Isinalansan ng maayos ni Reyzalyn ang mga damit na itinupi niya para ilagay sa kaniyang bag na may kalakihan ang sukat. Aalis kasi sila buong pamilya, kasama nila ang pamilya ni Bea. Pupunta sila sa Batangas upang makapaglibang silang pamilya. Dalawang araw lang sila roon dahil may pasok pa sila ng Lunes. Hindi niya alam na pumayag pala ang kanilang magulang na sumama ang pamilya ni Bea. Hindi naman sa ayaw niyang makasama ang mga ito pero hindi siya komportable rito lalo na't tila kay bilis nitong kalimutan si Lyka na para bang hindi naging mahalaga sa kanila si Lyka.
Hindi niya rin inaaasahan na makakasingit pa itong pag-alis nila dahil sa laging busy ang kanilang magulang sa trabaho. Masaya siya dahil kahit papaano ay makakapag-enjoy silang pamilya. Matagal na rin kasi simula noong umalis silang buong pamilya dahil madalas abala sa trabho ang kanilang mga magulang.
"Ang tagal mo naman diyan! Nandoon na sa sasakyan iyong iba nating kasama samantalang ikaw nandiyan pa nagsasalansan ng mga damit mo. Napakabagal mo talagang kumilos kahit kailan. Wala bang ibibilis ang paggalaw mo? Bilisan mo naman diyan Reyzalyn!" iritableng wika ng kaniyang Ate Rebecca sabay lapit sa kaniya.
Kinabahan siya bigla kaya naman binilisan niya ang kaniyang pagkilos. "Sorry po Ate. Bibilisan ko na po," nakayukong sabi niya habang patuloy pa rin ang pagsasalansan ng kaniyang mga gamit.
Nagulat siya nang biglang kumuha ng kaniyang mga damit ang kaniyang Ate Rebecca at saka tinulungan siya nitong ilagay sa kaniyang bag. Hindi niya inaasahan iyon kaya napatitig siya sa kaniyang Ate. Nakaramdam ng tuwa si Reyzalyn. Sa simpleng bagay na ito ay hindi niya mapigilang hindi matuwa. Napakagat-labi siya dahil pinipigilan niyang ngumiti. Ngayon lang kasi ito ginawa ng kamiyang Ate. Madalas kasi nasinisigawan lang siya nito kapag mabagal siyang kumilos.
"Iyan tapos na. Halika ka na bilisan mo. Akin na iyang isa mong bag para hindi na mahirapan pa sa mga dadalhin mo. Kahit kailan ka talaga ang bagal mong kumilos. Hay naku Reyzalyn," pagalit na sabi nito sa kaniya sabay kuha ng isa pa niyang bag. Dalawang bag kasi ang dala niya.
Pagkatalikod ng kaniyang Ate ay sumilay ang ngiti sa kaniyang labi habang nakasunod na naglalakad. Hindi niya talaga inasahan ang mga ginagawa ng Ate niya ngayon. Naisip niyang sana lagi na lang ganito ang kaniyang Ate.Na kahit na nagtataray ito sa kaniya ay ayos lang basta may kauti silang pag-uusap ay masaya na siya roon. Sana ay magkaayos na silang tuluyang dalawa dahil iyon ang matagal na niyang nais.
Pagkapasok nila sa van, nakita nya si Bea na nakaupo malapit sa bintana ng van habang nakanaw sa kawalan. Tila malalim ang iniisip nito. Habang ang mga magulang naman nito ay mahinang nag-uusap. Seryoso ang mga mukha nito habang nagsasalita. Tinitigan ni Reyzalyn si Rina na para bang hindi komportable. Pakurap-kurap ito habang kausap ang kaniyang asawa na si Joel. May kung anong naramdaman si Reyzalyn na tila may hindi magandang nagaganap sa pagitan ni Joel at Rina.
"Ayos ka lang? Sinong tinititigan mo?" mahinang bulong ng kaniyang Ate Razelle.
Sa bandang unahan sila naupong tatlo. Nasa pagitan siya ng kaniyang dalawang Ate.
Nilingon niya si Razelle na ngayon ay makikitaan ng pagtataka sa mukha nito. Tipid na nginitian niya ito. "Si Ate Rina ang tinitingnan ko. Wala lang po. Napatitig lang ako po sa kaniya. Para kasing hindi siya komportable, ganoon. Iyong itsura niya kasi. Ewan ko ba pero nakikita ko sa mukha niya na para bang hindi talaga siya komportable. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsama nila rito sa atin o dahil kay Kuya Joel. Salubong kasi ang kilay ni Kuya Joel habang nagsasalita kaharap siya," sabi niya rito at saka napabuntong-hininga.
Kumunot ang noo ni Razelle sabay tingin sa gawi nila Rina at Joel. "Napansin ko rin 'yan kanina. Pagkarating nga nila rito, parang alanganing napangiti si Ate Rina nang makita niya sila Mommy at Daddy. Hindi ko nga sure kung sigurado ba silang sasama sila sa atin. Sana lang talaga maging masaya itong pag-alis natin."
"Sana nga talaga. Hindi kaya may problema sila? Kasi tingnan mo parang ang seryoso ng usapan nila. Hindi ko sigurado kung naririnig ba ito ni Bea. Para kasing tulala siya. Parang malalim ang iniiisip niya. Tapos itong si Kuya Joel, ang sama nang tingin kay Ate Rina na para bang galit siya rito."
"Oo nga napansin ko iyan. Hindi kaya nag-away sila?" dagdag pa ni Razelle.
Inalis ni Reyzalyn ang tingin niya sa mag-asawa dahil baka mamaya mapansin pa siya na nakatingin sa kanila.
"Nakita ko kanina si Kuya Joel na parang pinipiga ang braso ni Ate Rina kasi namumula," mahinang sambit ni Rebecca.
Napatingin sina Razelle at Reyzalyn sa kaniya.
"Sigurado ka ba sa nakita mo Ate? Saan mo nakita?" tanong ni Razelle.
Tiningnan muna ni Rebecca sina Joel at Rina bago siya bumaling sa kaniyang kapatid at nagsalita. "Kanina kasi papasok na ako ng sasakyan, nakita ko si Ate Rina na parang kagagaling lang sa iyak. Tapos nakasunod sa likuran niya si Kuya Joel. Pasimple siyang itinutulak nito papasok sa sasakyan," halos pabulong na wika ni Rebecca. Tahimik na nakikinig ang dalawa niyang kapatid.
"Tapos iyon na nga, nakaupo na sila no'n nang mapansin kong parang hindi sila okay. Pero bago pa tuluyang makapasok sila ng sasakyan ay nakita ko iyong braso ni Ate Rina na namumula. Alam mo iyong parang piniga, ganoon? Basta parang piniga o pinisil."
"Hindi kaya, ayaw sumama ni Kuya Joel?" tanong ni Razelle.
"Hindi ko lang alam. Kasi ang alam ko ay sila ang nagsabi na sasama sila sa atin. Baka naman nag-away lang sila bago umalis?"
"Tapos sinaktan niya si Ate Rina? Nanakit si Kuya Joel ganoon? Dapat sa ganiyang lalaki ay iniiwan dahil wala siyang karapatan na saktan si Ate Rina. Iba na kasing usapan kapag nananakit na. Puwede siyang makulong sa ginagawa niya."
Pinanlakihan ni Rebecca ng mata si Razelle. "Hinaan mo ang boses mo. Baka mamaya marinig pa tayo. Lagot talaga tayo rito," ani Rebecca sabay irap.
Napatikhim na lang si Razelle. Marahil siya ay napapansin na parang iba ang itsura ng mga magulang ni Bea. Nairita siya bigla. Hindi sa ayaw niya itong makasama sa kanilang pag alis, ayaw niya lang kasi masira ang bonding nilang magpamilya. Baka kasi mamaya ay hindi maganda ang kalabasan ng kanilang pag-alis dahil may hindi pagkakaunawaan ang mga magulang ni Bea.
Nanatili na lang ang mga mata niya sa kalsada. Hindi niya alam pero parang natatamad siyang kumilos ngayon. O 'di kaya ay wala siyang ganang magkikilos. Pinagdarasal na lang sana niya na maging maayos ang kanilang pag alis.
Muli niyang tiningnan sina Joel at Rina. Napansin niyang tila namumula ang mga mata ni Rina.
![](https://img.wattpad.com/cover/293006868-288-k594831.jpg)
BINABASA MO ANG
Bunso
Mistero / ThrillerSi Reyzalyn ay isang butihing anak. Siya ay bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. May kakayahan siyang makakita ng mga kaluluwa kung kaya't makikita niya ang hindi matahimik na kaluluwa sa bahay na pagmamay-ari na nila ngayon. Hindi matahimik ang...