Wesley
'Welcome to Galvez Arts and Music Academy' ito ang nakalagay na sulat sa napakalaking banner sa ibabaw ng engranding gate ng school. Taray ah. Ganda ng gates at mga naglalakihang mga buildings.
"Psst" narinig kong may sumita saken. Yung guard lang pala.
"Good morning po guard" bati ko sa kanila dahil dalawa sila nandoon.
"Late kana ah! Nasan yung I.D mo?" Tanong nito saken
"Ah sorry po, actually freshmen po ako eh at first day of class ko to ngayon." Paliwanag ko sa kanila na mukhang naniwala naman.
"Ganun ba?" Tanong ng isa at tumango lang ako.
"Last week lang yung balik eskwela ah? Ba't ngayon kalang?" Tanong na naman yung unang nakausap ko kanina. Hay nako angdaming tanong anp bato interview? Char!
"Late enrollee po eh" kamot ko sa batok. Tumango lang sila at binuksan na yung gate.
Teka. Baka magtaka kayo kung bakit andito ako ngayon. Ganito ang nangyari. Pinakiusapan ko si Tito William at nagkaroon kami ng kasunduan na lingid sa kaalaman ng mga magulang ko. Kahit na mali ang magsinungaling pero gagawin ko nalang ito. Para sa kanila. Gagamitin ko ang pera na ibinigay saaken para sa pagpapatuloy ng pagpapagamot nina papa at mama, babayaran ko na rin ang mga utang namin at kung may matitira pa ay ilalagay nalang ito bilang savings. Si Tito William nadaw ang bahala mag bigay ng palusot kina papa. Sa part ng pag-aaral ko naman sinabi ko sa kanila na nagkaroon ako ng bagong trabaho bilang janitor sa isang hospital. Yeah right I'm not sure kung kapanipaniwala naba yung excuse na yun but naniwala naman sila papa. Syempre hindi yun totoo. Pero totoo naman na may hospital nga dito malapit sa Academy na papasukan ko.
Pagkapasok ko ay namangha agad ako. Napakalawak pala ang loob ng paaralan, samot-saring mga estudyante ang nag ggrupo-grupo at nagtatawanan sa iba't-ibang sulok.
"Ah kuya guard, san po pala pwedeng i park yung motorcycles?" Habol na tanong ko dahil muntik ko nang makalimutan na naka motor pala ako. Ang lawak nan kase mg grounds at as a first timer dito mawawala ka talaga.
"Kita mo yung blue building sa may kanan? Punta ka lang dun" sabi pa nito.
"Thank you po" sabi ko sa kanila at nag paalam na.
Lunes ngayon at ito rin ang unang araw ng klase ko bilang isang late na enrollee, dahil last week pa nag simula ang pasukan. Simpleng itim na jeans, white shoes, tsaka plain gray v-neck shirt lang ang suot ko ngayon. Kasalukuyan akong nag hahanap sa registrar para manghingi ng class schedule at para masimulan ko naring mahanap yung mga assigned rooms ko later.
Nakita ko naman agad ang admin building dahil hindi naman ito kalayuan sa parking space ng mga two wheeled vehicles, kaya pumasok na ako at nag inquire doon.
Few minutes later.
Palakad-laka ako habang bitbit tong class schedule na binigay ng main office ng academy. Nalaman ko rin na sa umaga ay mga minor subjects lang ang meron, at sa hapon ay isang subject lamang at ito ay ang major namin na hanggang 1-3 pm. Sakto din para makapasok pa ako ng part time job ko.
"Western Union?" Narinig kong may tumawag sa akin. Alam na alam ko kung sino ang kaisa-isang nilalang na tumatawag sa akin niyan. Napalingon agad ako at lumaki ang mata sa nakita. "Ikaw nga" dagdag pa nito at pumunta sa direksyon ko.
"Lexi Lore? dito ka din pala nag-aaral!?" Masaya kong sagot. Sumimangot naman ito sa narinig. Si Lexi Cañete pala, isa sa mga kaibigan at kaklase ko sa grade 12, medyo may kaliitan pero cute naman tignan. Noong una hindi kami masyadong malapit sa isa't-isa, pero nagkasundo naman kami agad dahil mahilig din ito sa musika, magaling siya sa pag tugtug ng violin.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...