Chapter 10: Pagtutulungan

30 0 0
                                        

"MAGANDANG UMAGA SA INYO!" Bati sa kanila ng kararating lang na si Bea kasama ang mga magulang niya.

Sinalubong sila ng mga magulang ni Reyzalyn ng may ngiti sa labi.

"Buti naman at napadalaw ulit kayo rito. Tamang-tama day off namin ni Misis ko. Makakapagkuwentuhan tayo ng mahaba-haba." Nakangiting sabi ng ina ni Reyzalyn.

Pumasok na sa loob ng kanilang bahay ang kanilang bisita. Nakangiting pinagmasdan ni Bea ang mga magulang nila Reyzalyn.

"Gusto kasing makipagkuwentuhan din ng asawa ko. Ataka sabi niya namimiss niya din itong bahay namin dati," wika ni Rina kasabay ng paglibot ng mata nito sa loob ng bahay.

Kasalukuyang nakaupo na sila sa sofa sa sala. Katabi ni Rina sa kaniyang kaliwa ang anak niyang si Bea na kanina pa palinga-linga na para bang may hinahanap. Sinisipat niya kasi kung lalabas ba ng silid si Reyzalyn.

"Oo tama ang asawa ko. Namiss ko lang talaga itong bahay na ito. Ewan ko ba, parang may nag uudyok sa akin na bumisita man lang dito. Siguro dahil na rin  sa dito yumao ang anak kong si Lyka. Marahil natutuwa siya kapag nandito ako na para bang dinadalaw ko siya rito," mahabang paliwanag ni Joel sa isang malungkot na tinig.

Natahimik na lang ang mga magulang ni Reyzalyn. Ramdam nila ang lungkot na bumabalot kina Joel. Mahirap talaga makalimutan ang ganoong pangyayari.

"At saka may binili na kaming bahay dito. Magbilang ka lang ng limang bahay, iyon na ang bahay na binili namin. Magiging magkapitbahay na tayo," dagdag na sabi pa nito sabay ngiti.

"Naku mainam iyan! May makakausap na kami palagi. Madalas kasi na nasa kuwarto lamang ako nagpapahinga. Manunuod lang ako ng TV o mangangalikot ng cellphone kapag wala akong pasok. Hindi kasi ako mahilig lumabas ng bahay para makipagkuwentuhan sa labas. Hindi kasi ako sanay. Kaya natutuwa ako na magiging magkapitbahay na tayo dahil may makauusap na ako palagi!" Tuwang tuwa na sabi ng ina nila Reyzalyn.

Tahimik na nagbabasa si Reyzalyn ng librong kakabili niya palang kahapon. Inumpisahan na niya ito kagabing basahin ngunit hindi niya natapos kaagad dahil inantok na siya.

" Reyzalyn..." tawag sa kanoya ng isang malamig na boses.

Umangat siya nang tingin at nakita niya si Lyka. Ngumiti siya rito at saka itinabi ang hawak niyang libro. Lumapit sa kanoya si Lyka.

"Bakit?" tanong niya rito.

"Nandito ang mga magulang ko. Nakakatuwa lang kasi narinig kong sabi ni Papa na parang may nag uudyok sa kaniya na pumunta dito. Parang dinadalaw na rin nila ako dito."

Matamis na ngumiti  si Reyzalyn. Natutuwa  siya para sa kaibigan dahil kahit papaano ay nagiging masaya ito. Alam niya ang lungkot na nadarama nito.

"Sana lahat buhay pa ano? Nakalulungkot lang isipin na hindi ko na-enjoy ang buhay na ipinagkaloob sa akin. Hindi ko man lang nagawa ang mga bagay na nais ko. Ang pangarap ko," malungkot na saad nito.

"Lyka..." mahinang tawag ni Reyzalyn sabay ngiting pilit.

"Naku huwag kang maawa sa akin. Kasalanan ko rin naman ito. Hindi ko binigyang halaga ang hiram kong buhay. Kaya nga gusto ko nang maalala kung bakit ko nga ba talagang nagawa na magpatiwakal. Kung ano ba ang naging mabigat na rason para gawin ko iyon," anito at saka sumilay ang pilit na ngiti sa labi.

Napahawak sa sikmura si Reyzalyn.  Kumakalam na kasi ang tiyan niya. Naalala niya lang na hindi pa pala siya nag uumagahan ay nagbasa na kaagad siya ng libro.

"Mukhang gutom ka na. Sige kumain ka muna."

"Sige maiwan na muna kita rito," paalam ni Reyzalyn at saka lumabas na ng kaniyang kuwarto.

Pagkalabas ni Reyzalyn, naabutan niyang masayang nagkukuwentuhan ang kanilang mga magulang kasama ang magulang ni Bea. Dumeretso siya sa kusina, naabutan niya ang kaniyang ate Razelle na kumakain.

"Gising ka na pala. Nagluto ako ng hotdog at itlog. Kumuha ka na lang diyan. At kung gusto mo ng fried rice, mayroon pa roon sa kawali. Kumuha ka na lang din at kumain ka na," sabi ni Razelle habang kumakain. Tinanguhan niya ito at saka nagsimula nang kumain.

Nagsimula na siyang kumain. Tanaw niya mula rito si Bea na nakatingin sa kanya. Tila parang nais nitong makausap siya. Tinitigan niya lang ito. Si Bea na lang ang unang nag-iwas nang tingin sa kanilang dalawa.

"Reyzalyn, may tanong ako sa iyo," biglang sabi ng kaniyang Ate. Nilingon niya ito.

"Ano po iyon?"

Kumibot ng bahagya ang labi ni Razelle  at saka bumuntong-hininga. Tumingin muna siya sa kapatid ng ilang segundo bago tuluyang magsalita.

"Nakikita mo ba siya?"

Kumunot ang noo ni Reyzalyn.  "Sinong siya?" takang tanong niya.

"Si Lyka..," mabilis na sagot nito.

Napaawang ang kaniyang bibig. Paano kaya nalaman ng Ate niya na nakikita niya si Lyka? Nakikita rin niya kaya ito?

"Bakit Ate?"

"Ilang beses na kasi kitang nakikita na may kinakausap ka sa kuwarto mo. At nabanggit mo ang pangalang Lyka, 'di ba si Lyka iyong namatay nilang anak dito? Yung nagbigti daw? Nakikita at nakauusap mo siya? Tama ba ako?"

Natahimik bigla si Reyzalyn.

"Pinapakinggan niyo po ba ako lagi sa kwarto kapag may kinakausap ako?"

Umiling si Razelle. "Hindi noong una. Aksidente lang na makita kitang nagsasalita mag-isa. Isang beses kasi narinig na naman kitang may kausap sa kuwarto mo kaya pinakinggan ko. Tapos iyonn na nga. Nabanggit mo ang pangalan ni Lyka.  Kaya naisip kong baka nakikita mo nga siya."

"Opo Ate. Nakikita ko nga po siya. Nakakausap din."

Namilog ang mata ni Razelle. "Tama nga ako. Sa totoo lang nakikita ko ein siya kaso anino niya lang. Ibig kong sabihin ay anino lang ang nakikita ko, hindi mismong itsura niya. Basta parang may biglang dumadaan na anino ganoon."

Nagulat si Reyzalyn sa sinabi ng kaniyaang Ate. Kahit pala ang kaniyang Ate ay naka4aramdam na may iba silang kasama sa bahay na ito. Akala niya sa lamang ang may kakayahang makaramdam ng ganoon.

"Totoo bang nagbigti siya?" biglang tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Sa totoo lang hindi ko po alam kung totoo nga iyon. At saka hindi pa manahimik ang kaluluwa niya Ate. Kailangan  ko siyang tulungan para matuklasan ko kung paano ba siya namatay. Hindi niya kasi maalala kung ano ba talaga ang ikinamatay niya kaya nandito pa rin siya. Hindi siya matahimik. Ibig sabihin may kailangan pa siyang lutasin o malaman mula sa pagkamatay niya. Kaya humingi siya ng tulong sa akin."

"Siguro  may mga bagay kang dapat maipakita sa kaniya mula sa bahay na ito. Baka kasi sakaling may maalala siya sa mga bagay na iyon. Huwag kang mag alala, tutulungan kita," sabi nito sabay ngiti.

Hindi mapigilang mapangiti ni Reyzalyn. Ngayon niya lang kasi ulit nakausap ng matagal ang kaniyang Ate Razelle. Madalas kasi itong nag-iisa lang lagi sa kuwarto. Mas gusto nitong mapag-isa palagi, na para bang wala siyang pakialam sa paligid. Minsan niya lang kasi ito makitaan ng interes sa isang bagay at natutuwa siya dahil tutulungan siya nito. Ibig sabihin ay mapapalapit siya sa kaniyang Ate.

Ito ang matagal ng gusto ni Reyzalyn. Ang maging close silang tatlong magkakapatid.
Hiling niya na sana ay magkaayos na sila ng Ate Rebecca niya.

"Salamat po Ate. Ang saya ko po" Ngiting-ngiti na sambit niya.

Tipid na gumanti ng ngiti si Razelle sabay haplos sa buhok niya. "Basta tutulungan kitang lutasin kung paano siya namatay, okay?"

"Sinong namatay?"

Nakakunot ang noo ni Bea na nakatingin sa kanilang dalawa.

BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon