Wesley Anne Aquino
May pagka lutang akong nag da-drive ngayon papunta sa school gamit ang motor ko at medyo sumasakit pa nga yung mga braso at iba parte ng katawan ko dahil sa mga ginawa ko kahapon especially yung pag hakot ng mga foods packs, ugh mabigat din kaya yun, lalo na at hindi kalakihan ang katawan ko, (payat for short) pero buti nalang at nakauwi na ako agad kagabi at nagkaroon nang mataas-taas na tulog.
Nakikita ko na ang university sa di-kalayuan kaya binilisan ko ng konti ang takbo ko. Nakita ko agad sina kuya guards na nag-iinspeksyun sa mga I.D ng mga istudyanteng pumapasok pagdating ko sa tapad ng gates. Gosh ang strick talaga nila. Hinanap ko yung I.D ko sa bag ko ng may napalakas na busina ng sasakyan sa likod ko. Parang lumabas ang ispiritu ko sa sobrang gulat napalingon agad ako sa isang Black Jaguar XJ. Napakasimple lang neto pero halatang pricey din. Pero shutangina aatakihin ata ako sa puso. Malimit lang akong mag mura yung mga oras lang na deserve talagang mag curse like this situation now. tangina mo
Sino ba kasi tong walang hiyang to. Biglang nag roll down ang bintana nito naka nakatapat sa direksyon namin. Bumungad naman cold na mukha ng kataas-taasang kagalang-galangang professor na ubod ng sama ng loob. Hindi pa nga nagsasalita ito ay parang napipikon na ko dahil sa nangungutyang tingin niya sa akin. Tinignan ko rin siya ng masama. Nang makita nila kuya guard ang may-ari ng sasakyan ay awtomatik nilang binuksan agad ang gate for vehicles. Diretso lang ang mukha nito nakatingin sa daan at nag roll up yung windows niya, tas bigla nagpaharurut ng takbo papasok sa loob campus.
Napaawang ang bibig ko sa nakita. Seryoso ba siya? Hindi ba niya alam na university tong pinasukan niya at hindi racing tracks? Grabi na talaga tong si Ma'am Mendoza, ibang klase din talaga yung personality niya.
Tamo makakaganti rin ako sa'yo someday, somehow.
_Pagkapasok ko sa room namin ay iilan pa lamang ang andito kaya nagtungo na sa nakasanayang pwesto ko sa likod.
"Morning milady" bati saakin ng katabi kong si Adrian.
"Morning din" masayang sagot ko sa kanya.
Yung mga early birds lang na kagaya ko ang andito at hinintay pa namin ng ilang mga minuto bago makarating ang iba pang kaklase namin. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap tungkol sa mga famous artist and composers nina Adrian at Elisse na bago lang din nakarating at tumabi narin sa left side ko since nakapag exchange siya sa dating naka upo sa desk niya ngayon. Tumunog ang bell at pumasok na rin ang first subject prof namin. Sino pa ba? Nagtama ang mga mata namin at nakita niya sigurong masaya kaming nagkukuwentuhang tatlo kaya sinipat ko ang mga katabi at umayos ng pagkaupo.
Neutral lng ang expression nito. "Everyone stand up and form two lines on each sides." Maowtoridad niyang utos sa amin at sumunod kami agad.
"Ms. Abarquez dito ka sa pinaka harap" sabay turo niya sa pinakaunang chair malapit sa may pinto. Naalala ko bigla yung sinabi ni ma'am last meeting na babaguhin niya raw yung seating arrangement namin.
"Ms. Acosta, you sit next to Miss Abarquez" instruct niya rito.
"Ms. Aquino" sabi niya at tumigil para tignan ako. Kinabahan na naman ako bigla dahil baka ipahiya niya ako sa harap ng marami, like for no reason. "Seat here" tanging dagdag niya habang tinuturo ang kasunod na desk. Actually apat ang rows at lima lang ang columns dahil hindi naman kami karamihan. Malaki yung rooms namin but consider na we're all arts and music majors here we need space talaga. Like literally. Nagpatuloy lang si ma'am sa pag plot ng mga kaklase namin hanggang sa matapos niya ito sa pang huli na nasa likod which is Mr. Yvan, yung tinutukoy kong napakalaking nilalang the other day. Tinignan ko isa-isa sina Elisse at Adrian na nasa likod ko at nag pout sa kanila, ngumuso din si Elisse sa akin at nag 'I miss you already' sign naman si Adrian na kunwari ay paiyak-iyak pa. If you wonder how I know sign language, well, basta may konti akong alam.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...