EPILOGUE

1.7K 36 0
                                    

EPILOGUE

   LUMIPAS ANG ilang taon at naging matiwasay ang buong Mystic World. Sa tulong ng lahat ng mga dyos at dyosa ay muling naikulong si Áplistos gamit ang barrier na kagaya ginamit sa Monarkiya ng Kéntro.

Kasalukuyang pinag mamasdan ni Allisha ang mga matatayog na halamang kasing kulay ng crema habang nilalasap ang sariwang hangin.

Nandito siya ngayon sa lugar na pinananatilian ng dyosa ng panaginipnat alaala, ito rin ang lugar kung saan niya unang nakilala ang kapatid ng kaniyang lola na humalili bilang pansamantalang dyosa ng panaginip at alaala.

"Mahal na dyosa, wala ba kayong nais na gawin ngayong araw?" tanong ng kaniyang guardiya na si Dundee— suot nito ay isang malagintong linen na ibinibigay lamang para sa mga matataas na antas ng royal guard.

"Ano pa bang tingin mo sa ginagawa ko?" nilingon ng dalaga ang kaniyang guardiya habang nanatili ang malamlam na ekspesyon.

Alam ni Dundee na sa likod ng kalam-laman sa mga ng dalaga ay hindi matatago ng lubusan ang kalungkutan.

"S'ya nga pala, bakit nasa lupa nanaman si Shaina?" tanong niya sa kaniyang guwardiya. Nakikita niya ngayon si Shaina o tawagin nalang nating si Shirley.

MATAPOS ang nangyaring labanan ipinaalam ni Allisha kay Shirley na siya ang pumanaw na prinsesa na si Shaina ang Prinsesang minahal ni Prince Lance. Tingnan mo nga naman ang buhay kahit na na-transmigrate ang kaluluwa sa ibang katauhan, hindi parin nito mababago ang katotohanang sa iisang tao lang talaga nakalaan ang pag mamahal. Hindi naman nagalit si Shirley sa kaniya, natuwa pa nga ito dahil binalik na ang kaniyang ala-ala ng nakaraang buhay pero siya ay nananatili paring tagasunod ng Dyosang si Allisha.

"Alam mo na... lumalandi na naman," may bahid ng kapaitan na sagot nito.

"Huwag kang ganiyan, napag hahalatang bitter ka," natatawang sabi ng dalaga.

Umismid lang ang gwardiya niya saka ipinag patong ang dalawang braso bago umalis.

Ibinalik ng dyosa ang kaniyang paningin sa mapayapang kalangitan. Kahit hindi aminin ng dyosa sa kaloob-looban niya ay may inggit siyang nararamdaman, dahil isa na siyang dyosa ay hindi niya maaaring iwan ng basta ang kaniyang tungkulin.

Hindi pa nag tagal ay may isang nilalang nanamang dumating at kahit hindi niya lingunin ay alam na niya kung sino ang taong ito.

"Maaari mo ba akong samahang mag tsaa?" tanong nito sa dyosa.

"Bakit naman hindi," pag sangayon ni Allisha at sa isang iglap sila ay nawala na sa kaniyang lugar ay napunta sa may hardin na punong-puno na mga iba't ibang halaman at bulaklak na napapalibutan ng mga paro-paro.

Sa gitna nito ay nakahanda ang lamesa kng saan parehas mag sasalo sa pag tsaa ang dalawang pinaka makapangyarihang dyosa.

"Maupo tayo, Allisha," ani ng dyosa.

Habang sinasalinan ni Maya ng tsaa ang tasa ng dalaga ay malaya nitong pinag mamasdan ang buong paligid.

Allisha loves butterfly like her grandma at iyon ang unang napansin ni Maya ng tignan ang dalaga habang manghang pinag mamasdan ang buong paligid. Siya'y naaaliw pagmasdan ang kapwa dyosa dahil nag mimistulan itong parang bata ngunit biglang mukha na ng matalik na kaibigan ang nakita niya ng panandalian.

"Alam mo ba, hawig mo si Melensia noong panahon na pagpipilian palang ng mga dyos at dyosa," sabi nito habang pinaikot ikot qng hintuturo sa dulo ng tasa.

"Hmm.. Sabi nga nila, parang carbon copy niya ako," pag sangayon ng dalaga saka suminsim ng tsaa, "mas nag mumukha ko siyang ina kesa kay Mommy no'ng nabubuhay pa siya," naging malungkot ang atmosphere sa pagitan ng dalawa.

The Reincarnation [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon