4

990 49 10
                                        

Wesley Anne Aquino

Makalipas ang tatlong araw

"Here's your order po ma'am" masayang sabi ko sa satisfied customer sa order na deneliver ko.

"Salamat ate ganda, bago kabang rider?" Tanong ng babaeng customer na mukhang high schooler pa.

"Ah yes po ma'am" nakangiting sagot ko sakanya. Gandang-ganda ata ito sa akin. Char!

"Ate, mag oorder talaga kami araw-araw niyan pag ikaw ang mag hahatid" sabi ng katabi nitong babae, tumawa bigla yung nakausap ko kanina at hinampas sa balikat yung nagsalita na friend niya.

"Tumahimik ka nga Tessa! Nakakahiya ka!" Nahihiyang sabi pa nito pero tumawa lang yung tinawag niyang Tessa, napatawa rin ako at nag paalam na sa kanila.

Noong lunes lang ang unang pasok ko sa academy at ngayon ang pangalawang araw ko bilang isang rider ng food panda. (obviously not sponsored ha)

Pagkatapos kase ng klase namin sa hapon nung first day ay dumiretso na ako sa paghahanap ng part time job na pang gabi yung schedule dahil ito lang ang available na oras ko. Siguro I'm lucky enough dahil may mga kakilala akong mga tao na may koneksyon sa iba't-ibang kompanya. But honestly, ang isa sa mga kaibigan ni Tito William ang nakapag pasok sa akin sa posisyon ko ngayon, sakto rin na nakakuha na ako ng driver's license noong mga nakaraang buwan kaya saktong-sakto ang posisyon ko na maging isang rider, so if you're wondering, tumatanggap sila ng mga babaeng rider, walang kasing gender inequality sa company nila. Nag resign na din kase ako sa dating pinagtatrabahuan dahil wala naman silang available na trabahong pang gabi.

Tinignan ko ang address sa panghuling customer, nagpasalamat ako mentally dahil hindi ito kalayuan sa lokasyon ko ngayon, napangiwi naman ako sa nakalagay sa username dito. sugarplumommy. Weird right? Jejemon din.

"Alright! Last delivery nalang at makakauwi na rin" sabi ko sa sarili ko at pinaandar na ang motor para magpatuloy sa ginagawa. 4:00 to 8:30 pm ang shift ko from Monday until sa Saturday and yung only vacant day ko is Sunday lang, but atleast may rest day parin diba.

Time check, 7:26 pm na pala shuta! Nako lagot ako neto, lumagpas na ako ng 6 minutes sa approximate time of delivery.

Sa di kalayuan ay nakita ko na ang subdivision na nakalagay sa address. Pinakita ko muna ang authorize permit ng kompanya namin at pinatuloy kaagad ako ng guard, kaagad kong hinanap ang specific unit number ng customer sa loob ng building dahil parang condominium units ata ito, but thank God ay hindi naman ako nahirapang hanapin yung unit dahil sa enggrandeng design ng door frame at laki nito. Pangalawang beses kung pinindot yung buzzer sa pinto ng room bago ito mabuksan.

"Good evening Ma'am, this is food panda delivery, here's your order po?" Nagulat ako sa nakita at halos lumuwa yung mga mata ko. Char oa ko naman diba. Imbis na declarative yung sentence ko eh halos na patanong kong sabi sa babaeng nasa harapan ko. Mukha itong naiinip at bagot na bagot na. She's only wearing a black oversized shirt at kulay checkered pink na pajamas. Kahit naka busangot ang mukha nito ay ang cute parin niya talaga walang halong biro. But obviously mas maganda ako!

"What took your delivery so long ha?" Inis na bungad nito. "You're 9 minutes and 37 seconds late! God! I'm so hungry that I could kill right now!" Galit na galit itong nagsalita. Maldita mode na naman ito, nag bilang pa talaga siya ng oras ha. Timer ka teh?

"Ma'am pasensya napo talaga, hindi ko kase agad mahanap ang location niyo eh" sabi ko nalang as an excuse dahil at fault naman talaga ako at binigay na ang order niya. Agad kong tinanggal ang helmet ko para mag half bow as an apology.

Our gazes met and she was shocked nang mamukhaan niya ako. Agad namang napalitan ng pagkairita ang reaction niya.

"You!" Bulalas nito at tanging 'ha?' lang ang nasagot ko.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon