Maganda ang resort na napuntahan nila. Malinis ang paligid. Maraming mga puno. Puti ang buhangin. Marami-rami ang mga taong naririto. Masaya silang nagtatakbuhan, nagtatawanan at nagliligo sa dagat. Nakaramdam ng excitement si Razelle dahil sa tila ba nang-aakit sa kaniya ang asul na kulay na dagat. Para bang hinihintay siya nito.
"Sa wakas! Makakaligo akong muli sa dagat! Ang tagal din bago ako muling mababasa ng tubig dagat!" sabi niya sa kaniyang sarili habang tila nagniningning ang kaniyang mga mata.
Bago pa man siya tuluyang lumusong sa dagat ay kailangan niya munang itabi ang kaniyang mga gamit upang wala na siyang iintindihin pa. Patakbong pumasok sa loob ng kanilang magiging kuwarto si Razelle. Magkakasama silang tatlo rito. Tatlo naman ang kama na nandito kaya naman magiging komportable siya sa pagtulog. Matapos niyang ilagay ang kaniyang mga gamit ay lumabas na siya ng kanilang kuwarto. Napadaan siya sa kuwarto nila Bea na nakaawang ang pinto.
May kung ano sa kaniya na para bang gustong sumilip sa pinto kung kaya naman dinala siya ng kaniyang mga paa sa tapat ng pinto ng kuwarto nila Bea.
"Ayusin mo 'yang pagmumukha mo. Umayos ka rin ng galaw mo. Huwag kang umarte riyan dahil hindi bagay sa iyo. Baka mamaya mag-inarte ka, aabutin ka talaga sa akin Rina. Sinasabi ko na ito sa iyo. Umayos ka nga! " maawtoridad na wika ni Joel.
Hindi niya mapigilang sumilip. Nakita niya sa loob na nagsasalansan ng mga gamit si Joel habang si Rina naman ay nakaupo sa kanilang kama. Tumingin si Joel kay Rina. Namumula ang mga mata nito na para bang kanina pa ito umiiyak.
"Mag-enjoy kayong dalawa ni Bea. Bahala kayo kung anong gusto niyong gawing dalawa. Pero bago ka lumabas ng kuwartong ito ay ayusin mo muna iyang pagmumukha mo," Ani Joel matapos nitong magsalansan ng mga gamit.
"At ikaw? Anong gagawin mo?" mahinanong tanong ni Rina dito.
"Maliligo ein naman ako syempre. Pero makikipagkuwentuhan muna ako sa mag-asawa. Intindihin mo si Bea. Bantayan mo baka mamaya malunod iyon. Hindi pa naman marunong lumangoy si Bea. Basta makikipagkuwentuhan lang ako sa mag-asawa," wika nito na tinutukoy ang kanilang mga magulang. Kumunot ang noo ni Razelle habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Bakit kailangan mo pang makipagkuwentuhan sa kanila? Ayaw mo bang makipagkuwentuhan sa amin ng anak mo? Bakit hindi na lang sa amin nang sa ganoon ay makapag-bonding tayong tatlo?" wika ni Rina na mababakas sa boses nito ang lungkot.
Lumapit sa kaniya si Joel at saka hinaplos ang kaniyang buhok. Ngumiti ito na tila ba parang nangilabot si Razelle sa paraan ng pagkakangiti nito kay Rina. Nakatatakot kasi ang itsura ni Joel na para bang isa itong kontrabida sa isang palabas. Napakurap na lang si Rina ng ilang beses.
"Huwag kang mag alala. Syempre sasamahan ko kayong dalawa, okay? May inaasikaso lang ako. May kailangan lang akong trabahuhin saglit. Basta't sumunod ka na lang sa lahat ng sasabihin ko. Nagkakaintindihan ba tayo? Sundin mo lang ako at wala tayong magiging problemang dalawa." Marahang hinahaplos ni Joel ang buhok ni Rina patungo sa kaniyang mukha.
Mabagal at para bang alanganin namang tumango si Rina at mababakas sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ni Joel ngunit wala siyang choice kun'di ang sumunod. Ngumisi si Joel at saka tumawa ng mahina. Hinawakan niya ang mukha ni Rina at kinurot ang pisngi nito.
"Mahal na mahal kita Rina. Akin ka lang. Hindi ka puwede sa iba." Inilapit ni Joel ang mukha kay Rina.
Namilog ang mga mata ni Razelle kung kaya napapikit na lamang siya sabay talikod. Patakbo siyang naglakad patungo sa dagat kung saan nagtatawanan sina Bea at ang kaniyang bunsong kapatid na si Reyzalyn. Habang si Rebecca naman ay nakatanaw lang sa dagat.
Napahinto siya sa paglalakad nang maalala niya ang nakita at narinig niya kanina. Bakit tila nagbago ng anyo si Joel? Bakit parang nangilabot siya bigla sa bawat sinabi nito? Tila naging masamang tao ito sa kaniyang paningin. Pakiramdam niya ay may itinatago ang lalaki. At nagtataka rin siya kung bakit bigla na lang itong naging madikit sa kanilang nga magulang.
Ano ang pakay nito sa kanila?
Ano ang kaya ang pinaplano nitong gawin?
May masama kaya itong balak sa kanila?
Ilan sa mga tanong na pumasok sa isipan ni Razelle. Napailing na lang siya dahil ayaw niyang mag-isip masyado dahil nandito sya para libangin ang sarili hindi para ma-stress at mag-isip ng kung ano-ano.
"Oh my!" hiyaw niya nang biglang may humawak sa kaniyang balikat. Napaatras siya bigla.
Takang nakatingin sa kaniya si Reyzalyn. Napabuga siya ng hangin sabay hawak sa kaniyang dibdib. Malakas at mabilis ang pintig ng kaniyang puso dahil nagulat siya sa kaniyang kapatid.
"Bakit po Ate? May problema ba?" tanong nito sa kaniya habang pagtataka pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.
Ilang beses siyang napalunok bago nagsalita."Si Kuya Joel kasi parang iba iyong itsura niya ngayon. Parang may mali ganoon? Parang hindi siya iyong nakilala natin dati. Basta iba siya ngayon."
"Na para bang mabigat ang pakiramdam mo sa kaniya Ate?"
Tumango si Razelle. "Oo parang ganoon na nga."
Sumeryoso ang mukha ni Reyzalyn. Nagpalinga-linga muna siya bago nagsalita. "Ako rin apansin ko iyon. At saka nagulat nga ako sa sinabi niya kay Ate Rina kanina."
Namilog ang mata ni Razelle. "Nagulat? Bakit? Anong sinabi niya?"
"Kanina pagkababa ng sasakyan. Sabi niya kay Ate Rina na ayusin daw ni Ate Rina ang mga kilos niya kung ayaw niyang masaktan. Iyon ang narinig ko. Nagulat nga ako."
Napakurap si Razelle ng ilang beses. Ibig sabihin ay napagbubuhatan ng kamay pala talaga ni Joel si Rina? Naisip niya bigla si Bea. Hindi kaya ay nasasaktan niya ito?
"Nga pala Ate, hindi ko pa uata nabanggit sa iyo na hindi tunay na ina nina Bea at Lyka si Qte Rina dahil namatay ang tunay nilang ina ng isilang si Lyka."
Kumunot ang noo ni Razelle. "Kung ganoon stepmom lang pala si Ate Rina. Pero kung titingnan mo parang mahal na mahal niya si Bea."
Nagkibit-balikat si Reyzalyn. "Oo napapansin ko iyon kaya nga nagulat ako nang malaman kong stepmom lang pala si Ate Rina. Siguro napamahal na rin siya kay Bea."
"Naisip ko bigla si Bea kung napagbubuhatan ba siya ng kamay ni Kuya Joel."
Napatingin si Reyzalyn kay Bea. Para bang malungkot ang mga mata nitong nakatanaw sa asul na dagat. Naglakad siya patungo rito. Ngumiti ito sa kaniya nang makita siyang papalapit sa kinaroroonan nito.
"Ayos ka lang ba Bea? Para kasing malungkot ka?" tanong niya rito.
Alanganin namang napangiti si Bea. At saka bahagyang tumawa. Nilingon siya nito. Hinintay niya itong magsalita.
"A-ayos lang ako," nauutal nitong habang ang mga mata nito ay tila ba hindi sang-ayon sa kaniyang sinambit.

BINABASA MO ANG
Bunso
Misterio / SuspensoSi Reyzalyn ay isang butihing anak. Siya ay bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. May kakayahan siyang makakita ng mga kaluluwa kung kaya't makikita niya ang hindi matahimik na kaluluwa sa bahay na pagmamay-ari na nila ngayon. Hindi matahimik ang...