Wesley
Halos tapos na ako sa trabaho ko nang may nag-text sa phone ko. Si Adrian iyon. He's texting me sa posibleng location kung saan ko siya pwede tuturuang mag motor.
Muntik ko nang makalimutan, friday pa pala ngayon tas bukas na yung napagkasunduan namin. Nireplyan ko lang ito ng 'okay' at nilagyan ng thumbs up emoji.
At exactly 8:15 pm ako nakauwi sa bahay, tahimik lang naman as usual kaya binuksan ko na yung gate para makapasok. Pumunta agad ako ng kusina and saw mama na naghuhugas ito ng kamay sa may sink. Lumingon ito ay nakita niya ako. They have no idea na may malaking surprise ako sa kanila. I fell excited and afraid at the same time.
"Anne andyan kana pala" sabi nito at nagpunas ng kamay niya. Nag bless muna ako sa kanya and she patted my head. "Kunin mo na yung papa mo para makakain na tayo." Dagdag ni mama. Nakasanayan na kase namin na sabay talaga kaming kumain every dinner.
I feel bad nga kay mama dahil may sakit pa ito tas matagal pa siyang kakain dahil saakin, pero sabi naman niya ay kumakain naman daw siya from time to time para naman bumaba yung acid niya para di na umatake yung sakit niya.
"Sige ma, wait lang" sabi ko sa kanya at pumunta na kay papa na nanunuod ng mga balita sa T.V. May narinig siguro siyang mga yapak kaya napalingon ito sa direksyon ko at ngumiti.
"Andyan kana pala nak" masayang bungad nito. Lumapit ako sa kanya at nag mano.
"Pa, kain na tayo?" Tanong ko kay papa at tumango ito. Inginiya so siya papunta sa mesa katabi ng upuan ni mama at umupo na sa harap nila. Nagdasal muna kami bago kumain. Habang kumakain ay tahimik lang ang paligid.
"Ma, pa" pagsisimula ko. Sabay silang dalawang napatingin sa akin.
"Ito po yung sahod ko last month" bigay ko kay mama sa mga kinita ko nung nakaraang buwan. Actually hindi naman talaga ito tinatanggap nila, pero sinasabihan ko nalang sila na pang dagdag gastos nayan sa mga gamot nila kaya walang choice ang mga ito.
"Ang laki naman nito anak, sobrang sobra ito" sabi ni mama habang sinasauli yung iba. Malaki nga to dahil andito rin yung binayad nila ni kuya Lawrence nung mga nakaraang linggo. Napailing ako.
"Ma, malapit na yung therapy ni papa kaya kunin nyo na yan" sabi ko habang binabalik ko na naman yung pera sa kanya. Wala naman talaga silang choice kundi ang tanggapin ito. And if you're wondering, may itinitira rin naman ako sa sarili ko.
Ilang minuto lang ay tumahimik na naman ang paligid. I think this is a nice timing kaya I take a deep breath before speaking.
"May sasabihin po sana ako, sana ay hindi po kayo magalit" mahinahong sabi ko sa kanila.
"Ano yun anak? Sabihin mo lang" malumanay ni mama.
"Ma, pa sa totoo lang ay nag enroll po ako sa college na inoffer satin ni lola." Finally na sabi ko rin. Ilang days na rin kase akong naguguilty sa pagsisinungaling ko sa kanila about sa pag enroll ko sa college.
Nakita kong walang reaksyon si papa habang napabuntong hininga lang si mama.
"Wesley anak, sa totoo niyan ay nung isang linggo pa namin alam to, naghihintay lang kami na ikaw mismo ang magsabi sa amin." Malungkot na sabi nito. Nawala agad yung gana ko sa pagkain dahil sa reaksyon nila. I feel like I've disappointed them somehow.
"Pasensya na talaga ma, pa, pero gusto ko lang naman matupad ang pangarap ko eh" mahinang sabi ko at nagiging emotional na. I feel like anytime soon ay iiyak na ako and I really hate crying.
"Anak" si Papa. "Pasensya na kung wala kaming magandang maibibigay sa iyo pero tama ang mama mo nung una" seryosong sabi ni papa.
"Wala kaming karapatan na pigilan ka sa iyong mga nais" dagdag ni papa. Nakita ko namang si mama ay namumula na ang mata. Emotional talaga si mama eh kaya ngayon nahahawa narin ako. Char.
BINABASA MO ANG
Fell From Grace [ON HOLD]
Romance(WRITTEN IN TAGLISH) Wesley Anne Aquino wants to continue her father's dream on becoming a successful musician. Despite being born unprivileged she had to do everything that she can to balance her responsibilities and efforts on her family and caree...