18

761 52 13
                                    

You can follow me for more updates.

Wesley

Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil may gagawin daw kaming community service ng mga classmates ko. Pasado 10pm na ako natulog kagabi dahil hinihintay ko parin na baka magpunta pa si ma'am sa amin kahit alam kong malabo na yun.

I know na maaga pa yang alas dyes pero yung usual sleeping time ko is 9 to 9:30 pm kaya medyo late na yung 10 pm para sa akin.

Hindi naman mahirap or gaano kaimportante ang gagawin namin ngayon dahil maglilinis at mamumulot lang kami ng mga basura na makikita sa paligid ng buong campus. Tas, may time limit din hanggang 7:30 am.

Kahapon nga lang din in-announce na yung block na pala namin ang naka-schedule this morning. Kaka 6 am palang kaya pagdating ko sa loob ng classroom ay humihikab pa yung ibang kaklase ko especially tong si Adrian. Wtf ang aga naman kase.

"Morning!" bati nito sakin at nag gesture pa ng finger heart. Tinapunan ko lang siya ng maarteng tingin. Ke aga-aga ang harot na.

"Ang sungit mo, ang aga-aga pa naman" sabi ni Adrian na umayos ng upo. Bumukas yung pinto at pumasok doon si Elisse na parang kulang sa tulog.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya ng makalapit na siya sa direksyon namin.

"Nope! First of all kulang na kulang ako sa tulog at gustong gusto ko nang magpahinga kahit saglit lang" sabi nito na halata yung stress na mukha niya.

"Mukhang anemic ka ah, what happened to you?" Naunang tanong ni Adrian.

Bumalikwas ito ka kanyang pagkasubsob sa mesa niya at hinampas ang balikat ni Adrian. Umupo ito ng matuwid. "God I almost forgot to mention. Did you guys know?" Dagdag niya.

Adrian and I exchange looks, clearly clueless.

"Ate and kuya Noah had an accident last night on their way to fetch our dad on the airport." Malungkot na sabi nito.

"What?" Sabay na bulalas namin ni Adrian. I did not expect that from her. "Kumusta si ma'am? Okay lang ba siya? Nasugatan ba siya? Ano sumagot ka nga  dyan Elisse." Mabilis na pagkasunod sunod ng mga tanong ko sa kanya.

"Jeez Wesley, why are so worried? Chill out." Sabi nito, did I worry too much?

"Para kang si Mama kung maka-react kagabe." Dagdag pa nito at medyo natawa siya sa akin. Not funny.

"Ano nga? Kumusta si ma'am?" Tanong ko ulit ignoring what she said.

"Okay lang si ate nothing serious happened to her but unfortunately for kuya Noah ay nagtamo ito ng mga sugat and a fractured leg until ngayon nga ay hindi pa siya nagigising." Malungkot na pagkukuwento ni Elisse sa amin. Napanatag naman yung loob ko to know na okay lang si Ma'am. But her boyfriend right now went into a coma I should be at least concerned for the guy right? But we're not close naman.

Bigla tuloy akong na guilty dahil kung ano-ano nalang yung pinag-iisipan kong mga posibleng nanyari kina Ma'am Eliza at sa kamasa niya.

"Kawawa naman si Kuya Noah" sabi ni Adrian. "Yung nakabangga sa kanila? Nagtamo din ba ng mga injuries or kaya'y nahuli?

Umiling si Elisse. "Unfortunately hindi daw, pagkarating ng ambulance sa lugar kung saan naganap ang insidente ay nakatakas na daw yung driver ng nakabangga sa kanila." Sagot nito.

"Saang hospital ba sila dinala?" Tanong ko.

"Sa pinakamalapit lang na hospital ng asawa sa tito ko." Sagot niya. "Pupunta ako mamaya sama kayo?" Tanong nito. Tumango agad ako.

But before that ay ginawa muna namin yung task namin this morning at umattend pa ng mga classes from umaga hanggang last period namin sa hapon. 3 hours yung duration ng class na'to kaya ito yung pinakamatagal na class sa tanang sa schedule ko.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon