Wesley
Nandito kami ngayon sa usual spot namin sa cafeteria nina Elisse at Adrian. Abala ngayon si Elisse sa pagbabasa ng kanyang notes dahil may long quiz daw siya sa major nila mamayang hapon habang ako naman ay abala sa pag bigay ng tissue kay Adrian, bahing ng bahing kasi ito.
"Ayan na Adrian, ba't ba kase sumugod ka sa ulan kahapon ayan tuloy." Singhal ko sa kanya na ngayo'y pulang pula ang ilong.
"Bakit kaba naligo ng ulan?" Tanong ni Elisse na hindi tumingin sa amin.
"Gusto ko lang, bawal ba?" Pabirong sabi nito at uminom ng dala niyang tubig.
Wala namang ganap sa klase namin kanina except lang kay Ma'am Mendoza na panay ang bato sakin ng mga tanong sa mga dini-discuss niya. Nakakahiya nga dahil maraming gustong sumagot pero ako lang yung palagi niyang tinatanong.
"Guys punta muna ako sa nurse para manghingi ng gamot ah, medyo sumasakit kase yung ulo ko" sabi ni Adrian at tumayo.
"Wait samahan kana namin baka mapano ka" sabi ni Elisse at tiniklop agad yung laptop niya.
"No, I can manage" sabi pa nito.
"Sure ka dre?" Tanong ko. Dre short for Adrian.
"Yeah" sagot nito at naglakad na.
"Wes, did you perhaps did something to my sister? Biglang tanong ni Elisse na nakatingin na sakin.
"Huh? Wala naman, bakit mo nasabi yan?" Takang tanong ko.
"Uhm kase kahapon pag-uwi niya sa bahay aburido na naman yung ulo niya" sabi nito.
"Oh tapos ba't napunta sakin yung tanong mo?" Tanong ko.
"Eh since chismosa ako kaya pumasok ako sa room niya and tinanong ko siya kung what's the matter, sabi ni ate na 'I hate your friend' daw" sabi nito. Napataas yung isang kilay ko.
"Luh wala naman akong ginawa sa kanya ah" sabi ko at napag-isip kung ano yung mga recent na kasalanang nagawa ko. Pero wala talaga.
"Baka hindi ako na friend yun, marami ka namang ibang friends diba?" Dagdag ko.
"Oo nga at madami yung friends ko, napag-isip ko nga na baka hindi ikaw or baka si Adrian yung tinutukoy niya pero when I notice this morning, parang may sama talaga ng loob si ate sa'yo eh" sabi nito at curios siyang tumingin sa'kin habang nasa chin niya ang dalawang kamay.
"Hala I swear, wala akong ginawa sa kay ma'am" as if naman kaya kung i-prank o gawan ng masama ang isa sa mga professor ko no.
Napangiwi ito at tiningnan ako ng maigi. Natapos nalang ang lunch at hindi pa rin namin nakitang nakabalik si Adrian. Sabi naman nun na masakit daw yung ulo niya so baka umuwi nalang ito sa bahay, nag-aalala din ako dahil wala kase itong tinext at mainly because alam ko'ng ako yung dahilan kung bakit nagkasakit siya ngayon.
Nakinig lang ako sa konting discussions ni Sir Shen sa major namin tsaka niya kami hinayaang mag practice at mag try ng mga new techniques and strategies sa pag play ng piano. Mabilis lang lumipas ang oras at hindi ko na namalayang uwian na.
Nasa hallways na'ko ngayon ng may biglang tumawag sa phone ko.
"Hello?" Bati ko.
"Hello is this Wesley Aquino?" Tanong nito
"Yes po speaking, sino po to?"
"This is one of the nurses in charge here at Ocampo Medical Hospital, we need your presence here immediately ma-" putol na sabi ng nurse sa kabilang linya dahil parang may umagaw sa telepono niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/292773669-288-k110829.jpg)
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Roman d'amour(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...