Chapter 18

1.2K 61 4
                                    

THIRD PERSON POV

 
     MATAPOS makaalis ni Princess Darcy sa hardin ng eskwelahan ay pumunta ito sa lugar kung saan naninirahan ang kaniyang ama.

"AMA!!" tawag niya.

Mula sa inuupuan ay nilingon nito ang anak saka inilahad ang dalawang braso para salubungin ang yakap ng bunsong anak.

Tumakbo ang Prinsesa sa kaniyang at isinalaysay ang bagong pangyayari na na ganap na may ngiti sa labi.

"Kung ganoon nga ay nakipag hiwalay na ang prinsepeng iyon sa iyo?" napapatango-tangong ani ng kaniyang ama.

"Uumpisahan naba natin ang plano aking ama?" naka ngisi niyang tanong.

Umiling iling ito, "tsk, tsk, tsk, mahal kong Prinsesa huwag mainit ang iyong ulo, makakapag antay iyan ngunit sa ngayon a patitikim muna natin ang mga nilalang ng konting kasamaang lang," aniya na pawang may masama ng binabalak.

"Sabihin niyo lang at agad ko iyang susundin mahal kong hari," naka ngiting aniya sa ama.

Hinatak siya ng hari at ipinaupo sa hita nito, hinawakan ng hari ang baba ng Prinsesa at ito ay inilapit sa kaniya ng biglang  bumukas ang pintuan ng kaniyang silid.

"Kamahalan, gising na po ang prinsepe!" anunsyo ng kawal na nag bukas ng pinto.

Dahil sa inis ng hari ay bigla niyang pinatamaan ng apoy ang kawal dahilan ng pagiging abo nito.

"Ama, huminahon lang kayo," sabi ni Princess Darcy para huminahon ang kaniyang ama.

Inasalis siya nito sa pagkakandong at tumayo, "mga walang kwenta talaga!" napapahilod sa sintidong ani ng hari.

"Wala ba kayong balak na puntahan ang aking nakatatandang kapatid?" tanong ng prinsesa.

Naglakad ang hari habang ang kaniyang anak ay naka sunod lang patungo sa higaan nito saka umupo sa may dulong bahagi saka hinila ang dalaga tungo sa kaniyang kandungan.

"Isa pa ang isang iyon, napaka dali lang ng aking ipinag uutos hindi pa nagawa ng maayos," anito a nababakas sa boses ang pagka dismaya ng malala ang kapalpakang ginawa ng kaniyang panganay na anak.

"Hayaan mo na ang kuya ama," may kalandian sa tinig niyang ani habang pinapasa ang kamay nito sa pisingi ng ama, "hindi naman niya kayang mapaligayang gaya ko," bulong pa nito bago mahinang itinulak ang ama para mapahiga ito sa kama.

*****

SAPPHIRE POV

   Sitting pretty lang ako habang inuusisa ang aking kuko na baka pinatayuan na ng mga subdivision nang masigurong malinis na ulit ay inayos ko ang aking pag-upo, siya nga pala kasama ko rin sina Shirley at Dundee pero naka anyong tao naman siya ngayon.

Todo asar si Shirley sa pusa at ang isa naman kulang nalang kalmutin niya ang loka-lokang nangaasar sa kaniya.

"Ano ba!? Umalis kana nga lang dito! Isa kang salot!" nang aasar na sabi ni Shirley dito.

Agad itong nag anyong pusa saka tumalon papunta sa lap ko at isinik-sik ang sarili sa akin.

"Oh, bakit? Kawawa naman ang Dundee namin," ani ko na may panlalambing na tono habang marahang hinahagod ang kaniyang may kakapalang balahibo.

"Ang arte, ang arte mo talaga, hmp!" sabi ni Shirley dito saka mahinang hinampas-hampas ang pusa sa bandang pwetan nito.

Natawa kaming dalawa sa pambubully na ginagawa sa pusa pero para hindi tuluyang umiyak ay naka silent ang boses namin.

The Reincarnation [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon