Chapter 13: Hinala

25 0 0
                                    

"Ako lang ba o hindi ko alam kung ikaw rin ang nakakaramdam nito. Hindi ako sigurado kung bakit pero parang may iba kasi. Parang may mali talaga. Sana tama ang hinala ko," ani Razelle habang nakaarko ang mga kilay.

Nagtataka siyang tumingin dito. "Bakit Ate? Ano po ba 'yong nararamdaman mo?"

Nagsalubong ang kilay ni Razelle kasabay ng iritable nitong pagkamot sa ulo. "Basta ano.. iba 'yong pakiramdam ko kay Ate Rina, 'yong Mama ni Bea. Basta parang ano...may iba sa kaniya ganoon? Hindi ako komportable sa kaniya. Tapos kapag nakikita ko silang nagkukuwentuhan nila Mama at Papa, parang 'di naman siya ganoon kasaya dito sa atin. Parang nagpapanggap lang ganoon. Kaplastikan. Ewan ko ba pero hindi ako komportable sa babaeng 'yon," inis na sabi nito sabay irap sa hangin.

Napaisip bigla si Reyzalyn. Napansin niya rin iyon ngunit pinasawalang bahala na lang niya dahil ayaw niyang humusga ng tao. Naramdaman niya ito noon unang punta nila dito sa kanilang bahay. At saka kapag ngumingiti ito ay parang laging alanganin. Hindi niya alam kung ganoon lang ba talaga ito. Parang may kung ano pa sa mata nito kung makatingin.

"Baka naman Ate ganoon lang talaga siya. Hindi naman kasi sa panghuhusga pero malay mo naman mali tayo ng iniisip. Oo hindi rin ako ganoon kakomportable sa kaniya pero ayoko naman siyang isipan ng masama. Hangga't maaari po kasi Ate ayong humusga ng tao tapos sa huli ay pagsisihan ko."

Humingang malalim si Razelle. "Sabagay tama ka pero iyon kasi ang nararamdaman ko. At ka si Bea parang maldita siya, 'no?"

Marahang tumango si Razelle. "Oo. Siguro kasi naikuwento niya sa akin na noong nabubuhay pa si Lyka ay nasasaktan niya ito pero ni minsan ay hindi siya nito sinumbong. Hindi lumalaban sa kaniya si Lyk. Kaya nga nagsisi si Bea na hindi man lang siya nakahingi ng tawad kay Lyka."

"Sabi na. Itsura pa lang makikita mo na may ugali. Hindi kaya si Bea ay naiingit sa kapatid niyang si Lyka? Malay mo ganoon?"

Tumango si Reyzalyn.  Napairap na lang si Razelle. 

"Tama nga ang nasa isip ako  Nainis talaga ako doon noong basta na lang sumabat sa usapan natin. Ayoko talaga ng ganoon. Iyong biglang makikisali o sawsaw sa usapan. Nakababastos!" saad nito habang nakakunot ang noo.  Natawa na lang ng mahina si Reyzalyn.

"Sige maiwan muna kita. May aasikasuhin lang ako," paalam nito sa kaniya.

"Sige lang po Ate."  Nginitian siya muna nito bago lumabas ng kaniyang kuwarto.

Tumayo na si Reyzalyn  para ayusin ang kaniyang kama. Niligpit niya ang kaniyang mga unan at tinupi ang kumot niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang walis upang makapaglinis na ng kaniyang kwarto. Winalisan niya ang mga sulok ng kaniyang kuwarto. Marami siyang nakuhang mga dumi dito.

Matapos niyang maglinis ay kumuha siya ng damit upang makapagbihis dahil nadumihan ang kaniyang damit. Kinuha na niya  ang damit  na napili niya. Pagkakuha niya rito ay may napansin siyang tila papel na nakasuksok sa kaniyang cabinet. Kinuha  niya ito.

Ngayon niya lang ito napansin. Hindi kasi talaga  sa kaniya ang cabinet na ito. May mga iilang gamit kasi ang iniwan na dito kasama ang cabinet na ito. Dahil maayos pa ito at mukhang matibay ay ito na ang ginawa niyang  lagayan ng kaniyang mga damit at gamit dahil ayaw na niyang  gumastos pa ang kaniyang mga magulang para bilhan siya ng lagayan ng damit.

Binuklat niya ito. Isang kapiraso ng papel na pinunit sa isang kuwaderno. Pagkabuklat niya rito ay nakaguhit ang isang pamilya  ngunit parang guhit lamang ito ng bata dahil mga stickman lang ang pagkakaguhit dito, isang nanay, tatay at isang anak.  May nakasulat sa taas ng ulo ng mga guhit na Mommy, Daddy at ako. Sa ibaba na guhit ng anak, nakasulat ang pangalan ni Bea.

BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon