20

905 59 40
                                    

Wesley

Friday na ngayon at maaga akong gumising dahil maaga ang flight namin papunta sa Baguio kung saan gaganapin ang 15th Thompson's Youth Piano Competition. Gosh ang haba nun.

Nag insist si Ma'am kahapon sa pagkahaba-habang last practice namin na sumabay nalang daw ako sa kanya papunta sa airport at doon nalang rin daw kami mag me-meet up sa dalawa pang ibang mga contestants along with their coaches. Actually for piano doubles yung category ng dalawang students at ako lang yung representative ng school for solo category.

4:46 pm pa ngayon pero kanina pa akong 5 am ready to go naghihintay nalang ako na makarating si ma'am dito dahil yung schedule kasi ng flight ay exact 6:00 pm. Hindi naman sa excited ako no? Ang aga panga dahil kung tutuusin bukas pa naman yung competition magaganap.

Kasalukuyan akong umiinom ng kape habang kausap sila papa at mama sa phone, hindi man nila ako mahatid pero pinadalhan nila ako ng konting pera at mga magagamit ko dun na pinadala sa isang bodyguard ni lola.

"Anak, wag kang magpunta ng kung saan-saan ha? Baka mawala ka?" Sabi ni papa na di maipagkakailang nag-aalala ito Shungga ano ba'ko 6 years old? Huhuhu natawa nalang ako sa sinabi ni paps.

"Carlos ano ka ba hindi na musmus ang anak natin, kaya hayaan mo siyang mag enjoy dun" rinig kong sabi mama kay papa. Napangiti ako dahil sa konting away nila.

"Ma, pa, wag nga kayong mag worry babalik din naman agad kami sa linggo" mahinahong sabi ko. May narinig akong bumusina sa labas kaya agad kung tinignan ito. Ang sasakyan ni ma'am yun kaya nagpaalam na ako sa kanila.

"Andito na yung sasakyan ko papunta sa airport ma, pa. Bye na po love you both." Sabi ko sa kanila bago binaba na yung tawag.

Mabilis akong naka labas sa bahay dala yung mga gamit ko. Bumukas yung pinto at si Kuya Lawrence ang bumungad sa akin. Kinuha niya yung mga gamit ko at nilagay sa may trunk ng sasakyan nito. Akala ko si ma'am yung nag-drive ng kotse niya.

"Anong sinisimangot mo dyan, pumasok kana." Ano raw? Nakasimangot ba ako? Bumaba ang back seat windows nito at bumungad yung pretty face ni ma'am sa may back seat. Napatingin ako sa kanyang suot simpling white v-neck t-shirt lang yung upper nito, habang hindi ko naman makita kung ano yung pang-ibaba niya. Isang band-aid nalang din yung nakalagay sa noo ni ma'am.

Ako rin naman naka dark blue jacket lang at black na jogging pants with a white pair of shoes dahil napakalamig pa naman din ng paligid lalong-lalo na sa Baguio.

"Y-yes ma'am, good morning po pala by the way " masayang bati ko sa kanya at nginitian siya. Pumasok na si Kuya Lawrence pabalik sa drivers seat at dali-dali akong papasok na sana sa shotgun's seat nang magsalita si bossing.

Lumingon ako sa kanya. "Where do you think you're going?" Napataas yung kilay nito habang nagtatanong.

"Here po ma'am" magalang na pagturo sa seat katabi ni kuya Lawrence.

"Do I look like a passenger?" sabi nito na evident yung inis niya. "Dito ka umupo sa tabi ko" Ma-awtoridad na sabi nito.

"Ah sige" tanging sagot ko at binuksan yung backseat saka pumasok doon. Napansin kong naka insert pala yung white shirt niya sa kanyang high waist black jeans. Kahit simple lang yung suot niya pero nagmukha na naman siyang model, unlike me na parang aattend ng pajama party. Teka nga. Pansin ko lang ah palagi ko nalang pinipraise si Ma'am. Don't tell me!? Omg am I finally admitting na mas maganda siya saken? Hala no way.

Tahimik na naman and I swear awkward lang yung buong drive dahil walang nangahas na magsalita or magpatugtug man lang sa stereo para man lang mabasag yung katahimikan. I swear isa rin sa mga nanotice ko when we're close or sitting next to each other is yung tension. Possible kayang nagtatalo yung spirit of beautifullnes naming dalawa kaya may tension sa pagitan namin?

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon