Maraming tanong ang pumapasok sa isipan ni Reyzalyn. Alam niyang hindi tamang rason na si Bea ang dahilan ng pagkamatay ng Mommy nito. Marahil iyon lang ang naiisip ni Bea dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay parang may mabigat na dahilan ang pagkamatay nito.
"Hanggang sa tinanong kami ng doktor na kung sino ang pipiliin naming mabubuhay sa kanila dahil napakalaki ng chance na isa lang ang mabuhay sa kanila..."
"Sinabi ni Daddy na si Mommy na lang ang piliting mailigtas. Sobrang sakit din noon para sa akin dahil sabik akong magkaroon ng kapatid. Parang sasabog na ang utak ko ng mga araw na iyon. Gusto kong mailigtas silang dalawa pero kailangang maging handa na kami sa ano mang maaaring mangyari dahil malaki ang chance na isa lang talaga sa kanila ang maliligtas. Nagulat na lang kami ng paglabas ng doktor sinabi nitong wala na si Mommy..."
Tuluyan na ngang napaiyak muli si Bea. Ang kanina pang pagpipigil nito sa mga luha niyang muling nagbadyang umagos at hindi na niya napigilan pa. Hinaplos ni Reyzalyn ang kaniyang likuran.
"Sabi ng doktor na nagmakaawa si Mommy sa kanila na si Lyka ang iligtas nito. Walang magawa ang doctor kun'di pagbigyan ang kahilingan ni Mommy. Nakangiti pa daw ito hanggang sa mawalan ito ng hininga na parang sinasabi niya na masaya siyang mamatay basta maligtas lang ang kapatid ko. Bago pa 'yon may sinabi siya..."
Humingang malalim si Bea. "Pakisabi sa mahal kong anak na si Bea, alagaan niyang mabuti si Lyka. 'Yon ang ipapangalan nila sa kapatid niya. Mahal na mahal siya na Mommy. Mahal na mahal silang dalawa ng kanilang Mommy - iyan 'yong huling sinabi ni Mommy ayon sa doktor."
Hindi maiwasang malungkot at sa kabilang banda ay masaktan ni Reyzalyn. Talagang tinanggap na ng ina nito ang kamatayan mailigtas lang ang kaniyang anak. Wala talagang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina. Talagang hindi mapapantayan ng sinuman ang pagmamahal ng isang ina. Dahil ultimo buhay nito ay isasakripisyo alang-alang sa kaligtasan ng mahal nitong anak.
"Pakiramdam ko galit sa akin si Mommy dahil hindi ko natupad ang kahilingan niyang maalagaan at mabantayan ko ang kapatid kong si Lyka. Imbes na alagaan ay nasaktan ko pa ito. Napakasama kong kapatid sa kaniya. Hindi ko man lang naparamdam sa kaniya na mahal ko siya. Huli na ang lahat para masabi ko sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Mahal ko ang kapatid ko. Patawarin mo ako Lyka kung hindi ko naiparamdam sa iyo bagkus ay mas kinainggitan pa kita at kinamuhiaan," humahagulhol na sabi nito.
Hindi napansin ni Reyzalyn na tumulo na pala ang kaniyang mga luha sa kaniyang mata. Damang-dama niya ang sakit na nararamdaman ni Bea. Halo-halong emosyon ang kaniyang nadarama. Ramdam niya ang sakit na dala-dala ni Bea kung kaya iniisip nito na siya ang dahilan nang pagkamatay ng ina nila.
Napaangat nang tingin si Reyzalyn nang maramdaman niya ang presensya ni Lyka. Nakayakap ito kay Bea. Malungkot ang mga mata nito ngunit sumilay ang mga ngiti nito sa labi.
'Mahal pala ako ng ate ko Reyzalyn. Mahal ako ni ate. Ang saya ko...ang sarap pakinggan' Nakangiting sabi nito habang yakap padin ang kanyang kapatid mula sa likuran nito.
"Tahan na Bea. Magang-maga na ang mata mo kaiiyak. Sigurado ako na masaya si Lyka dahil nalaman niyang mahal mo pala siya. Masaya 'yon dahil akala niya hindi mo siya mahal."
Pinahid ni Bea ang mga luha niya saka pilit na ngumiti. "Sana mapatawad ako ng kapatid ko. Sana makausap ko pa siya. Sana may pagkakataon pa akong humingi ng tawad sa kaniya na kaharap siya."
Ngumiti si Reyzalyn. "Walang galit sa iyo ang kapatid mo Bea. Alam kong mahal na mahal ka ni Lyka. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Wala kang kasalanan dahil wala namang may gustong mangyari iyon. Kung patuloy mo lang sisisihin ang sarili mo, walang mangyayari. Walang maidudulot na maganda ito sa iyo bagkus ay paghihirap ng kalooban lang."
BINABASA MO ANG
Bunso
Mystery / ThrillerSi Reyzalyn ay isang butihing anak. Siya ay bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. May kakayahan siyang makakita ng mga kaluluwa kung kaya't makikita niya ang hindi matahimik na kaluluwa sa bahay na pagmamay-ari na nila ngayon. Hindi matahimik ang...