Wesley
It's been almost like a week since nung pag-amin ni Adrian sa akin and ever since then he became extremely sweet and caring of me, minsan nga ay naiilang nalang ako pero hindi ko naman pwedeng diktahan kung ano yung mga ginagawa niya.
It's been almost a week na rin na wala narin kaming interaction ni Ma'am which is supposed to be good diba? Hindi na talaga kami nag-uusap simula nung last conversation namin, except nalang pag sa class niya syempre hindi ko talaga pwedeng iwasan yun.
Akala ko mas madali lang yung pag ignore kay Ma'am nung una pero parang mas mahirap yata ngayon especially na si ma'am na mismo yung hindi namamansin sa akin. Shungga parang timang eh. Ginusto ko to tas ngayon mag reregret ako.
Nakahanap narin pala ako ng mapagtatrabahuan sa tulong ni Adrian. May isang convenience store kase sila na open 24/7 at walang makakapag manage nito during 5 to 8 pm kaya fit na fit tong job na ito for me. May iba ding mag shi-shift sa akin 8 to 12 pm dahil siyempre hindi ko na kaya pang magtrabaho sa ganung mga oras.
Almost 8 na ngayon at malapit na rin akong makauwi, ang nakaganda rin ng store na to ay hindi na siya kalayuan sa bahay namin, mga 10 - 15 minutes lang siguro ang drive papunta sa bahay namin kung magmomotorsiklo ka.
Minsan ay pumupunta rin dito si Adrian pag wala daw siyang masyadong ginawa pero sa ngayon I think hindi siya makakarating.
Dumating na yung papalit sa akin kaya nagligpit na ako ng mga maliliit na kalat sa counter at nag arrange sa paligid malapit rito para naman walang masabing masama yung papalit sakin tulad nang tamad ako or makalat.
Nginitian ko si ate Cyndi na papalapit sa direksyon ko. "Ang aga mo te ah" sabi ko sa kanya.
"Oo wala na kase akong ibang gagawin sa class namin." Sabi nito. Napag-alaman kong graduating student na pala tong ate Cyndi sa kanyang course na veterinary science. Ang hardworking niya promise nakaka inspire siya.
"Ah I see" sabi ko habang kinuha na yung mga gamit ko. "Pano ba yan mauna na ako sa'yo ah." Pagpapaalam ko.
"Yeah bye" maikling sagot nito at mag wave.
Agad naman akong umuwi diretso sa bahay dahil kailangan ko pang magluto, tas may gagawin pa din akong isang project ngayon. Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto para mag bihis at bumaba agad para magsimula nang mag luto.
Tinamad na akong magluto ng proper na ulam dahil gutom na ako kaya nagsaing ako ng kanin sa rice cooker at nagluto nalang din ng pancit canton. Mabilis lang itong naluto kaya kumain agad ako.
May gagawin pa kase akong assignment sa major namin na gumawa ng isang kanta na compose of broken chords. Hindi naman ako matagal kumain kaya natapos na'ko at pumunta na sa piano room namin para magsimula na.
Hindi pa lang ako nakakaupo ng ilang mga minutes nang may tumawag sa phone ko. Tinignan ko ang caller at nalaman na si Elisse pala yun.
"Oh Elisse?" Tanong ko.
"Wesley are you busy right now?" Nababahalang salita nito. Hindi ko pa narinig na ganito yung tono niya kaya I immediately thought na seryoso siya ngayon.
"No, I'm not that busy, anong nangyayari?" Malumanay na sabi ko.
"It's ate Elle, dalawang araw na siyang hindi umuuwi sa bahay, pati na rin sa apartment niya." Bahalang sabi nito. Napantig agad yung tenga ko sa narinig.
"Na try niyo na bang e text o tawagan si ma'am?" Nag-aalalang tanong ko.
"Tapos na pero wala parin, off ata yung phone niya baka hindi niya lang ito sinasagot." Sagot ni Elisse. "Kahit si Kuya Noah nga ay hindi niya rin sinasagot yung mga tawag niya." Dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...