THIRD PERSON POV
MULA sa kalangitan ay tahimik at mahinahong nag aantay ang mga dyos at dyosa mula noong maka alis si Allisha sa kalangitan.
"Magagawa niya nga kaya, ang misyong ating ibinigay?" tanong ng dyos ng lupa.
"Kahit ako ay hindi iyan masasagot dahil siya na mismo ang gagawa ng kaniyang sariling kapalaran," sagot sa kaniya ng dyosa ng oras.
Nakatayo at tahimik lang na nag aantay ang mga ito sa susunod na gagawing kilos ng dalagang si Allisha. Bilang isang nabas-basang dyosa na nabuhay sa mundo ng tao, ay kinakaharap niya ngayon ang isang pag subok na magpapatunay na siya nga'y karapat dapat sa pusisyon ng kaniyang namayapang lola.
Ilang oras lamang ang nakararaan ay pinagusapan ng mga ito ang tungkol sa pag babasbas nila kay Allisha na sooner or later ay magiging isang ganap ng dyosa ngunit kapag siya'y nabigo sa misyong nakaatas sa kaniya ay maaaring hindi na siya muling mabuhay sa kahit na anong mundo.
Dahil na rin pumayag ang dalaga upang matuldukan na ang pagala-gala ng kasamaang mayroon si Áplistos ay isang kasunduan ang kanilang nabuo kasama ang lahat ng mga dyos at dyosa.
Isang kasunduang hindi maiisawang maganap, kahit ano pa man doon ay tanging si Allisha lamang ang makakalutas.
***
HABANG ginagawa ng lahat ang kahit na anong paraan upang mapigilan ang halimaw na si Áplistos ay isang liwanag ang masisilayan sa Monarkiya ng Kéntro; na isinara matagal na panahon na ng dyosang si Maya at ang Ina ng lola ni Allisha noong ito’y nabubuhay pa.
Ang Kéntro ay isang masaganang monarkiya noon, ang monarkiyang ito ang nag hahati sa hangganan ng dalawang magkabilang kaharian, dito naririrahan lahos lahat ng mga iba't ibang klase ng nilalang at ito ay pinapamahalaan ng mga dyos at dyosa kaya naman ay ang mga taong may maitim na budhi ay hindi gano'n kadaling makakapasok sa kaharian kung kanilang gustuhin.
Hanggang sa tinangkang sakupin ng Dark Kingdom ang Monarkiya ng Kéntro sa basbas ng dyosang si Áplistos kaya naman ito'y isinara ng dyosa at ang mga mamamayan ay nagpakalat-kalat na lamang sa labas ng Monarkiya, ang iba naman ay sumama at naging tagasunod ni Haring Hallious dahil tingin nila ay ito ang makabubuti para sila'y maligtas sa kapahamakan.
NANG mawala ang liwanag ay lumitaw rito si Allisha na nasa katawan muli ng prinsesang si Sapphire. Siya ngayon ay nasa harap ng isang gate papasok sa isang transparent glass, kung saan silyadong nakalagay ang isang mahiwagang puno.
Gamit ang kaniyang kapangyarian ay nabuksan niya ng walang ka-hirap-hirap ang gate nito, gamit din ang kaniyang kapangyarihan ay gumawa siya ng makapangyarihang spell na kahit ang mga dyos at dyosa ay hindi kayang sirain upang walang gumambala sa kaniya hanggang sa matapos niya ang kaniyang dapat na gawin.
Nang maihakbang niya ang kaniyang paa sa loob ay agad siyang namangha sa lugar dahil aakalain mong araw-araw na nadidiligan ang mga damo sa paligid ng isang matayog na patay na punong nasa gitna nito.
Ang punong ito ay walang kahit na anong bunga o kaya naman ay dahon ngunit mahahata mong isa itong kakaibang puno dahil sa kapansin-pansing kislap na makikita sa bawat parte at aakalain mong nakapalibot sa puno ang mga biwuin sa kalangitan.
"Ako sana'y samahan mo sa tagumpay, magandang puno," pagkakausap ng dalaga saka marahang hinimas ang mala abong kulay ng punong kahoy.
Inumpisahan na ng dalaga ang dapat niyang gawin upang mabuhay muli ang puno na dahilan upang mapigilan ang dyosang si Áplistos gamit ang dugo ng namayapang si Sapphire.
Ang dugong nadaloy sa kaniyang katawan ay biyaya mula sa puno bago ito nawala na ng tuluyan sa mismong araw ng kapanganakan ng dalaga.
Gamit ang isang matulis na bagay ay itinusok niya ito sa kaniyang hintuturo at nag sulat sa puno gamit ang dugo ng may-ari ng katawan.
BINABASA MO ANG
The Reincarnation [COMPLETE]
FantasySi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...