Wesley
Ang bilis lang natapos ng weekends at ngayon ay another monday na naman. Nakaupo lang ako ngayon sa upuan ko habang hindi masyadong nakikinig sa mga sinasabi ni Elisse na ngayong sumakabilang silya na naman, while si Adrian naman ay hindi pa nakakarating, medyo maaga pa kase ngayon.
"Hoy Wesley? Nakikinig kaba sa mga sinasabi ko?" Tanong niya saken na lutang na naman.
"Uhm sorry ano nga yun?" Tanong ko, at umismid lang ito. Actually alanganin akong kausapin siya ngayon dahil nag eecho kase yung mga sinabi ni ma'am last time. Hindi parin ako nakaka move on. Char
"Ano nga yung haka-haka na kayo nadaw ni Adrian?" Tanong nito bigla.
"Ha? Hindi ah, magkaibigan lang naman kami" sagot ko sa kanya. Ang chika naman niya eh di naman nagsasabi kung saan ito nanggaling. Tinanong ko siya kanina at isang family matter lang daw yung pinuntahan nila. Siguro ay importante ang family matter na iyon kaya ayaw niya magsabi.
"By the way, Wes last Friday si ate Elle galit a galit siya" biglang share niya.
"Ha?" Tanong ko ulit dahil medyo lutang na naman ako.
"Sabi ko si ate parang sasabog na sa galit pagkagaling nilang mag morning walk ni mommy along with her friends last Friday." Napatingin ako sa sinabi niya.
"Bakit naman daw?" Pagpapanggap ko na walang alam sa sinabi niya.
"I don't know nga eh, wala naman siyang sinabi, basta galit siya and I've never seen her that angry before, sabi naman ni mommy na may nakasagutan daw itong istudyante on their way kaya hinayaan ko nalang siya." Mahabang sabi nito.
"She's slamming the door everywhere she enters a room, nakakainis nga eh nadadamay ako, pero hinayaan ko nalang" dagdag pa nito.
"Ganyan ba talaga yung ate mo? I mean si ma'am?" Tanong ko sa kanya.
"Na? Yung magdabog ba?" Tanong nito. Dahan-dahan naman akong napatango.
"Ah no, minsan lang kapag may nakaalitan ito, nagdadabog ito or minsan nagmumukmuk sa kanyang kwarto, parang bata" umiling-iling na sagot nito
"Medyo na spoiled kase yan pinalaki si ate eh kaya masungit minsan" dagdag ulit niya. Minsan lang ba talaga nagsusungit si ma'am? Tatanungin ko pa sana si Elisse pero tumahimik nalang ako.
Ilang segundo lang ang lumipas ay pumasok na si Ma'am Mendoza, sabay kaming tumayo ng mga mga kaklase ko as a sigh of respect at yung ilan naman ay bumalik na sa kanilang respective chairs. She's just wearing a black dress that's hugging her figure with a grey blazer na pair niya dahil pansin kong sleeveless yung panloob nito. Neutral lang ang expression niya ngayon, and you can't tell if she's doing okay today or not. Pumunta ito sa may empty desk sa harapan namin at inilagay ang konting dala niya. She looked at me and immediately our gaze met, I don't know why but agad akong umiwas ng tingin.
Nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa at habang ako naman ay nakayuko lang sa notes ko at binibusy ang sarili sa pag take down notes ng mga sinasabi niya. Kalmado lang ang boses nito, kaya sa palagay ko ay good mood siya.
Bumukas bigla yung door at iniluwa dun si Adrian na malalim ang paghinga, parang tumakbo ata ito.
"Ma'am pasensya na po, an accident happened kase when I was on my here kaya na late ako." Hingal pang sabi nito ay himashimas yung dibdib niya. Tumingin ito sa akin at nag wave, nginitian ko rin siya in response.
"Take a seat already!" Nakapamewang na sabi ni ma'am and irritation was evident on her voice.
Bigla na naman itong tumingin sa akin kaya umiwas na naman agad ako tingin. Ba't nga basiya tingin ng tingin sa akin, mau dumi ba ang mukha ko? Na conscious na tuloy ako sa itsura ko. Unlike nung mga unang mga scenarios namin ay nilalabanan ko talaga ang mga tingin niya pero ngayon ay hindi ko magawa. One of my reasons is because nahihiya ako sa kanya, but yung main isyu ko talaga is I'm angry at her, galit ako sa kanya. Nakakainis lang si ma'am dahil hindi ito marunong mag consider sa mga nararamdaman ng mga taong kinakausap niya.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...