13

676 43 16
                                    

You can follow me for more updates.

Wesley

Basang-basa kaming pumasok sa condo unit ni ma'am dahil naabutan na kami ng ulan. Ngayon lang ako napapasok sa bahay niya at hindi ko mapigilang ma amazed dahil ang ganda ng loob nito. Napaka simple but at the same time ay napaka ganda. Napaka expensive rin tignan yung nasa loob kahit sa anong angulo mo tignan.

"I'm never gonna ride that kind of vehicle ever." Narinig kong pagrereklamo ni ma'am at pumasok sa loob ng kwarto isang nito.

Sige ma'am sinabe mo yan ha. Baka one day kailangan mo ng tulong ko hmm hindi talaga kita pasasakayin sa motor ko.

Agad itong lumabas na may bitbit na dalawang towel at isang pares ng kulay navy blue na pajamas. "Here" sabi ni ma'am habang binigay yung isang nakatuping towel na hawak niya.

"You can change your clothes into these." Dagdag ni ma'am pagtukoy siya sa dalang pj's. Tumango ako. Tiningnan ko ang design ng mga pajamas, ang cute ng mga ito dahil may mga cartoon characters pa itong naka print.

"Kanino po to ma'am?" Tanong ko

"Kay Elisse yang mga yan" diretsong sagot niya.

"Saan po pala yung cr niyo ma'am? Para makapagbihis na sana ako." Magalang na tono ko.

"You can change here" pagtuturo niya sa pinto ng isang kwarto na malapit saakin. Nag nod lang ako at sinunod yung sinabi niya.

"Ma'am wala po ba kayong extra underwear hehe?" Nakakahiyang tanong ko. Seryoso itong tumingin sa akin.

"I already included it there" maikling sagot niya.

"Ah okay thank you" nag bow ako at pumasok na sa kwarto.

Nagbihis ako kaagad dahil giniginaw na ako tas baka magkalagnat pa. Napatingin ako bigla sa mga damit isa-isa. Nakita kong may mga undergarments din pala talaga itong kasama. Teka kang Elisse din ba to? Chineck ko yun and I found out na bagong bago ang mga ito at may tag pa. Nakakahiya naman kay ma'am.

Pagkalabas ko sa room ay hinanap ko agad si ma'am. Tahimik lang yung paligid kaya tinawag ko siya.

"Ma'am Mendoza?" Tanong ko. Walang sumagot kaya tinawag ko siya ulit.

"What?" Rinig kong sabi nito sa may nakabukas na pinto. Napansin kong may tatlong malalaking kwarto yung unit ni maam. Pumunta ako sa kinaroroonan niya at pumasok sa may pinaka last na kwarto.

Music room pala ito. Namangha ako dahil ang laki ng space sa loob nito, kasyang-kasya siguro kahit mga 30 tao sa loob.

Nakita ko si ma'am na inarrange yung seat at mga piyesa na nakalagay sa isang white acoustic piano sa may kilid ng room. Naka beige na sando at pajamas lang ang suot ni ma'am habang may towel pang nakalagay sa basang buhok nito mukhang nakaligo na ito agad. Bilis naman. Pero ang umagaw talaga ng pansin ko ay yung nasa balikat niya. Namangha ako sa nakita.

"What?" Nagtatakang tumingin na ito sa direksyon ko. Tattoo! May tattoo si Mama sa kaliwang balikat niya.

"Is that real?" Lumapit ako sa kanya at nagtanong. Na gets niya yung siguro yung tanong ko na about iyun sa tattoo niya. Bulaklak ang mga ito at may kasama pang konting leaves, medyo may pagkaweird nga but I actually found it beautiful. It's an art. It's beautiful. Parang si ma'am.

"Ano sa tingin mo sticker?" Nag pout ako dahil sa mataray na sagot nito. Real na real namang tignan yun pero hindi lang kase ako makapaniwala na may totoong tattoo talaga si ma'am.

"Patingin nga ma'am?" Sabi ko habang marahang hinaplos yung naka guhit sa balat niya. Nung dumikit yung kamay ko sa balat nita ay agad itong nag tense. Ang lambot naman ng balat ni ma'am.

Fell From Grace [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon