T W O

3.3K 40 2
                                    


(Kinabukasan)



Deil's POV


Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Medyo masakit ang aking braso at tagiliran. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi at bakit ako nandito. Epekto ba ito nang gamot? Ahh oo nga pala na-holdap ako kagabi. Diyos ko salamat at buhay pa ako. Pero sino ang nagdala sa akin dito? Gusto ko siya pasalamatan dahil utang ko sakanya ang buhay ko.

"Anak gising ka na.." bati nang mama ko sa akin. Ngiti lang ang naisagot ko.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo anak? Tingin nga kung nabawasan ang gandang lalaki mo anak." Hinawakan ni daddy ang mukha ko.

"Daddy naman ehhh." Kalmado kong sagot. Actually malakas talaga ang sense of humor ni daddy. Hindi niya trip ang mga problema. Unlike ni mama na medyo OA pagdating sa mga problema.

"Ma?"

"Ano yun anak? May masakit ba sayo?"

"Wala ma. Alam niyo po ba kung sino ang nagdala sa akin. Dito sa hospital?"

"Hindi anak ehh. Ang sabi lang ng nurse eh isang magandang babae ang nagdala sayo dito. Girlfriend mo daw."

Girlfriend? Si Heidi? Eh sakanila nga ako galing kagabi bago ako maholdap. Imposible yun.

"Ahh okay ma." Nagtataka ako kung sino yun. So.... Babae yung naghatid sa akin ditto. Hmm sino kaya siya? Sana makilala ko siya para mapasalamatan ko siya.



By the way ako nga pala si Deil Mikael G. Concepcion 21 years old laking London pero lumipat ako dito sa Pinas nung 17 years old ako dahil sa problema sa family. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin tanggap ni lola si mama bilang parte ng pamilya namin. Well anyway, hindi ako foreigner okay? I speak both English and Filipino fluently. Bawal kasi sa bahay namin sa U.K ang puro English lang. Though, I grew up speaking British accent. Sounds cool right? Pero ang hirap bro lalo na dito sa Pilipinas hahahahah! Kapag reporting hindi ko maipinta ang kanilang mga mukha dahil ba hindi nila ko gets or nahihirapan sila sa accent ko. But I survived the education here in Philippines sa Siena College. 4th year na ako so malapit na akong grumaduate at magkatrabaho bilang isang Architect. May 8, 1996 ako pinanganak, Taurus hahaha! I love zodiac signs! Pero... straight ako okay? Lalaki ako. Sabi nila gwapo daw ako pero ayoko maniwala. Lagi nila akong pinipilit sumali ng mga contest sa loob ng school pero ayoko. Sila lang ito na mapilit ehhh! Dumadating pa sa point na grades and kapalit noon. Sports kasi ang hilig ko lalo na ang basketball. 5"11 ang height ko, medium build and fair skin pero dahil sa kakalaro ko ng basketball kahit tanghaling tapat eh.... Jaraaaaan! Naging Moreno ako at mukha akong zebra dahil kapag nagtanggal ako ng T-shirt eh kitang kita ang hati ng kulay ko. Sabi ng mga pinsan ko, mas bagay daw sakin ang Moreno kesa maputi kasi mukha daw akong malambot tignan. So, I'm enjoying my color right now.

Medyo party boy ng konti pero hindi fuckboy okay? I respect girls just like how I respect my mom, sister and lola. I just love to chill with my best friend Autumn na kaibigan ko mula nunh umuwi kami dito. Half bad boy, half good boy. Alam ko kasi kung saan ilulugar ang ugali ko. Mukhang babaero pero hindi talaga. I swear to God one woman guy ako. Idol ko kasi si dad na sobrang faithful sa mama ko.

When I'm having a bad day, I will just eat takoyaki. Yes, takoyaki! Takoyaki ang sagot sa kabadtripan ko. Kaya nga takoyaki lord ang tawag sa akin ng best friend ko. Also, pag badtrip ako, badtrip talaga ako. I got not chill sa mga kabullshitan ng mga tao pero mabait ako sa mabait. Wag lang talaga magkakamali...

Mahirap ako pakalmahin kapag galit I swear! Di mo talaga magugustuhan HAHAHAHA!






Balik tayo kung paano ako naholdap. Ito kasi yun, galing ako sa bahay ng girlfriend ko na si Heidi. Second aniversary namin kahapon. Yes, may girlfriend ako name niya ay Miller Heidi Imperial kasing edad ko siya and siya lang naman ang reigning miss Siena ngayon. Ang swerte ko daw kasi sobrang ganda ng girlfriend ko at sobrang bait. Pero hindi nila alam may kalokohan din si Heidi inamin niya nung nag first aniversary kami. Tinanggap ko ang lahat ng kanyang pagkakamali at pagkukulang.


R E W I N D. TO. T H E. S E C O N D. A N I V E R S A R Y


"Babe happy aniv............" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin kay Heidi dahil nagulat ako pagbukas ko ng pinto. Natigilan si Heidi at ang lalaking kahalikan niya. Agad siyang bumitaw the moment na nakita niya ako.

"Babe let me explain..." sabi ni Heidi

"Wag kang lalapit sa akin." Sagot ko.

"Please listen to me babe.."

"Akala ko ikaw ang masu-surprise. Ako pala ang masusurprise hahahaha!" kitang kita niya ang frustration sa mga mata at mukha ko. Binitawan ko ang bouqet ng roses at chocolates na dala ko at lumabas ng pintuan ng condo nila. Pero hinabol niya ako at niyakap.

"Listen babe please don't leave me."

"Leave you? Yes I'm gonna do it right now. 'coz I don't deserve this kind of shit." Galit kong pagkasabi sakanya.

"Please give me another chance babe. Please I'm so sorry."

"Heidi pang ilan na ba to? Tama na." pumiglas ako lumakad ng mabilis papunta sa elevator.



Gusto kong umiyak pero galit ang nangingibabaw sa akin. Wala akong pakialam kahit umiyak siya habang buhay. Ang sakit sakit sobra and I know I don't deserve this. Lumabas na ako ng building ng condo nila I feel so wasted and broken. Saan ba ako pupunta? Uuwi? No. Iinom? Much better na pumunta ng Eastwood at doon magwalwal.



10:30 pm naglalakad ako malapit sa highway nang makutuban ko na may sumusunod sa akin pero hindi ko ito pinansin pero binilisan ko ang lakad ko.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon