Deil's POV
Saktong 6:45 pm nandoon na ako sa tapat ng bahay nila Luna at tinext ko siya na nandoon na nga ako. Siyempre bago ang lahat, pinili ko yung pinaka disente kong damit para mukha naman akong presentable sa harap niya. First impression lasts ika nga nila then lumabas na siya ng gate nila and I was just like "Wow!" simple pero may dating siya tapos nag smile siya sakin. Suddenly bumilis ang tibok ng puso ko tapos bigla kong nasabi na
"Shall we go moonlight?" arghhhh! Tititigan ko pa siya ehh! So ayun na nga sumakay na kami ng kotse grabe ang bango niya nags-stay sa ilong ko yung pabango niyang Victoria's Secret Vanilla Lace na amoy marshmallow. Gusto ko siya amuyin kaso baka isipin niya tine-take advantage ko siya or isipin niya na manyak ako. Pero uy hindi ako ganun noh! Never ko niyaya si Heidi na alam mo na.. Ayoko gawin yun kasi malaki respeto ko sa mga babae katulad ng respeto ng dady ko sa mamy ko.
Nasa byahe kami papunta sa SM Marikina nakakabadtrip yung trapik nako! Kaya naisipan ko magpatugtog since gabi na at malamig, dapat ang kanta chill din so pinlay ko ang ILYSB ng LANY. Nagustuhan yun ni Luna so nilakasan ko at napakanta na ako. Alam kong sintunado ako pero deadma lang di naman niya naririnig siguro.
"And you need to know that I'm hella obsessed with your face.. Your face.." nakatingin ako kay Luna habang kinakanta ko yan at siya naman nakapikit pa, feel na feel yung bawat lyrics.
"Oh my heart hurts so good.." napakapit ako sa dibdib ko at feel na feel ko dahil yeah, it hurts so good ngayong kasama ko si Luna. Alam kong parang ang bilis pero parang nagkita na kami dati kaya sobrang gaan ng loob ko sakanya.
"I love you babe so bad! So bad!" napatingin ako sakanya at siya rin napatingin sakin kaso umiwas agad siya at ako, nanatiling nakatingin sakanya. Ang cute niya kapag nahihiya ang bilis mamula.
Nakarating na kami sa SM Marikina at umakyat sa second floor kasi nandoon yung Vikings. Pinili niyang pumwesto malapit sa bintana dahil gusto niya Makita ang Marikina River ako naman pumunta agad sa buffet para ikuha siya ng pagkain. Yung sakin puro Maki, mahilig kasi ako sa Japanese food. Mahiyain pala talaga si Luna dahil kulang nalang isubo ko sakanya yung pagkain niya. Well, nawala din naman ang hiya after few minutes. Nung nagsalita na siya eh medyo kinabahan ako kasi baka kung ano ang itanong niya pero hindi.
"Deil? Bakit pala moonlight tawag mo sakin??" Uhm moonlight kasi nung nakita kita, ikaw yung buwan na nagbigay liwanag sa madilim kong pinagdadaanan ngayon.
"Basta hahaha! Kain ka lang haaa! Wag ka mahihiya." Iisipin niya kasi na ang corny ko kaya sinabi ko na 'basta'."
"Ngayon pa nga lang nahihiya na ako ehh hehehe!!!"
"Sus! Wag ka mahiya sakin noh. Kasi ako naman yung nakasakit sayo dahil bola." Suddenly tumunog ang phone jusko ang lakas pa kahit ako gusto ko matawa pero siyempre pinigil ko. Nakita kong natatwa si Luna kaya tinanong ko siya.
"Bat ka natatawa moonlight?" nilayo niya yung tingin niya sa akin. Pero alam ko natatwa talaga siya. Ang cute niya may dimples.
"Wala Deil kain ka na muna." Sagot niya
"dahil ba ditto sa phone ko?" tinignan ko yung phone ko.
"Naholdap kasi ako nung nakaraan kaya bilang pagi-ingat ehhh, eto nalang yung binili ko." Pinaliwanag ko sakanya ang nangyari sakin. Lahat naalala ko may remembrance pa ngang tahi ehh!
"Ahhhh okay okay. Much better at least safe ka."
"Oo nga ehh! Kung tutuusin dapat patay na ako. Kaso may nagligtas ng buhay ko sobrang swerte ko ng mga oras na yun." Napansin kong kinabahan siya at napainom ng juice
BINABASA MO ANG
Destined By Fate
RomanceCOMPLETED (EDITING) ANO NGA BA ANG DESTINED BY FATE? ITO BA YUNG DALAWANG TAONG PINAGTAGPO NG TADHANA PARA MAGSAMA HABANG BUHAY OR PINAGTAGPO LAMANG NG TADHANA PERO HINDI NAMAN NAKALAAN PARA SA ISA'T ISA? ITO ANG KWENTO NINA DEIL AT LUNA NA MAGPAPA...