Chapter 16

1.7K 66 0
                                    

Sapphire POV

     ‘The heck!?ʼ

Actually... hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"W-What the!? Anong ginagawa ninyo!?" naka ngiwi kong tanong.

Naka upo si Shirley sa dulo ng kama habang si kuya Lance naman ay nasa paanan nito na tila ba ay may tinatanggal.

Tumayo si kuya Lance at humarap sa 'kin, "Hindi mo ba nakikita? tinatanggal ko 'yong bubog sa paa niya."

Napangiwi akong tiningnan si Shirley habang siya naman ay umiwas lang nang tingin.

Isinarado ko ang malaking pintuan saka sila hinarap na dalawa, "Nabubuang na talaga kayong dalawa eh, 'no? Alam niyo bang nabaliw ang tainga ko sa dahil sa inyo!" inis na sabi ko.

"Well... Hindi naman namin alam na... malakas pala ang iyong pandinig at narinig mo mula sa inyong silid hanggang dito sa silid ko ang sigaw ng inyong kaibigan," sabi ni kuya na mag halong pang aasar na tono.

"Umalis ka nga rito girl talk ang mangyayari pero kung ayaw mo.... pwede kong i-consider na kalahi na namin ni Shirley," saad ko at may halong pangaasar.

"Tsk, alright! Lalabas ako btw, papasukin niyo ang maid na ipadadala ko, ‘maliwanag ba?ʼ" bilin nito at diniinan pa ang huling salita, anong tingin niya sa 'kin hindi nakikinig!? sabay totoo naman.

Tumuyan na nga ito lumabas at ako naman at matamang tiningnan ang babaeng si Shirley, "ikaw naman bruhilda ano naman ang pinag ‘usapanʼ niyo ni kuya?" tanong ko saka lumapit sa kaniya.

"W-Wala naman a-ah? Hindi naman kami n-nag usap," pag sisinungaling niya.

"Asus! Kanina ako ang inaano mo, 'yon pala.. kayo ng kuya ko.." hindi ko itinuloy ang sinasabi dahil may kumatok, siguro iyon ang ipinadala ni Kuya Lance.

"Kamahalan, ako po iyong ipinapunta ng prinsepe para magamot ang sugat ng iyong kaibigan," paliwanag niti habang naka tungo.

May mali....

"Shirley! sa ilalim!" sigaw ko saka nag labas ng apoy para patamaan ang kapapasok lang na maid namin ‘kunoʼ na agad ding naka ilag.

Nag iba ang anyo nito at naging isang kalahating scipio ang itaas na bahagi at kalahating ahas naman ang ibaba.

Wtf!

Naging mabilis ang pag kilos niya para puluputin ako ng buntot niya ngunit inapakan ko ito at hiniwa gamit ang fire sword ko kaya napangiwi siya sa sakit.

"Grabe ka!! Nahulog ako tapos nakalimutan mo yatang may suga—oww!! May bisita pala tayo rito," hindi niya natapos ang paninermon ng makita niya ang  nasama ko.

"Eh, kung tumulong ka kaya rito, diba?"

"Sabi ko nga," sagot niya at nag kibit balikat pa.

Gumawa siya din siya ng crustal sword. Nang alisin ng half-snake, half-scorpio ang kaniyang buntot ay muntik na akong bumagsak sa lupa pero buti nalang at tumambling ako sa ere at naka tayo ng maayos.

‘The Game Beginʼ

Gumamit ako ng teleportation para makapunta kami sa malawak na lugar upang malaya kaming maka galaw pero hindi ko na inabalang isama si Shirley dahil baka mag tatatalak lang iyon. Naisipan kong sa may mabato-batong lugar, wala trip ko lang sa ganitong lugar.

“Kailangan mo nang mamatay,” aniya.

“Pero mauuna ka,” sabi ko naman.

Bakas sa kaniyang muka ang galit at sobrang desperado tingin ko ay binigyan ng patong ng demonyong iyon ang ulo ko. Ano naman kaya ang pabuyang ibibigay ng yawa!?

The Reincarnation [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon