19

793 51 27
                                        

Wesley

"Yes ma, okay lang ako kayo diyan?" Sagot ko kay mama na tumatawag ngayon. Kasalukuyan akong nagluluto ng pang breakfast nang tumawag sila mama para mangumusta. Palagi naman silang nangungumusta sakin via text or call at same rin sa kanila palagi ko ding ina-update yung kalagayan nila mama at papa.

Nalaman ko kay papa na mabilis daw ang health recovery ni mama at ngayon ay nakakapag lakad-lakad na ito ng maayos.

"Nak?" Narining kong tanong ni mama.

"Ano yun ma?" Sagot ko.

"Pagka gumaling na ako ay si papa naman yung ipapagamot ng lola mo" sabi ni mama. Actually alam ko na to dahil sinabi na yun sakin ni lola noong nasa hospital kami.

"Oo nga po ma, sinabi rin sakin yan ni lola, nakahanap na daw po siya ng doctor?" Tanong ko pa.

"Oo, kaso nasa New Zealand pa yung doctor na nakita nila" sabi kito.

Napaawang ang bibig ko. "Ang layo-layo naman pala" sabi ko. "Nakapa schedule na rin po ba sila?" Dagdag ko.

"Hindi ko pa alam nak, sasabihan kita if okay na. Sige na baka ma-late ka pa tatawagan nalang kita ulit pag may progress okay?" Sabi ni ma'am.

"Okay po ma, ba-bye love you" sabi ko.

"Love you din, ingat ka dyan palagi" narinig kong sabi nito bago mag end yung call. Namiss ko na talaga makita sila mama at papa dito sa bahay, ang tahimik kase simula nung ako lang dito. Hays.

Nagpatuloy nalang ako sa mga ginagawa ko at kumain na rin. Hindi nagtagal ay may bumusina na sa may gate namin. Dali-dali kong tinignan kung sino iyon. Si Elisse pala.

"Elisse ang aga mo naman ah come, pasok ka muna." Sabi ko sa kaniya ng makita itong nag-roll down ng window sa kotse niya. Diretso na kase niya akong hinatid pauwi kagabe kaya wala akong masakyan ngayon papunta sa school since nasa school lang din yung motor ko buti nalang nag offer siya na sabay nalang din daw kami pumasok.

"Of course I'm an early bird" confident na sagot nito.

"Did you eat already?" Tanong ko. Habang iginiya siya sa loob.

"Yes, thank you. Tapos na" sagot niya.

"Ah okay sige wait lang ah tapusin ko muna kinakain ko tas we're ready to go." Sabi ko sa kanya at dali-daling pumunta pabalik sa mesa.

"Hoy take your time, ang aga pa naman" narinig kong sagot nito.

Hindi na ako sumagot at kumain nalang. Mabilis akong natapos at nagligpit muna ng kinainan. Nag toothbrush at nag suklay ng buhok, naglagay din ako ng pulbos at konting lipbalm. Syempre inaalagaan ko rin yung face ko in a simple way no, hindi na necessary yung make-up dahil natural namang maganda na ako.

"Elsa let's go" sabi ko pagkatapos kong i-lock yung gate namin.

"Elsa ka d'yan" she gave me an amuse look. Natawa lang ako.

//////

We're on the way to the school ng may maalala ako. "Diba makakalabas na ng hospital si ma'am today?" Tanong ko sa kanya.

"Hopefully mamayang lunch or after lunch I guess, they're still running some test sa kanya eh kaya hindi pwede ngayon" Sagot nito. "Atat na atat pa naman yun makalabas" dagdag niya.

Napaisip tuloy ako kung mag papractice pa ba kaya kami mamaya ni ma'am eh kakalabas palang niya ng hospital later.

"Hoy! Ano na? Dito ka nalang?" Pagkuha ng pansin ni Elisse sa akin. Huminto na ang sasakyan and saw that nandito na pala kame sa school grounds.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon