ALLISHA POV
MEDYO sumakit ang ulo ko nang tangkain kong tumayo para makausap sana sila ng maayos ngunit pinigilan ako ng babaeng nag sasabi na INA KO RAW.
"Anak! 'Wag ka munang tumayo, hindi pa maayos ang iyong pakiramdam," may pag-aalalang sabi niya.
"Pupunta lang muna ako sa banyo, nasa'n nga po pala 'yon?" tanong ko.
"Doon lang, Oh sige, basta mag iingat ka nasa baba lang kami ng iyong ama, Sapphire," sabi ng babae, tumango lang ako bilang sagot saka pumasok sa banyo.
Sapphire? Kung gano'n ay Sapphire pala ang pangalan ng may ari ng katawan na'to?
Taena! Edi hindi nga sa akin ang katawang ito kung hindi sa isang unknown person na hindi ko kilala-malamang, boba lang selp!?
Pakiramdam ko tuloy ligaw na akong kaluluwa na nangagaw lang ng katawan ng iba.
Pagpasok ko sa banyo ag tumingin ako sa salamin para malaman kung ano'ng itsura ng napuntahan kong katawan.
"WHAT THE FCK!! WHO'S THIS FCKING CLOWN!? WAHHHHH!!!!!" Sigaw ko matapos makita ang itsura ng katawang lupa ng babaeng si Sappire.
Maya-maya pa ay may bigla nalang kumatok sa pinto ng banyo at nag sisisigaw, "SAPPHIRE? SAPPHIRE! ARE YOU ALRIGHT THERE?" pasigaw na tanong ng tao na nasa labas.
Binuksan ko ang cr at pakiramdam ko ay nangangamatis na aking mukha, hindi dahil kinikilig, kung hindi dahil sa galit.
"AT.SINONG.WALANG.HIYA.ANG.GAGAWA.NITO!" inis na sigaw ko at tinuro pa ang sarili.
"Huh? Eh? Ikaw lang naman ang nagalaw diyan sa muka mo remember? Sabi mo 'mas makapal na make up, mas magandaʼ," sabi nito.
"Oh baka naman nakita na niya ang kaniyang sarili sa salamin at nalaman niya kung gaano siya kapangit," sabi naman ng hindi ko kilalang babae.
"Kung pangit ako, ano ka pa? Mukhang paa!" sigaw ko naman doon sa babaeng bruhilda na makapag salita ay parang close kami, ikuskus sa pander ang mukha niyang pastillas eh.
"How dare you!" sigaw nito pero walang magawa dahil maganda ako-charrr, pinipigilan kase talaga siya ng isa pa nilang kaibigan.
"At saka sino ka ba! Makapag salita akala mo kung sinong maganda..." tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa, "...wala na mang binatbat," pananaray ko pang dagdag.
Umayos ito ng tayo saka sarkastik na tumawa. "Ako? Tss, nahulog ka lang sa hagdan nakalimutan mo na kung sino ako, but I know when you saw him, baka biglang maalala mo nalang kung sino ka," mataray na sabi nito.
Kailagan kong pag timpian ang mga ito dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa mga ito. Pero hindi ko alam kung hanggang kaelan ako mag titimpi. Dahil bawas oras lang ang makipag talo sa isang ito kaya pumasok nalang ako sa cr at pabagsak ko nalang ulit sinara ang pintuan. Hinilamusan ko ang muka ng TOTOONG may ari ng katawan na ito.
"Ngayon. Kinakailangan ko muna dito sa mundo o panahong ito manirahan. Ako muna ang nag mamay ari sa katawan ni Sapphire," sabi ko habang nakahawak ang kamay sa muka at nakatingin sa salamin.
Pero? Pano ba ang naging buhay ng isang Princess Sapphire?
Habang nag tataka sa kaiisip ay may mga alala na ipinakita ng salamin.
Kung gano'n ay ganito pala ang buhay ng prinsesang ito sa sarili niyang tahanan?
Nakakaawang nilalang..
"Tama ka, Allisha."
Nakarinig ako nang boses na nag mumula sa kung saang lupalop ng ding-ding.
"Sino ka? Mag pakita ka sa'kin?" tanong ko sa boses na hindi ako malaman kung kanino nanggagaling habang nililibot ang paningin sa boong banyo.
"Tumingin ka dito," sabi ng tinig at nang lingunin ko ang salamin ay may lumitaw na anyo ng isang babae.
"SINO KA?" gulat kong tanong.
"Maari mo akong tawaging Maya, ako ang isa sa dahilan kung bakit ka nasa katawan ni Adion ngayon," malumanay na sabi nito mula sa salamin.
"Adion? Ano ba talaga ang totoo niyang pangalan? Sapphire? O Adion? Nakakaloka ha!" naguguluhan kong tanong.
"Adion Sappire Maliofe ang kaniyang tunay na ngalan, at ngayon ay pangalan mo narin Allisha," aniya.
"Bakit ba ako naandito sa katawan niya?" takang tanong ko naman.
"Dahil ang totoong may-ari ng katawang iyan ay namaalam na, at dahil iyon sa mga Darkens," paliwanag nito.
"Pero... Hindi ba't nahulog lang siya sa hagdanan?" gulong gulong tanong ko.
"Iyon lang kase ang mas madaling paraan para mapatay siya, ngunit may lason ang kinakain niya bago siya bumaba na totoong naging dahilan ng kaniyang pagka matay," sabi ni Maya at ipinakita pa niya ang nangyari.
"But why me? I-i mean ang daming taong namamatay sa mundo pero bakit ako?"
"Dahil ikaw ang pinili ng katawan niya at ni Adion na mag papatuloy ng kaniyang ninanais na gawin," nakangiting sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.
"Para mas maintindihan mo, siya na mismo ang kakausap sa iyo," huling sabi ni Maya bago nawala ang kanyang maamong muka sa salamin.
"S-saglit! Maya! Maya! Mag pakita ka! Hoy!" sigaw ko na parang baliw sa salamin.
Ano ba kasi ang gusto mong gawin Sapphire!
Nang dahil sa inis ay nabato ko ang pinakamalapit na babasagin sa'kin. Kaya may biglang kumalampag ang katok sa labas ng pintuan.
"SAPPHIRE? ARE YOU ALRIGHT THERE?" rinig kong tawag na ag mumula sa labas.
Dahil isa akong dakilang baliw humiga ako sa sahig at pumikit nang subukan nilang buksan ang pintuan ng cr.
"SAPPHIRE! SAPPHIRE WAKE UP!" natatarantang sabi ng lalaki na kaninang kausap ko at binuhat pa ng kaunti ang ulo ko.
Binuhat ako nito saka ko naramdaman ang malambot na higaan, tingin ko ay inihiga niya ako sa malambot na kama ng kaniyang namayapang nakababatang kapatid na babae-hindi nga lang niya alam na namayapa na.
Pero dahil napagod narin ako sa araw na ito kahit ilan minuto palang ang nakalipas feeling ko ilang oras akong nag pakapagod kaya unti-unti kong hinayaan ang sarili na dinadapuan ng antok.
BINABASA MO ANG
The Reincarnation [COMPLETE]
FantasíaSi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...