You can follow me for more updates.
Wesley
Magkasama kami ngayon ni Adrian sa isang motor shop. Gaya ng napagkasunduan namin ay sinamahan ko nga siyang pumili ng motor para bilhin at gamitin niya daw.
Hindi na ako pumasok ng major kanina dahil nakatulog ako sa nurse's office at hindi ko na namalayan yung oras. Nagising nalang ako na may tumawag sa phone ko, only to find out na si Adrian lang pala yun, hinahanap kung nasaan daw ako. Wala narin akong ibang kasama sa loob and honestly I can't clearly remember what happened. After kase nung sinabihan kong hindi na muna ako makakapag practice with Ma'am Mendoza ay inantok na ako and I slept.
Kagagaling lang namin ng school at dumiretso nalang kame dito dahil almost 5 pm na at magsasara na yung mga motor companies.
"Ano na dre? May napili kana ba?" Tanong ko sa kanya na masuring tinitignan ang iba't-ibang mga modelo ng mga motor.
May mga hub, scooters, big bikes at iba pang modelong yung nandito at kanina pa kami pabalik-balik ng tingin sa mga ito dahil hindi pa talaga nakakapagdesisyon si Adrian on which model should he buy.
"Wait lang Wes, hindi pa ako makapili eh." Sabi nito.
"Akala ko ba may nahanap kanang ideal na motor sa internet?" Tanong ko na naman ulit sa kanya.
"Yeah, I did but wala ata yung model na kagaya ng nagustuhan ko dito sa store na'to eh." Sagot nito.
"Ha? Ganun ba? Bakit ngayon mo lang sinabi eh kanina kapa tingin ng tingin sa ibang mga models, wala naman pala yung nagugustuhan mo dito." Pairap na sagot kong tumingin sa kanya.
"Andito naman yung nagugustuhan ko eh" maharot na sagot nito.
"Tse, hindi nakakakilig umayos ka nga" matabang na sabi ko. Naiinip narin kase ako sa kakatayo dito.
"Joke lang haha, wag ka ngang high blood, bakit ba ang sungit mo ngayong araw na to?" Patawang tanong niya saakin.
"Wala lang, tsaka hindi ako nag susungit no!" Pasinghal na sabi ko.
"Yeah yeah sure" taning sagot nito. "Let's go nalang?" Dagdag na tanong niya.
"Oh my goodness! Wala ka talagang nagustuhan dun?" Tanong ko. Umiling ito agad.
"Wala talaga, maybe let's see another shops too" Sagot nito na kumakamot sa batok niya.
"Hay nako sa'yo, mahigit isang oras tayo dun na kakatingin tas wala ka naman palang pipiliin. Tsaka close na yung ibang stores ngayon no kaya sa susunod ka nalang maghanap." Sagot ko.
"Sige, pero sama ka parin ha." Sabi nito with his pleading puppy eyes.
"Nope! Last na to!" Mabilis na sagot ko. Balaha na siya, ayoko nang sumama ulit sa kanya. Andami ko pa kayang dapat gawin at abalahin. Na guilty tuloy ako na nag skip ako ngayon ng piano practice with ma'am eh para sa competition pa naman yun. Pero hello? Masama nga yung pakiramdam jo diba?
"Sama ka kase ulit, mas expert ka kaya saken pagdating sa mga to" pagpapaliwanag niya.
"Bahala ka na dyan malaki kana kaya mo na yan at isa pa wala ba talagang kaisa-isang tao sa bahay niyo na may knowledge pagdating sa mga motor, ako pa inaabala mo" reklamong sabi ko sa kanya at umismid lang yung mukha nito.
"Wala nga, at kung meron may edi siya nalang sana yung sinabi ko ngayon para hindi kita naabala." Seryosong sagot niya. "Pero biro lang, I prefer na ikaw lang talaga ang kasama ko mapa ngayon, bukas, o magpakailan man." Dagdag niya which earn him a good slap at his sholder.
"Baliw ka talagang lalake ka. Balaka talaga dyan tara na nga gutom na ako, ako pa naman mag-isa sa bahay ngayon. Magluluto pa ako." Naiinip na turan ko.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...