E I G H T E E N

2.1K 27 3
                                    


Luna's POV


"Beks seryoso ba yan?" tanong ko kay Shine dahil sa sinabi niya sa akin.

"Yes beks! Lumipat na nang San Beda si Miguel!" hindi ko alam kung matutuwa ako or what but somehow nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Pinakita ni Shine yung tweet ni Miguel na "From Guardians to Animo, real quick." At doon ako naniwala.

"Kaya pala hindi na nagpaparamdam at nangungulit sa tiya Luna natin." Sabi ni Gabby

"Pero ingat pa rin beks ha! Ibang klase ugali ni Miguel." Paalala ni mader Schen

"Salamat mader." Sagot ko sakanya

"Pero kamusta naman kayo ni Deil the demi god?" pang-iintriga ni Shine sa akin

"Ah eh mga beks may aaminin ako sa inyo." Lumapit sila sa akin na parang naiintriga ng sobra.

"Ano yun beks?! Wag kang pabitin sasapakin kita!" banta ni Shine sa akin.

"Uhmmm...."

"Ano nga Luna Claire!!!!!!!!! Sabihin mo kinakabahan kami eh!!!!!" sigaw ni Gabby sa akin hahahaha! Excited sila eh sasabihin ko lang naman na kami na ni Deil.

"Gabby kalma. Ano nga beks!!!" hirit ni mader





"Boyfriend ko na si Deil." Napanganga sila at hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.



"BAKLA KA!! KAILAN PA?!" tanong ni Gabby sa akin na masayang masaya

"Kagabi lang mga beks.." sagot ko na kinikilig at napapangiti

"Omo goshhh!! Kinikilig ako! Kinikilig ako!" umaacting na naman si Shine na parang nangingisay.

"Ayiiiieeeeee!!!!!!!" tinusok tusok na naman nila ang tagiliran ko! Like wala akong magawa.

"Congrats beks!! Masaya kami para sayo!!" sabi ni Gabby

"Nag-wagi ang Team Deil! Omo gosh! Omo gosh!" tumayo si mader at nag dab. Ako naman natatawa lang sakanila pero masaya ako dahil masaya din ang mga kaibigan ko para sa akin.





"Hi girls!" napatingin kaming lahat sa pintuan at si Deil pala yun then nag wave siya. Napatayo ako para salubungin siya at nagulat ako dahil paglapit ko sa kanya eh hinalikan niya ako sa noo.

"I missed you moonlight." Nag smile siya sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko. Napansin kong may dala-dala siyang pagkain at di ko alam kung para kanino yun.

"Magkasama lang tayo kagabi ha!" sagot ko sakanya na nagpipigil ng kilig.

"Hoy! Wag kayong mang-inggit ditto!" saway ni mader sa amin pero kahit siya kinikilig eh!

"Okay! Welcome to our squad Deil the demi god!" kumuha ng upuan si Shine na isinama niya sa upuan naming magkakaibigan.

"Thank you mga beks!" sagot ni Deil na walang alinlangan kahit na alam niyang salitang bakla yun then umupo na siya sa tabi ko.

"Nga pala mga beks nag dala ako ng pagkain baka kasi nagugutom kayo at tsaka itong moonlight ko." Nilapag ni Deil yung dalawang box ng pizza sa desk niya at agad naman itong binuksan ni Shine. Dahil pizza is life yun eh hahah!

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon