17

729 56 16
                                    

You can follow me for more updates.

Wesley

Nandito kami ngayon sa loob ng gymnasium dahil ika 38th founding anniversary pala ngayon ng school. Ang dami-daming tao sa loob at nag siksikan na nga lang yung iba ng chairs. Buti nalang inasikaso kami mga freshmen at inilagay sa upper left bench dito malapit sa stage kaya maganda yung view.

Yung mga teachers and staff naman ay siyempre parang mga VIPs dahil sa mismong harap talaga sila ng stage nakaupo at direkta pa silang natatamaan ng mga malalaking fans. May mga personalidad ding hindi ko kilala ang mga nakaupo doon.

"Nandito ba ang mga parents mo ngayon Elisse?" Tanong ko sa kanya knowing na they're one of the owner's here.

Tumango ito. "Yup si mommy" sagot niya.

"Eh yung dad mo?" Tanong ni Adrian.

"Nah he's always so busy going in and out of the country." Sabi ni Elisse.

"Kilala mo ba yang mga taong yan?" Turo ko sa mga taong hindi pamilyar sa akin.

"Um yung iba diyan ay ang mga investors ng school" sagot nito. Wala ng nagsalita sa amin.

"Ba't antagal naman ata magsimula ng program?" Reklamong sabi ni Elisse. Panay naman yung punas ko sa mukha dahil pinagpapawisan narin akong.

"Baka may mga technical problems siguro kaya natagalan yung pag-start." Sabi ni Adrian na panay ang pagpaypay ng dalang notebook niya sa amin ni Elisse.

"Ako nga ang hina mo naman parang walang kain" reklamo ko dahil parang mas malakas pa yung hangin sa ilong ko compared sa pagpapaypay ni Adrian. Binigay niya naman ito saakin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may sumulpot na mga M.C at nagsimula ng mag salita sa stage.

"Hello! Welcome to Galvez Arts and Music Academy's 38th founding anniversary! Are you all ready!?" Rinig kong sabi ng isang babae na M.C. Hindi ko kilala yun dahil ang dami-dami kayang mga acad tracks na available sa school na'to kaya impossible talaga na mamukhaan ko lahat ng nandito. Humiyaw naman ang mga istudyanteng nasa loob ng gymnasium.

Parang sumabog ata yung eardrums ko dahil sa ingay ng andito, ang lakas kase ng hiyawan at nung mga sound system. Dalawang babae ang M.C ngayon at napansin kong si Lexi yung isa doon.

Nakinig lang kami sa mga programs nila at may mga nag perform pa. May mga sumasayaw at pakanta-kanta ng intermission numbers, maganda naman tignan ang mga ito. Pero mas maganda ako.

"Wesley bili tayo ng snacks?" Sabi ni Elisse.

Sumang-ayon ako dahil maski ako rin ay gutom na. "Sige, ako nga nagugutom na rin". Sabay kaming dalawang tumayo ni Elisse.

"Iiwan niyo ako dito?" Tanong ni Adrian na umaktong naiiyak.

"Gusto mong sumama?" Tanong ko.

"You should stay here Adrian baka pag tayong tatlo yung pupunta, pagbalik natin ay wala na tayong mauupuan." May puntong sabi ni Elisse at sumang-ayon ako.

"Sige fine." Nagtatampong bigkas ni Adrian.

Tumawa ako at bumaba na kami sa stairs upang makapunta na rin sa school canteen/cafeteria na wala masyadong tao. Siguro nandun kadalasan lahat sa gymnasium.

Pabalik na sana kami sa loob ng makasalubong namin si Ma'am Mendoza, babati na sana ako ng good morning nang may isang nilalang sumulpot sa likod nito.

"Hi ate, hi kuya Noah" pagbati ni Elisse. Ngumiti lang ito samin at nag hello pabalik.

"Hello po" magalang na bati ko sa dalawa.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon