Chapter 7: Bag

25 0 0
                                    

Napakurap ng ilang beses si Reyzalyn at saka siya nag-iwas ng tingin kay Bea. Tinitigan siya nito. Alanganing napangiti si Reyzalyn. Sa isip niya ay marahil narinig ni Bea na siya ay may kinakausap.

"Iyong kaibigan ko. Tumawag siya kasi sa akin..." Nakangiting sabi niya sabay tawa ng mahina. Nanatiling nakatingin lamang sa kaniya si Bea.

Kumamot siya ng kaniyang ulo. "Siguro namiss lang ako kaya ako tinawagan. Natuwa nga ako kasi kahit papaano ay nangangamusta sila kahit wala silang kailangan sa akin," pagpapatuloy niya.

Tumango-tango na lang si Bea. Alanganin siyang ngumiti sabay tingin kay Reyzalyn. Ewan niya ba ngunit bigla na lang kasi kumabog ang kaniyang dibdib nang marinig niya ang parang pamilyar na boses. Pamilyar talaga ito sa kaniya. Nagtataka nga lang siya kung bakit malakas 'yon na para bang may kasama sa kuwarto si Reyzalyn. Inisip na lamang niya na baka naka-loud speaker ang cellphone nito dahil wala naman talagang kasama sa loob ng kuwarto si Reyzalyn.

"Bakit ka nga pala nandito?" Biglang tanong sa kaniya ni Reyzalyn.

Kumurap siya at saka tipid na ngumiti.
"May dala akong suman at biko na ginawa ni Mama. Tikman mo. Masarap 'yan." Iniabot niya ang hawak niyang pagkain kay Reyzalyn.

"Wow! Salamat!" Sumilay ang ngiti sa labi ni Reyzalyn pagkaabot sa kaniya ni Bea ng dala nito. Kaagad niya itong kinuha.

"Welcome. Sige alis na ako. Enjoy sa pagkain. Sana magustuhan mo." Pagkasaad niyang iyon ay umalis na ito.

Sinara ni Reyzalyn ang pinto. Tinitigan niya ang hawak niyang pagkain. Napangiti siya. Ngayon na lang kasi siya ulit makakatikim nito. Paborito pa  naman niya ang ganitong mga pagkain.

HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Rebecca. May bago kasi siyang bag na binili ng kaniyang ina para sa kaniya. Masaya siya dahil nasunod na naman ang nais niya. Mahilig kasi siyang mangolekta ng mga bag. Kaya naman hindi maalis ang ngiti niya.

"Ang ganda mo naman. Bagay ka sa akin," tukoy niya sa bag na hawak niya.

"Bunso? Nasaan ka anak?" Rinig na tawag ng kaniyang ina sa bunso nilang kapatid.
Kumunot ang noo ni Rebecca.

Hindi kasi gaanong nakasara ang kaniyang kwarto kaya sumilip siya ng kaunti. Nakita niya ang kaniyang ina na may dalang bag. Tinitigan niya itong maiigi.

"Bakit parang mas maganda pa ang kanya kaysa sa akin?" mahinang sambit niya habang nakatitig sa bag na hawak ng kaniyang ina.

Nakaramdam ng biglang pagkainis si Rebecca. Bakit bibigyan pa ng bag ang kapatid? Hindi naman ito nanghingi ng bag pero bakit mayroon din siya? Hindi ba dapat siya lang ay mayroong bag at hindi si Reyzalyn?

"Para sa iyo 'yan bunso. Pansin ko kasi na medyo may sira na ang bag mo. Bakit hindi ka nagsasabi sa akin anak? Dapat magsasabi ka sa akin dahil ayokong nakikita na nagtitiis ka sa sirang gamit mo ngayong may pera naman tayo pambili ng bago."

Ngumiti si Reyzalyn. "Ayos pa naman po kasi ito Mama. At saka hindi naman po ako mahilig sa bag. Hindi ko naman po kasi kailangan ng bago Mana dahil magagamit ko pa ito."

Hinaplos ng kanilang ina ang buhok ni Reyzalyn at saka tumingin ito sa kaniya ng may ngiti sa labi. Natutuwa ang ina ni Reyzalyn sa kaniya dahil sa pagiging mabuting anak nito at napakamasunurin pa sa magulang. Alam kaagad nito kung paano magpahalaga sa mga bagay.

"Ang bait-bait talaga ng bunso namin! Halika ka nga rito hug ka ni Mama! I love you anak ko!"

Hinila ng kanilang ina si Reyzalyn palapit sa kaniya sabay yakap dito. Nanggigigil na nakatanaw si Rebecca sa mga ito. Nag-uumapaw ang inggit na nararamdaman niya sa kaniyang kapatid. Hindi niya maiwasang itanong sa kaniyang sarili kung bakit lubos ang atensyon na ibinibigay nito sa bunso nila gayong pare-parehas lang naman silang anak tatlo. Kinuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa inis na kaniyang nararamdaman.

Bakit parang pakiramdam niya hindi siya ganoong kamahal ng kaniyang mga magulang? Bakit lagi na lamang nakapabor ang mga ito sa bunso nilang kapatid?

Tumulo ang luha sa nga ni Rebecca. Hindi kasi niya mapigilang mainis. Inis na inis siya sa kaniyang kapatid. Hindi naman siya ganito dati sa kaniyang kapatid. Hindi ganito ang pakikitungo niya sa kaniyang kapatid. Sa totoo lang ay napakamalapit nila sa isa't isa.

Nagbago ito nang minsang mag-swimming sila sa kanilang probinsya. Sumakay sila ng bangka noon. Hindi pa naman sila nakararating sa malalim na parte ng dagat nang biglang malaglag sa tubig silang dalawa ni Reyzalyn. Nag-qasaran at harutan kasi silang dalawa noong araw na mangyari iyon. Hindi nila napansin namahuhulog na pala sila sa bangka. Dahil sa hindi marunong lumangoy ang kaniyang ina, wala itong nagawa kun'di sumigaw at maiyak na lang habang nakatanaw sa kanila. Ang kanilang ama ay dali-daling lumusong sa tubig upang sagipin sila. Halos hindi na makahinga si Rebecca ng mga oras na 'yon dahil sa dami ng tubig na inom niya. Akala niya siya ang unang sasagipin ng kaniyang ama ngunit hindi pala dahil si Reyzalyn ang inuna nito. Ibang tao pa ang sumagip sa kaniya. Simula noon, hindi na siya naging madikit sa kapatid niya. Dahil pakiramdam niya mas ito pa ang laging inuuna, binibigyan ng atensyon dahil nga bunso ito. Dahil nga daw naranasan na nila ang mga bagay na hindi pa nararanasan ni Reyzalyn. At dahil doon umusbong ang inis at inggit niya sa kapatid.

Isinara na lamang ni Rebecca ang pinto ng kaniyang kuwarto at saka pabagsak na naupo sa kaniyang kama. Ibinato niya sa sahig ang hawak niyang bag at pagkatapos ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata.

"Salamat po Mama sa bag na ito. Ang ganda po nito. Iingatan ko po ito."

Ngumiti ang kaniyang ina sabay haplos sa kaniyang buhok. "Walang ano man anak ko basta ikaw. Basta kapag may kailangan ka magsasabi ka kaagad sa akin anak, okay?"

Tumango si Reyzalyn. "Opo Mama. Salamat po ulit."

"Sige na magpahinga ka na." Isinara na ng kaniyang ina ang pinto ng silid ni Reyzalyn.

Malawak ang ngiti ni Reyzalyn na nakaupo sa kaniyang kama habang nakatingin sa hawak niyang bag. Itinabi niya ito sa gilid ng kaniyang maliit na lamesa at saka nahiga. Itinuon niya ang tingin niya sa kisame.  Hindi na naman kasi siya dinadalaw ng antok. Naisipan na lang niyang magpatugtog baka sakaling makatulog siya.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata ngunit bigla siyang napamulat. Naalala niya ang mukha ng kaniyang Ate Rebecca kanina na matalim ang matang nakatingin sa kaniyang direksyon habang kausap siya ng kaniyang ina.

Bumuntong-hininga siya. Alam niyang galit na naman ito sa kaniya dahil sa binigay na bag ng kanilang ina.

BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon