You can follow me for more updates.
Wesley
Andito kami ngayon nina Elisse at Adrian sa cafeteria kumakain ng lunch. Dalawang araw na ang nakakaraan nung eksena namin ni Ma'am sa sasakyan niya. Simula nun ay sa bahay nalang ako nag nag-aatal ng piano.
Actually nyan ay iniiwasan ko talaga si ma'am at tanging sa klase lang kami nag-iinteract. There's just this one thing that keeps on bothering me for the last two days, hindi yung accidental kiss namin ah, yung hindi lang talaga mawala sa isipan ko ay yung reaksyon ni ma'am. I'm not actually surprised or bothered by what happened, cause for me it's just a simple accident, nothing serious, besides when it comes to both girls kissing is not anything special, right?
Pag nasa school at may mga times na napapansin kung tumingin ito sa akin na parang may gusto siyang sabihin pero hindi naman niya tinutuloy kaya wala. Ako naman, on the other hand is trying my best to avoid her, other than that I want to avoid any kinds of misunderstanding narin kaya nilalayuan ko talaga siya as much as possible.
At isa pa to! Ang dami-dami ko na ngang inisip ay dumagdag pa tong lalaking nagpakilalang boyfriend daw ni ma'am, pupunta daw ata ngayon dito para bisitahin si ma'am. How did I know? we'll ito lang naman ang headlines ng balita dito sa Galvez Arts and Music University. And also sinabihan din kase ako ni Elisse about sa ganap ngayon.
Kahit nagsasagutan kami ni ma'am hindi parin mawala-wala yung delulu ko na baka someday magiging friends or aquaintance man kami ni Ma'am Mendoza. Ewan ba hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko sa ideya na may boyfriend siya, gwapo naman yun at bagay pa nga sila kung tutuusin.
"Els, ano yung pangalan ng boyfriend ni ma'am?" Tanong ko kay Elisse na ngumunguya ng pagkain niya.
"Si kuya Noah ba?" Tanong nito. Gagi din tong si Elisse eh tinatanong ko nga.
"May iba pa bang boyfriend si ma'am?" Sarkastikong sagot ko at tumawa ng konti si Adrian na nasa harapan ko.
"Wala naman, pero si kuya Noah ba ang tinutukoy mo?" Tanong na naman niya. Ewan ko sa babaeng ito ang hirap kausap.
"Ewan ko, kaya nga nagtatanong ako diba?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ah yeah he's kuya Noah, Noah Trinidad" sagot nito.
"Whoa you mean the one and only son of Mr & Mrs Arman Trinidad?" Chikang sali ni Adrian sa usapan at tumango si Elisse "yup, that's him." Dagdag pa nito.
"Sino ba yang mga pinaguusapan niyo?" Takang tanong ko. Napatingin naman yung dalawa sa'kin as if na nawala yung ulo ko. "Ano?" tanong ko.
"Hindi mo kilala ang mga Trinidad?" Gulat na tanong ni Elisse. Umiling ako dahil wala talaga akong alam.
"Omg ka Wesley! Sila lang naman yung pangatlong pinakamalaking Banking corporation dito sa Pilipinas." Sabi nito.
"I honestly don't know Els, I swear" I honestly admit to her. Parang natatawa naman si Adrian sa reaksyon ni Elisse.
"Okay lang yan Elisse baka nga hindi rin alam ni Wesley na kayo rin ang isa sa mga may-ari ng school nato." Patawang sabi mi Adrian.
"Totoo?" Hindi na naman makapaniwalang tanong ko kay Elisse. Tumingin na naman sila sakin na parang tutubuan na ako ng ugat sa ulo.
"Are you serious right now Aquino?" Mas hindi makapaniwalang tanong ni Elisse sakin.
"Sa tingin mo nagbibiro ba ako?" Seryosong sabi ko. Nag seryoso din agad ang tingin niya saken.
"Omg na talaga si Wesley Anne Aquino ano lang ba yung nalalaman mo babae ka bukod sa Motor at Piano ha?" Sabi nito pero natatawa na ako sa mga reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...