12

747 49 29
                                    

Let's appreciate the beauty of classical music.

Wesley

Kahapon bago ako pumunta sa ospital ay nagtungo muna ako sa pinagtatrabahuan para magpass ng resignation letter. Kahit ayaw ko man mag stop pero I have no choice. Halos tatlong linggo lang ako doon pero gusto ko parin na maging formal yung pagresign ko.

Naiintindihan naman ng branch manager naming si Sir Ralph kung bakit biglaan ang pag resign ko kaya wala siyang masyadong mga tanong at nag offer pa nga na pwede akong makabalik anytime dahil nakita niyang hardworking daw ako. Ang bait niya swear.

Naalala ko bigla yung nangyari kahapon before sa lunch time sa loob ng office ni ma'am. Nagtanong lang naman ako kung anong pangalan ni kuyang pogi, alam kong Lawrence ito pero gusto ko malaman yung buong pangalan niya kase. I did not expect na magagalit pala siya kaya ayun pinagtabuyan ako.

Wala naman kase akong ideya na ganun pala siya kasensitive na pag-usapan si kuya Lawrence, pero bakit nga ba siya magagalit? Hindi niya naman siguro boyfrie- oh! Baka boyfriend niya yun. Aba malay ko ba kung boyfriend niya yun. Kaya nga nag tatanong diba? Tas pangalan lang naman yung tinanong ko ah, hindi ko naman tinanong kung single or taken naba yun. Ang sungit talaga! Pero hindi ko na dapat tinanong yun mapa ano paman yung dahilan niya. Baka ano pa isipin nun.

Hindi ko pa nga natanong kung kelan mag sisimula yung practice namin, this afternoon na ba o sa susunod na araw pa. Binantaan niya kasi akong 'I'll rip your eyes out if you don't leave this room' daw kaya lumabas nako agad. Hay nako my goodness!

Pero I found out na yung location pala na ibinigay ni ma'am ay yung condo niya na nag-deliver ako ng pagkain sa kanya a couple of weeks ago.

Muntik ko nang makalimutan na sasabay pala si Lexi sakin para bumisita kay mama buti nalang at maagang natapos yung class nila at naghintay nalang sa labas ng room namin. Bibisita lang daw siya saglit at mangumusta kay papa tas uumuwi narin dahil may gagawin pa daw siya after that.

----

Pauwi na ako ng bahay ngayon para maghanda na papunta sa school. Gumawa kase kami ng deal ni papa na siya daw yung mag aalaga kay mama sa mornings at ako naman sa gabi, syempre agree naman ako para makapasok pa ng school sa umaga.

I took a quick shower at nagbihis. Hindi pa kase ako kumain kaya dali-dali akong nagluto ng kanin sa rice cooker at nag prito ng itlog at hotdog na nakalagay sa ref.

Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako at ni-lock yung pinto at gate then nag drive papunta sa school. I'm on my way na sa school ng may sumabay sa kabilang lane ng daan na isang pamilyar na sasakyan, nakilala ko agad ito. Bumaba ang isang bintana nito na nakatapat sa akin at tinignan ako na parang bored siya.

"Good morning ma'am." Pasigaw na bati ko sa kanya na sapat lang para marinig niya dahil kami lang dalawa yung nasa daan ngayon. Sa halip na bumati pabalik ay nagsara lang ang windows nito at nagpaharurut ng takbo nauna sa akin.

Ay bastusan talaga si ma'am? Napuno tuloy ng alikabok yung daan kaya tinakpan ko ang ilong ko gamit ang isang kamay at mabilis na nagpatakbo para di'ko na masinghap yung mga alikabok.

Pumasok ako sa loob ng klasrum na naka simangot. Nakakainis kase yung ginawa ni Ma'am Mendoza kanina na pinaliguan ako ng alikabok. Pagpag tuloy ako nang pagpag sa buhok at damit ko pagdating ko sa parking lot.

"Good morning!" Masayang bungad sakin ni Adrian. Kahit masama yung mood ko ay nginitian ko parin ito pabalik.

"Morning din" simpleng sagot ko.

"Oh ano meron ba't ka bad mood?" Tanong nito.

"Wala, may nakita kase akong black beetles kanina lumipad sa mukha ko, nakakainis" inis sabi ko.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon