw eh bumalik na ulit yung kulay ko sa dati na maputi.
Miss na miss ko na ang Pilipinas lalo na si Luna. Walang araw na hindi ko siya naiisip at siguro may anak na sila ngayon ni Miguel. Masaya kaya siya ngayon? Napapasaya kaya siya ni Miguel katulad nang pagpapasaya ko sakanya nung kami pa? Mahal niya pa rin kaya ako katulad nang pagmamahal ko sa kanya at....
"Naaalala niya pa kaya ako katulad nang pag-alala ko sakanya?" bulong ko sa sarili habang nakatanaw sa bintana ng office ko. Umalis na kasi ang officemates ko after nila akong asar-asarin. Sobrang lamig sa labas ng office namin dahil malapit nang magpasko at napakabilis bumaba ng araw at mas mahaba ang gabi.
I always wish to have a second chance to be with Luna once again. Sana sa susunod na buhay namin eh magkita ulit kami at sana wag nang ipagdamot nang tadhana yung oras na dapat ay para sa aming dalawa.
Mga 8:00 pm na ako nakauwi sa maliit kong lungga este bahay sa London. Grabe yung pagod ko dahil maghapon akong palakad lakad sa field nung building na itinatayo namin kasama yung engineer namin at TL. Pagpasok ko eh inilapag ko lang yung gamit ko tapos humiga na agad ako sa kama ko ni hindi ko na natanggal yung necktie ko. Nakaidlip ako at nagising lang dahil sa ring ng cellphone ko, hay si Abigail pala ang tumatawag. Super proud ako sa achievements niya ngayon dahil nakapasok siya sa Glasgow University and she is taking up Veterinary Medicine.
**RINGING....
"Hello?" I sounded like a cow hahahah!
"Hello kuya?" si Abigail pala.
"Yes Abigail?"
"Kuya, me and mom are going to Philippines this Christmas vacation, do you mind joining us?" narinig ko yung Pilipinas at bigla kong naisip si Luna... Na kasama si Miguel and damn it! Hindi ko kayang Makita yun.
BINABASA MO ANG
Destined By Fate
RomanceCOMPLETED (EDITING) ANO NGA BA ANG DESTINED BY FATE? ITO BA YUNG DALAWANG TAONG PINAGTAGPO NG TADHANA PARA MAGSAMA HABANG BUHAY OR PINAGTAGPO LAMANG NG TADHANA PERO HINDI NAMAN NAKALAAN PARA SA ISA'T ISA? ITO ANG KWENTO NINA DEIL AT LUNA NA MAGPAPA...