11

729 51 26
                                        

Wesley

Umuwi na sila Tito, Luther, si lola, at si papa sa mga alas dos na ng umaga. Ayaw panga sana sumama ni papa dahil nag insist ito na sasamahan niya daw ako but hindi pwede dahil sa kondisyon ng kanyang katawan. Buti nalang ay nakumbinsi siya nila Tito na umuwi muna at bumalik nalang pagka bukas.

Its been three days simula nung operasyon ni mama pero wala pa rin itong malay simula noong matapos yung surgery niya na umabot hanggang half past 12 ng gabi. Ako lang ngayon ang nagbabantay kay mama sa room niya.

Napatingin ako sa oras at 6 am in the morning na pala. Inaantok pa ako dahil sobrang ikli lang ng tulog ko but I have no choice. From time to time kasi chenicheck ng mga doctor ang kalagayan ni mama kaya ayun saglit lang yung tulog ko.

It's been three days narin since nung last pasok ko sa school at sa work. Pero hindi naman masyadong boring dahil after school ay bumisita si Elisse or minsan si Adrian para mangumusta or i-update ako sa mga discussions namin.

Palabas na ako ng room at binigyan ng huling tingin si mama na nakahiga parin.
Sigh.

Lumabas ako ng ospital para kumain sa isang maliit sa karenderya na malapit dito. Pagkatapos nun ay bumalik na agad ako.

Nang makabalik ako sa room, napansin kong may dalawang lalaking nakatayo sa may pinto ng room at naka tux and tie ito, I guess ito yung dalawa sa mga bodyguards ni lola. Pagkapasok ko sa room ay nandito narin pala si papa.

"Pa? ang aga niyo ngayon ah" bungad ko sa kaniya at napatingin ito sa akin.

"Oo anak, tatlong araw kanang absent eh, ako na muna ang magbabantay sa mama mo. Pumasok ka na muna ngayon." Sabi nito.

"Nako pa, okay lang yun ginawan naman ako ng excuse letter nina Elisse kaya walang problema." Sabi ko sa kanya habang kinukuha yung usang walis sa corner.

"Wag ka nang magmatigas, pumasok kana ngayon okey? Dumiretso ka nalang dito mamayang hapon. Sabi ni papa. Wala ma akong magawa kaya tumango nalang ako.

Nagtaxi lang ako pauwi dahil wala naman kaming car or something, tas nakakahiya ding manghiram ng kotse na dala ng mga guards ni lola na ginamit nila papunta sa hospital.

Pagkarating ko sa bahay ay napansing kong andito na pala yung motor ko, sa pagkakaalala ko ay naiwan ko ito sa school, well siguro pinakuha ito nina Luth. Agad akong pumasok para maligo at maghanda na.

Hindi naman ako kagaya ng mga typical girls na nakikita sa TV na matagal mag bihis dahil wala naman akong masyadong arte sa mukha o katawan man. Isang simpleng black jeans at at pink polo shirt lang ang sinuot ko. I know I'm not that fashionable minsan nga tinawag pa nilang baduy daw yung fashion sense ko pero I don't care 💅 basta komportable ako edi go.

Dali-dali akong lumabas at sumakay sa motor ko, putting my helmet on at nag drive papunta sa school.

Almost 7am na nung makarating ako sa school grounds, para akong nanibago dahil sa three day absentees ko. Naglakad ako sa hallways ng makita ko si Ma'am Mendoza at the end of the hall. Hindi ko narin nakita si Ma'am after nung magkasama sila ni Elisse na naghatid ng pagkain. She look great as ever, parang nasa runway lang itong naglalakad habang di tinatapunan ng tingin ang mga estudyanteng bumabati sa kanya, dungit talaga eh. Mukhang kakarating niya lang din.

Since nung pinakitaan ako ng kabutihan ni ma'am ay nagbago din ata yung pananaw ko sa kanya. I have respect naman talaga sakanya noon pa kahit hindi ito halata but now I have a whole new level of respect to her. I owe her, may utang nanloob ako sa kanya.

Gusto ko sanang mag good morning din sa kanya ng may bigla tumapik sa kaliwang balikat ko. Tinignan ko kung sino ito. "Lexi?" Gulat na tanong ko dahil hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ito.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon