SAPPHIRE POV
KINABUKASAN, naalimpungatan ako dahil sa balahibo na napasok na sa ilong ko kaya napa tayo ng umatsing.
"Meowww~~~"
Napabaling ang aking tingin sa umatungal na pusang ngayon ay nasa sahig na.
Pinanlakihan ko ito ng mata. "Bakit!? Sinisisi mo ako?" hindi ito sumagot at agad na nag tago sa ilalim ng kama ko.
Tumayo ako at gumapang papuntang ilalim ng aking hinihigaan ng may kumatok sa pintuan kaya naman ng nag mamadali akong lumabas mula sa ilalim ay nauntug ako.
Y-w4!
"Ano ba yun?" inis na tanong ko ng mabuksan ang pinto.
"Kamahalan, ito na po ang inyong agahan," magalang na sagot nito.
Inilipat ko ang tingin sa hawak niyang tray kaya may niluwagan ko ang pag kakabukas ng pinto saka siya pinapasok, matapos niyang ilagay ang tray sa mini table na nasa kwarto ko ay agad din naman itong umalis. Iyon din ang oras ng pag labas ng pusa mula sa ilalim ng higaan ko.
"Meow~~~"
"'Wag mo akong ma-meow, meow diyan! Mag salita ka!?" utos ko.
‘Ito na nga diba!?ʼ
"Halika rito," utos ko pero dahan-dahan naman itong umaatras, "halika rito may iuutos ako sayo, dali!!!" medyo sigaw na pag pupumilit na sabi ko.
‘A-ano ba ang gagawin?ʼ
"Tikman mo nga ito," turo ko sa pag kain na bigay ng katulong dito sa palasyo, "baka kase may lason o kung ano silang inilagay."
‘A-at b-bakit n-naman kita s-susundin?ʼ
"Hindi ba Royal Guard kita? Edi ang trabaho mo ay mapanatili akong ligtas, kaya bilis na tikman mo na ang pag kain."
'Sure kaba diyan?' may alin-langan parin niyang tanong, habang kabadong-kabado na lumalakad papalapit sa akin.
"BILIS!"
Nagulat ito sa sigaw ko kaya napa talon ito sa may kisame. Natawa ako sa kapagayan niya ngayon pero agad din iyong napawi ng may kumatok sa pintuan...
BINUKSAN KO ang pintuan ng may inis na muka pero nawala rin naman iyon kaagad.
“H-hi!” medyo awkward na bati ko. Sa tinagal ng araw ngayon ko nalang ulit siya nakita.
Mukha siyang puyat at mukha rin siyang hindi nakatulog nitong mga nakaraan. Hindi nalang ako nakagalaw sa aking kinatatayuan ng salubungin ako ng bisig niya.
“I miss you...” he whispered into my ears, rinig na rinig ko ang kaniyang bawat pag hininga.
“I know..” medyo nahihiya kong sagot.
Isinub-sob ko nalang ang aking muka sa kaniyang dib-dib habang pinipigilan ang pag ngiti.
‘Maharot na Prinsesa’
Napantig ang tenga ko dahil sa boses ng nag salita. Aba! Minsan nga lang eechos pa ang y-wa!
Umalis ako sa pag kakayakap ni Clarence at dumiretso sa pusang echosera.
“Hoi! Dep-ngal kang pusa! Sinong nagpahintulot sa iyong mag salita!” may inis na tanong ko pero umatras lang ito saka tumakbo papunta kay Clarence.
Aba! Mang-aagaw na hudas!
Matalim ko siyang nilapitan habang hawak-kawak ni Clarence. “Hey! Honey, you scared him,” pag pigil njya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/292036306-288-k644823.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reincarnation [COMPLETE]
FantasySi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...