S I X

2.9K 37 5
                                    


Deil's POV

Ang boring talaga kapag walang teacher tumatakbo yung oras ng napakabagal. Yung iba kong kaklase lumabas na ng classroom at ako? Eto nakahiga sa teacher's table. Hahahahaha! Napagkasya ko sarili ko dito.

"Deil! Maiwan ka na namin ha! Kakain na kami ang tagal ni sir." Sabi ng isa kong kaklase

"Okay bro." tinaas ko ang aking kamay at nag sign ng okay.

Aray medyo kumikirot yung sugat ko kaya tumayo na ako at nag indian seat sa table. Tapos biglang pumasok si Heidi nagulat ako at hindi ko ininda ang sakit ng sugat ko.

"Babe can we talk please?" sabi ni Heidi puppy face siya

"for what? We're done."

"I just want to explain everything."

"I'm fed up with your lies and excuses Heidi." Lumapit siya sakin at nag attempt siya na halikan ako pero umiwas ako.

"Hindi mo na ba ako mahal Deil?" tanong ni Heidi. Mahal ko pa nga ba? Pero wala akong maramdaman na kahit ano eh ang sakit sakit kasi talaga.

"Hindi ko alam Heidi all I know is I don't want you back. I don't want to be your 'playtime guy'."

"Hindi naman kita pinaglalaruan Deil please comeback to me." Pagmamakaawa ni Heidi

"Let's stop this nonsense you're not gonna get what you want." Tumayo ako at lumakad palapit sa pintuan nang bigla siyang yumakap at nagmamakaawa.

"Please don't leave I can't afford to lose you babe please.."

"Haha sige tell me sino yung lalaki nay un? Yung kahalikan mo? Sino siya para magkausap kami ng lalaki sa lalaki." Hinamon ko si Heidi pero natahimik lang siya at napayuko.

"He's just nothing babe."

"May nothing ba na naghahalikan sa loob pa ng condo mo? Wow! I'm tired of this Heidi let me go." Pero humigpit pa lalo ang yakap niya.

"I will never let you go Deil. You're mine. Forever mine." Pumiglas na ako sa pagkakayakap niya kinuha ko ang bag ko at tsaka ako lumabas ng room. Ni hindi ko siya nilingon ehh ayoko Makita siyang umiiyak kasi baka maawa ako at balikan ko siya.








Nagpunta ako sa St. Vincent para naman makapaglabas ng sama ng loob as usual basketball ang gagawin ko. Bawal kasi sa gym may activity ang junior high school. Bang init pero okay lang mahangin naman, okay lang na umitim ang bilis naman kasi bumalik ng kulay ko. Nagpalit muna ako ng damit sa CR malapit sa swimming pool at kinuha ko yung bola na pinatago ko kay kuya Ricky. Okay game on na hahahah!

Sa gitna ng paglalaro ko bigla kong naisip na ibato yung bola sa sobrang inis ko kay Heidi dahil sa ka-shitan na ginawa niya sakin. So it just happened binato ko at feeling ko may tinamaan ako na tao. And shit is real oo nga may natamaan ako fudgee barr naman! Agad kong pinuntahan yung babae.

"Miss! Miss! I'm sorry! Are you alright????" Natakot ako kasi baka Malala yung tama ni ate.

"Yeah yeah I'm alright.." pero feel ko hindi siya okay ehhh! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagawa ko yun?

"Are you sure?! I'm really sorry." Pag angat ng ulo niya nagulat ako kasi legit ANG GANDA NIYA! Simple pero rock ang dating! Walang make up at kung anong nakalagay sa mukha niya hindi katulad ni Heidi na umaga palang nagmumura na ang lipstick niyang pula or maroon ba yun? Basta umaga palang lumalaban na ang mukha niya.

Pero teka bigla yatang bumilis tibok ng puso ko nang makita ko yung maamo niyang mukha.


Nagdugo ang ilong niya kaya naman lalo akong kinabahan at pinipilit ko siya na dalhin sa clinic kaso ayaw niya. Medyo natulala ako sakanya kasi mala-anghel ang mukha niya so para humaba ang usapan namin, pinigilan ko muna siyang bumaba ng bleachers at nagpakilala ako. Sa totoo lang ha! Nawala yung pain na nararamdaman ko at parang may kung ano akong nararamdaman sa loob ng tiyan ko. Hoy kupido ako na naman ba? Bumilis bigla tibok ng puso ko at nawala yung pagod ko sa pagba-basketball ehh!

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon