Chapter 14: Pag-amin

22 0 0
                                    

Tulalang nakatingin si Reyzalyn kay Bea. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Hindi niya akalain na hindi pala nila tunay na ina nila si Rina kung kaya't iba ang pakiramdam niya rito nang makasalamuha niya ito. Hindi niya maramdaman ang pagmamahal ni Rina kay Lyka kaya pala ganoon na lang ito kung magsalita dahil ang tunay na ina ay hindi kailanman makalilimutan na lang basta ang kanilang anak.

Isa lang ang naging tanong niya sa kaniyang isipan...

May kinalaman kaya si Rina sa pagkamatay ni Lyka?

"Hindi ko alam ng mga oras na iyon ay ang araw na isisilang na pala si Lyka. Nagalit ako kay Mommy noon dahil sa hindi niya ako pinagbigyan na sumama sa kaibgan ko para maggala. Pero bago pa iyon mangyari, parang nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan sina Mommy at Daddy. Narinig ko kasing nagsisigawan sila sa kuwarto. Tapos iyon na nga, nagpaalam ako naaalis ako pero hindi pumayag si Mommy. Naintindihan ko naman na ayaw niya na may kung anong mangyari sa akin pero kasi noong panahong iyon ay talagang kung ank ang nais ko ay iyon ang gusto kong masunod. Wala akong pakialam noon kung ano ang maging kalalabasan basta masunod lang ang nais ko."

Bumuga ng hangin si Bea bago muling nagsalita. "Tapos pinilit ko talaga ang gusto ko hanggang sa masigawan na niya ako siguro dahil naririndi na siya sa akin at napasagot na ako ng pabalang sa kaniya. Namamaga na ang mata niya nang pumasok ako sa kuwarto niya. Siguro sa kaiiyak niya dahil nga sa nag-away sila ni Daddy. Ewan ko ba, pero simula noong nabuntis si Mommy kay Lyka ay palagi na silang nag-aaway ni Mommy. Doon na nagsimula ang palagi nilang pag-aaway. Laging nakasigaw at galit si Daddy kay Mommy na para bang may ginawang malaking kasalanan sa kaniya si Mommy."

"So iyon na nga, pagkatapos akong mapagalitan ni Mommy dahil ayaw niyang pumayag ay padabog akong lumabas ng kuwarto niya. Mayamaya bigla na lang siyang sumigaw na manganganak na raw siya kaya kinabahan ako," malumanay na pagpapatuloy nito.

Tahimik lang na nakikinig si Reyzalyn sa mga sinasabi ni Bea. Iniintindi niya kasi lahat ng mga sinasabi nito. Hindi dahil sa hindi siya naniniwala rito kun'di dahil gusto niyang malaman kung tunay ba ang mga sinasabi nito o kung nagsisinungaling lang ito. Tinitingnan niua kung may magiging butas ba ang kuwento ni Bea dahil kung sakaling magkaroon ay malalaman niyang gumagawa lang ito ng kuwento.

"Mabilis ang bawat galaw ni Daddy. Sinugod namin sa ospital si Mommy Manganganak na nga siya. Binalot ako ng kaba ng araw na iyon. Nakaramdam ako ng pagsisi dahil sinagot ko pa siya ng pabalang gayong may nararamdaman na pala siyang sakit sa kaniyang katawan. Tapos..."

Napahinto sa pagsasalita si Bea dahil bigla na lamang itong napaiyak. Hinawakan ni Reyzalyn ang mga kamay nito na ngayo'y nanginginig. Nag-angat nang tingin si Bea habang nanginginig pa rin. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"T-tapos s-sabi ng doctor na hindi kayang maisilang si Lyka ng normal dahil hindi kakayanin ng katawan ni Mommy. Kailangan caesarean method ang gagawin dahil nanghihina ang katawan ni Mommy at masyadong malaki Lyka para sa isang normal delivery. At ang sabi pa ng doctor ay parang stress daw si Mommy dahil nakikita niya raw sa itsura ni Mommy. Parang marami raw itong problema at ang physical health nito ay hindi maayos. That time may anemic pa si Mommy. Hindi kasi siya nakatutulog sa tamang oras. Palaging isa o dalawang oras lang ang tulog niya simula nang magbuntis siya. Madalas ay tulala pa siya. Palagi ko siyang nakikitang tulala tapos palagi pa silang nag-aaway ni Daddy."

"Pumayag naman si Daddy na caesarean ang gagawin kay Mommy dahil sa wala ng choice at kailangan na ring mailabas si Lyka dahil baka makakain na ito ng dumi. Kaso may isa pang problema..." Humintong muli sa pagsasalita si Bea at saka malamlam ang mga matang tumingin sa kaniya.

"Anong problema?" Hindi mapigilang tanong ni Reyzalyn.

"Dahil nga sa anemic si Mommy, hindi sigurado ang doktor kung kakayanin ng katawan nito na mawalan ng dugo. At isa pa nanghihina ang katawan ni Mommy. Dagdag pa ng doktor parang depressed si Mommy. Nagtaka ako noon kung bakit nasabi iyon ng doktor. Sabi ko bakit made-depressed si Mommy? Sa anong dahilan? Hanggang sa naisip ko na dahil kaya sa palaging nag-aaway sila ni Daddy simula nang mabuntis si Mommy? O 'di kaya sa akin dahil naging pasaway ako sa kaniya? Mas nanaig sa akin na ako ang dahilan ng pagka-depressed niya dahil pala ko siyang sinusuway."

"Paano mo naman nasabing ikaw ang dahilan ng pagmatay ng Mommy mo? Sinabi ba niya sa iyo na iss ka sa dahilan kung bakit siya nade-depressed?" Kunot-noong tanong ni Reyzalyn.

Umiling si Bea. "Walang sinabi si Mommy na ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon pero iyon ang nararamdaman ko dahil nang araw na iyon nag-away kami ni Mommmy. Alam kong sumama ng sobra ang loob niya sa akin. Kaya siguro sinabi ng doktor na parang nade-depresed si Mommy at sa tingin ko dahil sa akin iyon. Kagaya nga ng sinabi ko noong una, nag-aaway kami lagi ni Mommy kapag hindi niya pinagbibigyan ang mga gusto ko. Tapos nakikita ko na lang siya na bigla na lang tutulo ang luha niya lalo na kapag nag-iisa siya. Madalas ko siyang nakikitang umiiyak sa kaniyang kuwarto. Tahimik siyang umiiyak." Pinahid ni Bea ang kaniyang luha gamit ang kaniyang palad.

"Reyzalyn, may tissue ka ba?"

"Oo mayroon. Teka ikukuha kita."

Inabot ni Reyzalyn ang tissue niya kay Bea. Naupo siyang muli sa tabi nito habang pinagmamasdan si Bea. May parte sa kaniya na naniniwala sa sinabi nito.

Napaisip bigla si Reyzalyn. Siguro nga nade-depresed ang ina nila dahil na rin sa asal ni Bea o 'di kaya naman dahil sa palaging pag-aaway ng ina at ama nito. At dahil doon ay hindi naging maganda ang epekto nito sa pagbubuntis ng kaniyang ina. Isa pa may sakit pala itong anemic kung kaya mas nanghina ang katawan nito dahil hindi maganda o masama sa isang buntis ang ma-stress. Marahil ay napapabayaan nito ang sarili.

Ngunit iyon nga lang ba ang dahilan?

O hindi naman kaya may problema ang Mommy ni Bea?

May kung ano pang tanong ang naglalaro sa isipan ni Reyzalyn. Posible nga kayang iyon lang talaga ang dahilan? O hindi kaya may mas lalim pang dahilan ngunit hindi lang ito alam ni Bea?

BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon