SAPPHIRE POV
NASA larwahe na kami at pauwi, kaming dalawa lang ni kuya Garzon ang nag sabay dahil ayaw daw akong makita ng isa 'KOʼ pang KUYA.
Habang nilalakbay ang kagubatan papuntang palasyo ay hindi ko parin maunawaan kung bakit naging masama ang koneho? Ang cute kaya nila at mababait.
"Kuya ano 'yong sinabi mo kanina na mapanganib ang mga koneho?" tanong ko sa kaniya.
"Noong bata ka ay bigla ka nalang hinabol ng tatlong koneho sa hindi malamang dahilan kaya pinagbilin noon nila ama na huwag ka nang papalapitin sa kanila dahil baka mangyari ulit ang nangyayari noon," paliwanag ni Kuya sakin.
Ay! May ganong eksena? Bakit hindi pinakita sa'kin?
Hindi ko na siya sinagot at naging tahimik kaming dalawa sa buong biyahe.
Nang makarating kami ay sinalubong kami ng napaka daming knight unang lumabas si Kuya Gorzon.
Nakakapag taka lang dahil hindi ganito ang dami nila noong nakaraang araw.
"Kamahalan, maaari na po kayong lumabas," naka yukong sabi ng isang Knight at inilahad ang kanyang isang kamay para abutin ito.
Tumango lang ako at inabot ang kanyang kamay nang bigla niya akong higitin at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nawalan ng malay pero bago iyon ay narinig ko pang sinigaw ni Kuya ang aking pangalan.
NAGISING nalang ako sa isang pamilyar na lugar-wait dito ko nakita ang isang hindi pamilyar na matanda ah?
"Magandang araw kamahalan!" pag bati na rinig ko mula sa likod at nakita ko ang isang may idad na babae.
"Ikaw?"gulat na tanong ko.
"Oo kamahalan, ako nga ito?" sabi niya saka biglang ngumiti. "mabuti naman at naaalala mo pa ako."
"Paano kita makakalimutam kung lagi lang laman ng panaginip ko noon at hindi ko ineexpect na hanggang dito makikita kita," hindi makapaniwalang ani ko.
Narinig ko ang mahinang pag tawa nito, "Siguro ay hindi mo pa ako kilala ano? Ako ang dyosa ng mga panaginip at ala-ala at ikaw ay naandito sa aking lugar," paliwanag nito. "Maaari ko bang malaman kung bakit naandito ngayon ang babaeng itinakda?"
B-babaeng.. Ano daw???
Noong bata pa ako ay laging ikinukwento ng lola ko ang tungkol sa sa dyosa na ito ngunit?? Ang sabi niya ay hindi tumatanda ang mga dyosa? Pero ang isang ito ay mukang nasa 60+ na??
"Alam kong nag tataka ka kung bakit ako tumanda, hindi ba? Sa kadahilanang namatay ang aking nakababatang kapatid na tunay na itinakdang dyosa," paliwanag nito.
"Kung gano'n bakit mo sakin sinasabi ang mga iyan?" tanong ko.
"Dahil ang iyong Lola na aking nakababatang kapatid na dapat na naandito ngayon," sagot niyo.
"So? Are saying that you are also my grandma?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo at papalit sa'kin dito ay ang iyong magiging anak kung saka-sakali," sagot nanaman niya, "Kung mag-kakaroon ka na," dagdag nito bago tuluyang nawala.
"WHAATTT!" takang sigaw ko.
Psht! Hindi ko man lang nalaman ang long lost grandma ko.
NAGISING ako nang maramamdaman ang sakit sa aking kamay na nakagapos pala.
WAIT- WHAT THE H*LL! WHAT'S ARE GOING ON?
Inalala ko ang nangyari sakin bago ako makatulog..
BINABASA MO ANG
The Reincarnation [COMPLETE]
FantasíaSi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...