CLARENCE POV
ANG cute niya lalo kapag nag blush. I'm not gay pero iba ang tama niya sa 'kin. Minsan parang pati ako namumula na , HAHAHA! Sh-t! Parang namumula nanaman yata ako.
Bumalik ako sa silid ko na katabi lang nang room niya at naka rinig pa ako ng sigawan mula sa loob no'n tingin ko ay hindi nila sinara ng maayos kase sound proof naman ang mga kwarto dito.
Napa iling iling nalang akong pumasok sa aking silid. Pabagsak akong humiga saka ipinikit ang aking mata at handa ng matulog nang biglang may liwanag na lumitaw sa aking harapan.
"KUYA!!" patiling sabi nito saka ako niyakap.
"Kamusta ka?" tanong ko sa kaniya saka ginulo ang buhok niya.
"Okay naman, pero medyo napagod ako, madami kaming ginawa kanina," halata sa muka ang pagod na tanong niya, "Ikaw? How's your day? Hays! Bakit ko nga ba tinanong? Obvious namang masaya ka," may bahid na asar na sabi niya sa 'kin.
"Pwede ba!" sabi ko saka inilihis ang tingin.
"Nako kuya, malala na ang tama mo sa kaniya," nanunuksong sabi niya.
"Sapphire, tumigil ka nga!" saway ko.
"Ayiieee!!! Si kuya in love na!!" pang aasar niya.
"I said stop it!" sabi ko at mas lalong hindi siya tinitingnan.
"HAHAHA!! Ang kuya Clarence! In love na kay Allisha!!" Hindi talaga siya tumitigil kaya ang ginawa ko ay pinaupo siya sa tabi ko at tumayo saka itinaklob ang kumot sa kaniya.
"Don't worry kuya, wala namang maka kaalaman eh, HAHA!" natatawang sabi niya habang pinipilit na inaalis ang kumot sa pag kakataklob.
Yeah!! I know that she's not the real Sapphire. Noong birthday palang ni Sapphire na hindi niya ako tiningnan manlang ay naghinala na talaga ako.
Then hindi na rin siya pumupunta sa palasyo namin kaya mas nag hinala akong hindi nga siya ang totoong Sapphire. Until the day, my little Sapphire came to my room in the middle of the night and told me everything what happened.
I fel so mad, no'ng nalaman kong may gumawa sa kaniya ng masama pero sinabi niya na meron naman daw na pumalit sa kaniya at doon niya sinabi ang tungkol kay Allisha. The woman who replaced Sapphire on her own body.
She looks like interested that's why I asked more about her and my little girl told me everything she knows.
"Kuya! Are you still here?!" pag tatanong niya saka pinag taasan pa ako ng kilay.
"Yes! I'm still here!!!" pabirong sagot ko.
*****
SAPPHIRE POV
KINABUKASAN. Maaga akong nagising pero actually hindi ko alam kung bakit, basta gusto kong magising ng maaga.. Pagkatapos kong maligo saktong pag pasok naman ng babaitang mas maingay pa kesa sa gera.
"Aba! Anong masamang hangin at nagising ka ng ganito kaaga?" naka pamewang na tanong niya.
"At ang aga-aga mo nanamang nag iingay!!" pabalik na sabi ko.
Nag taray lang ito at naka dekwatrong umupo sa higaan ko, "Sana pala dati kapa na in love para hindi na ako mag papakahirap gisingin ka," aniya habang iniinpeks’yon ang mga kuko.
"Alam mo... T-ng-na ka!? Do'n ka na nga sa labas," mataray na pagtataboy ko sa kaniya.
Tumayo ito at nag lakad patungong pintuan pero nilingon muna ako at nag salita. "Good bye, miss in love."
![](https://img.wattpad.com/cover/292036306-288-k644823.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reincarnation [COMPLETE]
ФэнтезиSi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...