Chapter 27: Panganib

18 0 0
                                    

"Anong klaseng tanong 'yan! Bakit? Hindi ba anak ang turing mo kay Lyka kung kaya ganoon mo na lang siya pagmalupitan? Napakawalang puso mo! Anong klase ka! Hindi ka tao! Halimaw ka! Awang-awa ako sa batang iyon. Kung may kakayahan lang sana ako na ilayo siya sa iyo, matagal ko nang ginawa pero dahil sa tinatakot mo ako gamig ang Mama ko kaya hindi ko magawang maipagtanggol siya! " sigaw ni Rina sa kaniya.

Humalakhak na para bang baliw si Joel at saka malakas na sinampal si Rina. Naumpog sa may pader si Rina dahil sa malakas na sampal ni Joel sa kaniya. Pumatay ang dugo mula sa kanyang labi sa sahig. Nanginginig ang katawan ni Rina nang makita niya ang dugong pumatak sa sahig. Marahas na inangat ni Joel ang kaniyang mukha. Sa itsura nito ay para bang anumang oras ay papatayin siya nito. Nakakatakot ang anyo nito. Tila isa itong mabangis na hayop. Binalot ng kilabot ang buong katawan ni Rina sa mga oras na iyon.

"Hindi ko anak si Lyka. Alam mo kong bakit ha? Nabuntis ang pumanaw kong asawa ng kaibigan ko! Niloko niya ako pero pinatawad ko siya dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya! Kaya naman bakit kailangan pang mabuhay ni Lyka ngayong hindi ko naman siya anak? Sa tuwing nakikita ko siya hindi ako mapalagay sa galit! Lagi kong naaalala ang panloloko ng dati kong asawa! Hindi ko matanggap na niloko lang ako ng asawa ko at mismong kaibigan ko pa!"

Mapang-asar na ngumisi si Rina. "Kaya siguro nagawa iyon ng dati mong asawa ay dahil baliw ka! Hindi pagmamahal ang tawag diyan sa ginagawa mo! Baliw ka! Masyado kang baliw na hindi mo napapansin na nasasakal mo siya! Siguro nahanap niya ang tunay na pagmamahal sa kaibigan mo at hindi sa iyo! Lahat na lang kasi pinagseselosan mo kahit walang dahilan! Ganoon ka kabaliw Joel! Baliw ka! Baliw!"  sigaw ni Rina na siya namang lalong kinagalit ng lalaki kaya sinuntok siya nito sa mukha.

Pakiramdam ni Rina ay natulig siya sa lakas ng pagkakasuntok ng lalaki sa kaniyang mukha. Bumulagta siya sa sahig. Hilong-hilo na siya. Umiikot na ang mga bagay na nasa paligid niya. Hinawakan niya ang kaniyang mukha. Sobrang sakit nito.

"Wala na akong pakialam kung baliw nga ako. Baliw na kung baliw! Kaya ikaw Rina, tandaan mo itong sasabihin ko sa iyo! Isaksak mo diyan sa kukote mo na akin ka lang! Sa akin lang ang katawan at kaluluwa mo! Hindi ka puwedeng mapunta sa iba dahil papatayin kita! Papatayin ko kayong dalawa!" mariing sigaw niya rito sabay sakal sa leeg nito.

Halos hindi namakahinga si Rina. Pinaghahampas niya ang braso ng lalaki ngunit sa tingin niya ay napakahina ng epekto no'n dahil wala na siyang lakas. Hinang-hina na kasi ang kaniyang katawan dahil sa ginawang pagbalibag sa kaniya ni Joel sa pader.

"Mommy!" malakas na sigaw ni Bea nang makita niya si Rina na nakahandusay na sa sahig.

Nilingon siya ni Joel. Nanlalaki ang mga mata ni Bea habang nakatingin sa kaniyang ama. Parang hindi na ito ang ama niya. Halimaw na ang itsura nito para sa kaniya. Sa gilid niya nakatayo si Reyzalyn nanginginig ang mga kamay nitong humawak sa kaniya.

"U-umalis na t-tayo dito B-bea... baka kung ano pang mangyari sa atin kung mananatili tayo rito," bulong sa kaniya ni Reyzalyn sabay hatak.

Huli na para makatakas pa silang dalawa dahil nahatak na ni Joel ang buhok ni Reyzalyn. Inihagis siya nito sa sofa. Sinunod nito ang anak niyang si Bea.

"Saan kayo pupuntang dalawa ha?! Sa tingin niyo ba makatatakas pa kayong dalawa? Mga tanga!" sigaw nito sabay hagis sa kanila sa kuwarto.

Kumuha ito ng tali saka sila itinaling dalawa. Hindi sapat ang lakas nilang dalawa lalo na't pareho pa silang babae. Wala silang laban kay Joel. Nilagyan sila ng tape nito sa bibig para hindi sila makasigaw. Hiningal-hingal si Joel na umupo sa harapan nila.

"Masyado kasi kayong nanghihimasok sa buhay namin kaya nadamay kayo. Kaya ko lang naman gustong mapalapit sa inyo para malaman kung may ebidensya ba akong naiwan. Mabuti na lang wala kaso nangingieaam kayo kaya ngayon damay na kayo sa gulong pinasok niyo," kalmadong sabi nito sabay ngisi.

"At ikaw naman anak, masyado kang maingay. Dapat hindi mo na sinabi ang sikreto ko. Kaya nga sikreto 'di ba? Hindi mo na ba mahal si Daddy anak? Gusto mo bang makulong si Daddy? Kapag nangyari yun wala kang Daddy na magbabantay sa iyo. Mag isa ka na lang. Gusto mo ba 'yon anak?" Nakangising sabi ni sabay haplos sa buhok ni Bea.

Umiiyak si Bea habang nakatingin sa kaniyang ama. Si Reyzalyn naman ay nanatiling pinapakalma ang sarili. Pinipilit niyang tatagan ang kaniyang loob.

Bumaling ang atensyon ni Joel sa kaniya. Tumawa ito ng mahina at saka tumitig sa kanya.

"Sa tingin mo ba matutulungan ka ng mga magulang at kapatid mo Reyzalyn? Sa tingin mo pupunta sila dito pata saklolohan ka? Nagkakamali ka dyan. Dahil pinainom ko sila ng pampatulog. Kung saan matagal pa silang magigising!" aniya at saka biglang tumawa ng malakas.

"Malay mo pagkagising nila, isa ka na lang malamig na bangkay" Nakakakilabot na boses na wika nito sabay haplos sa kaniyang buhok.

Mayamaya pa ay tumayo na ito. Sinara nito ang pinto. Narinig niyang ini-lock pa nito ang pinto. Napaiyak na lang si Reyzalyn. Hindi niya alam kung ano ang susunod ng mangyayari. Nawawalan na siya ng pag asa ngunit pinagdarasal niya pa rin na may sumaklolo sa kanila.

NAISIPANG LUMABAS NG KANIYANG KUWARTO SI REBECCA. Napansin niya kasing bigla na lamang tumahimik. Kinuha ang basong may lamang inumin. Tinimpla ito ni Joel para sa kanila. Dahil sa hindi niya matiisan makita ang pagmumukha ng lalaki ay pumasok nalang siya sa kaniyang kuwarto dala ang inuming ginawa nito pero hindi niya ito ininom. Itatapon na lang niya ito. Malay niya ba kung may lason ito.

Namilog ang mga mata ni Rebecca ng makita niya ang kanyang mga magulang na tulog sa sala, pati na rin ang kapatid niyang si Razelle. Nilapitan niya kaagad ang mga ito. Humihinga ang mga ito. Napansin niya ang mga basong pinag inuman nila sa lamesa. Nanggigil siya bigla. Marahil ay may inilagay ng kung ano si Joel sa kanilang inumin kung kaya nakatulog ang mga ito!

"Mommy! Daddy! Razelle!" Malakas na sigaw niya sa mga ito.

Niyugyog niya ito ang mga ilang ulit. Nilakasan na niya ang pagyugyog sa mga ito ngunit hindi parin ito magising. Mahina niyang sinampal si Razelle pero hindi pa rin ito nagising.

BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon