Wesley
Maaga akong nagising ngayon dahil sa totoo lang ay hindi ako nakatulog! Sa kwarto ako nila mama na tulog while dun si ma'am sa kwarto ko. Pumunta agad ako sa CR namin para maghilamos at una kong napansin nung tumingin ako salamin ay ang mga dark bags underneath my eyes.
Kasalanan talaga to ng lasinggo na prof ko. Char. Kung hindi niya lang yun ginawa kagabi ay sana maayos yung tulog ko ngayon.I went to the kitchen upang matingnan kung ano ang pwedeng lutuin for breakfast. Basic lang naman yung laman ng ref namin.
Habang nagluluto ay biglang pumasok si Ma'am sa kusina na halatang bagong gising pa lang habang hinihilot yung sentido nito. "Good morning po Ma'am" nahihiyang pagbati ko sa kanya at hindi makatingin ng diretso.
"Morning" maikling sagot niya. "Meron ka bang gamot sa headache?" Dagdag pang tanong niya.
"Uhm wait lang, tignan ko lang muna kung meron ba." Sabi ko pero tinapos muna yung niluluto kong bacons at hotdogs. After that naghanap ako ng mga pain relievers sa lalagyan namin ng gamot, buti nalang may mga Advil pa.
"Heto po ma'am" bigay ko sa kanya with a glass of water and also with proper distance din sa kanya. She just look at me confused, pero kinuha naman niya yung gamot at ininom.
"Thank you." Sabi nito at napatingin sa cellphone na bitbit niya. "I should get going." Dagdag niya.
"Kain ka muna ma'am" pag-anyaya ko sa kanya. Buti nalang nag agree siya at umupo ito sa tapat ko kaya inabutan ko sa kanya yung plato at kutsara tas nagsimula nang kumain.
"Did you change my clothes?" Biglang tanong niya.
"N-no ma'am" Utal na sagot ko dahil bigla akong kinabahan. She did change her clothes but I helped her with a little cause tipsy parin siya ng konti. But I had to admit she looked good on my clothes tho.
"What?" Tanong niya.
"Ha?" Takang sagot ko.
"Why are you blushing?" Diretsong tanong niya sakin. Alam kong namumula yung pisngi ko ngayon dahil sa mga nangyayari kagabe, nakakahiya nga naman.
"Wala naman, mainit kasi yung kanin at ulam ma'am" palusot ko sa kanya na halata namang hindi kapanipaniwala dahil malamig lamig na yung rice kanina pa.
"You're lying" sagot nito. "You're also keeping your distance from me ba't ang layo layo mo?" Tanong niya dahil literally nasa other end of the table ako opposite sa direction niya.
"Is this about what happened last night?" Diretsong sabi niya kaya muntik na akong mabulunan. Dali-dali akong uminom ng tubig.
"Naalala mo yung nangyari kagabe ma'am?" Takang tanong ko. Medyo shocked yung mukha kung nakatingin sa kanya, bastos oh, kita ng kinakausap pa. Silence.
"Of course." Matagal na sagot niya. She remembered it?
"Hindi naman ako nagka amnesia or nauntog yung ulo ko so yeah I somehow remembered some of what happened last night." Sabi nito at nag poker face.
Is she saying na naalala niya yung kiss? Pero some nga diba? Meaning hindi niya naaalala yung lahat ng nangyari. Siguro hindi niya maaalala yung part na nagbihis siya since she's asking me kung ako ba daw yung nag change ng clothes niya. Agad namang nag-init ulit yung mukha ko nang maalala yung iba pa dun. But diba lasing siya? I thought pag lasing yung tao ay makakalimot ito. Thought lang naman.
"Ano ba yung naalala mo ma'am?" Paniguradong tanong ko sakanya dahil baka iba yung tinutukoy niya.
"You really wanna know?" Panghahamon nitong tingin sa akin at nag cross arms. Tumango ako agad.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...