21

922 62 39
                                    

The video above is Wesley's entry / Wesley's solo performance; what it sounded like.

Wesley

Kinabahan akong naupo dito sa waiting area ngayon dahil 5 more contestants to go nalang, ako na yung magtatanghal.

Hindi na allowed yung mga coaches and teachers dito sa backroom. My mind went back to what happened last night, agad bumilis yung beat ng heart ko shungga! Lalong-lalo na nung naalala ko yung reaction ni Ma'am and a small involuntary curve form on my lips.

A few minutes earlier:

Nandito kami ngayon sa backstage. Hindi pa nagsisimula ang contest and gosh grabe yung panginginig at pawis sa mgña kamay ko. Kami lang dalawa ni Ma'am ang nandito ngayon sa room dahil hindi pa nakarating yung ibang makakalaban ko while sina ate Paige at Tyrone ay nasa ibang room naman since iba yung category nila.

I'm wearing my sleeveless black silky dress na below the knee yung length at paired with a black sandals na hindi naman kataasan ang heels. My hair was held in a high ponytail and looking at the mirror I looked like a runway model na. Char. Si Ma'am naman ay naka long sleeves na kulay gray na naka tucked in sa kanyang black pants. Kahit simpleng lang ang suot nito at agaw pasin parin siya swear. Marami ang napapatingin sa kanya kapag dumadaan siya especially when she walk pasts men. I don't like their stares that much.

"Hey listen" pagkuha ni maam sa atensyon ko.

I'm so glad at hindi siya galit sa'kin ngayong umaga. I was really worried of her reaction nung maalala yung nagyari kagabe, shungga nag overthink ako what if galit siya or hindi niya ako pansinin ngayon dahil dun jusko buti nalang hindi siya galit.

"When you're out there, don't think of anything else other that winning, just win. Alright?" Sabi ni ma'am habang hinahawakan ang magkabilang braso ko. Ang lapit ni Ma'am ang naiilang ako ng konti but upon seeing her face, napaka seryoso niya ngayon kaya I just nod at her.

"Y-yes ma'am" She looked directly into my eyes. Nauutal akong sumagot sa kanya.

"Think of this as your final practice but give me your your best shot." Dagdag niya. I knew she's trying to soothe my nervousness pero hindi ata tumatalab yun dahil mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko sa lapit ng mukha niya sa akin. Humakbang ako ng konti palayo sa kanya at huminga ng malalim.

"Thank you ma'am." Sabi ko. She looked at me confused. "I mean thank you for the hard work, you know for your time in training me." I sincerely said to her. "I will not disappoint you" confident na sabi ko.

"I know" maikling sagot nito.

"No matter what the results are after this, I'll still give you a reward, just named it." nakangiting sabi niya. Natulala naman ako saglit dahil first time niya ata akong nginitian. Hala shet! Ang ganda niyang ngumiti no lie! Mas mataas ako ng konti sa kanya ngayon dahil hindi siya nagsuot ng heels kaya kitang-kita ko kung gaano kaganda at kaputi ang mga ngipin nito. Tumango ako at mapangiti rin sa kanya. I love to see her smile more often ang ganda ni Ma'am promise hindi siya nagmumukhang suplada or OA.

"Sure ka pong bibigyan mo pa rin ako ng reward kahit hindi ako manalo Ma'am?" Sabi ko just making sure na tutuparin niya talaga yun. She just nodded. I wonder kung ano yung reward na hihingin ko sa after.

"Attention! Attention! Contestants, please proceed to your individual post right now for we are about to start in a 3 minutes." Rinig naming announce ng host sa may harapan. Huminga ako ng malalim at tutungo na sana sa contestants' waiting area ng tinawag ako ni Ma'am.

"Wesley Anne" Nilingon ko yung direksyon niya. Magtatanong na sana ako kung anong meron but I was whipped when she pulled me close to her and kiss my cheeks.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon