Chapter 1: Rebecca

152 2 0
                                    

Hindi maiwasang mainggit ni Rebecca sa bunso nilang kapatid na si Reyzalyn. May bago kasi itong cellphone na binili ng kanilang magulang bilang regalo dahil nakakuha ito ng mataas na marka. Nakasimangot sa isang banda si Rebecca habang nakatingin sa kapatid. Twenty years old na si Reyzalyn. Siya ay kasalukuyang nasa first year college at siya ang bunso sa kanilang tatlong magkakapatid na babae. Magkakasunod lang silang tatlo at si Rebecca ang panganay na ngayon graduating na ng college.

"Ate ano ba 'yang noo mo nakakunot na naman tapos 'yang mga kilay mo nakasalubong na naman. Parang lagi ka na lamang galit Ate. Tatanda ka niyan nang maaga. Ikaw rin, bahala ka," sabi sa kaniya ng kapatid niyang si Razelle. Ito ang sumunod sa kaniya. Tiningnan niya ito at saka inirapan.

Tatlo lang silang magkakapatid na babae. Ang buhay nila ay simple lamang. Hindi sila mayaman, hindi rin sila mahirap. Katamtaman lang ang estado nila sa buhay, parehas may trabaho ang kanilang magulang. Naibibigay nito ang kanilang pangangailangan at natutustusan naman ang halos lahat ng gastusin. Masuwerte sila sa kanilang mga magulang dahil wala itong ibang nais kun'di ang mapabuti silang tatlo. Nagpapakahirap itong magtrabaho nang sa ganoon ay naibibigay pa rin ng mga ito ang kanilang mga ninanais.

"Paano ba naman kasi! Si Reyzalyn ay may bago na namang cellphone. Samantalang ako, luma na itong cellphone ko na ibinigay sa akin ni papa. Magdadalawang taon na ito sa akin! Nakaiinis lang talaga!" nakasimangot na sabi nito sa kaniyang kapatid sabay irap.

Natawa nang mahina si Razelle. Alam niya kasing naiingit ang kaniyang Ate sa bunso nilang kapatid. "Hayaan mo na lamang siya ate. Pangalawang beses lang naman siya nagkaroon ng cellphone. At saka 'yong cellphone niya, nawala 'yon. Kung hindi nawala 'yon, sana wala siyang regalong cellphone. At saka ikaw naman Ate pang ilan mo na kayang cellphone 'yan na binili sa iyo nila mama. Ang dami na kayang cellphone ang dumaan sa iyo. Ako nga ayos lang sa akin itong cellphone na mayroon ako. Ang importante sa akin ay iyong may nagagamit ako."

"Kahit na. Nakaiinis lang kasi gusto ko talagang magkaroon ng bagong cellphone!" Tumayo na ito at saka padabog na naglakad patungo sa kaniyang silid. Sinundan na lamang ito nang tingin ni Razelle sabay kamot sa kaniyang ulo.

Napailing si Razelle sa inasta ng kaniyang Ate Rebecca. Talagang may inggit itong nararamdaman sa kanilang bunsong kapatid. Minsan ay natatawa na lamang siya sa mga ginagawa ng kaniyang Ate. Masyado na itong nagiging inggitera. Lahat na lamang ng mayroon ang kanilang bunsong kapatid ay gusto niyang mayroon din siya. Minsan naiinis na rin siya rito dahil napapagod na siyang sawayin ito palagi.

"Salamat po mama sa bagong cellphone na binigay niyo sa akin. Ang saya ko po sobra! Hayaan niyo po pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Nang sa ganoon ay masuklian ko po ang mga bagay na ibinibigay niyo sa akin. Marami pong salamat ulit!" tuwang-tuwa na sabi ni Reyzalyn sa kaniyang ina sabay tingin sa kaniyang ama.

Pinakatitigan niya ang hawak niyang cellphone. Hinawakan niya ito nang mahigpit. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na niya ito maiwawala pang muli. Alam niya kasi na hindi biro ang hirap ng kanilang mga magulang sa pagtatrabaho para lamang maibigay ang mga nais nila.

"Tama 'yan anak. Galingan mo palagi sa eskuwela, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral. Pero huwag mo sanang isipin na nais namin palaging mataas ang markang makukuha mo. Alam naming hindi madali iyon anak kaya naman ayos lang samin kahit hindi ganoon kataas ang marka mo basta pasado ka lang palagi." Nakangiting sabi ng kaniyang ama sabay haplos sa kaniyang buhok.

"Opo papa, salamat po ulit sa inyo," nagpaalam na siya sa kaniyang mga magulang para magtungo na sa kaniyang silid.

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ni Reyzalyn habang naglalakad patungo sa kaniyang kuwarto. Sa wakas may bago na siyang cellphone. Makauusap na niya ang kaniyang mga kaibigan at makakapagbasa na siya ng mga online stories. Mahilig kasi siyang magbasa ng mga kuwento kaya naman maraming libro ang nasa kaniyang kuwarto.

"ANO BA REYZALYN?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?" galit na sigaw ni Rebecca sa kaniyang kapatid nang matapunan siya nito ng tubig sa kaniyang damit. Napayuko si Reyzalyn habang mahigpit na hawak ang basong dala niya.

Hindi sinasadyang nabitawan ni Reyzalyn ang hawak niyang baso matapos niyang uminom ng tubig. Tumapon ang laman nitong tubig sa damit ng kaniyang ate kaya naman galit ito sa kaniya. Kulang na lamang ay saktan siya ng kaniyang Ate. Nakatatakot din ang mga tingin nito sa kaniya.

"Sorry po Ate. Hindi ko naman po sinasadyang matapunan ka sa damit. Huwag na po kayong magalit sa akin Ate. Sorry po talaga," nakayukong sabi niya na para bang maiiyak na siya. Pilit niyang pinipigilang umiyak. Nanginginig ang kaniyang mga kamay.

"Ewan ko sa iyo! Kahit kailan ka talaga napakagarapal mong kumilos! Sinadya mo man o hindi, wala na! Natapunan na ako sa damit! Nakaiinis ka talaga!" Pinunasan ni Rebecca ng bimpo ang damit niyang nabasa. Pinanlakihan niya ng mata si Reyzalyn.

"Tama na 'yan mga anak. Rebecca, huwag mo nang pagalitan pa ang kapatid mo. Hindi naman niya ginusto ang nangyari. At saka aksidente lang 'yon anak. Huwag mo na siyang sigawan pa. Sa susunod ay hindi na 'yan mauulit dahil mag-iingat na ang kapatid mo," malumanay na suway ng kanilang ama sa kanila.

"Ewan ko sa inyo!" iritableng saad ng kaniyang Ate at saka padabog na umalis sa kanilang hapag-kainan.

Nagkatinginan sila na naiwan sa hapag-kainan. Napailing na lamang ang kanilang ina. Patuloy lang sa pagkain ang kaniyang Ate na si Razelle. Sa kanilang tatlo, ito ang hindi nakikisali sa mga bagay-bagay lalo na sa mga away. Parang may sarili lang itong mundo at madalas ay gustong mapag-isa lamang. Ang madalas na kinagagalitan ng kaniyang Ate Rebecca ay siya lang. Iba ang pakikitungo nito kay Razelle, nakikipagbiruan pa ito at nakikipagtawanan samantalang sa kaniya ay lagi itong nakakunot ang noo o hindi kaya ay galit ito palagi sa kaniya.

Hindi naman ito ganoon sa kaniya noong mga bata pa sila. Nagbago lang ang pakikitungo nito sa kaniya no'ng magbakasyon sila sa probinsiya nila, sila ay nag-swimming buong pamilya dahil malapit lang ang dagat sa tinitirahan ng kanilang Lolo at Lola.

"Reyzalyn, tapusin mo na 'yang pagkain mo. Pagkatapos ay pumunta ka na sa iyong silid. Kami na ang bahala rito." Tinapik siya sa balikat ng kaniyang ama. Tahimik niyang pinagpatuloy ang kaniyang pagkain.

"Opo Papa." Kinuha niya ang pitsel at saka nagsalin ng tubig sa kaniyang baso pagkatapos ay uminom ng tubig. Binilisan na lamang niya ang kaniyang pagkain para makapunta na siya sa kaniyang kuwarto.

Nang maubos niya ang kaniyang pagkain ay niligpit na niya ang kaniyang pinagkainan at saka naghugas ng kamay. Dumiretso na siya kaaga sa kaniyang kuwarto. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kuwarto at saka pumasok sa loob. Tumulo na ang mga luha niya sa pisngi na kanina niya pa pinipigilang rumagasa.

"Ate, bakit palagi kang galit sa akin?" mahinang sambit niya sa sarili.

BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon