Napalunok si Rebecca dahil papalapit na sa kanilang kinaroroonan si Joel. Binalot siya ng kaba. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nadarama. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay na napahawak sa balikat ni Razelle. Nagkatitigan silang magkapatid.
"Mukhang nagiging malapit ka na sa kanilang tatlo anak ko?" Nakangiting wika nito nang makalapit sa kanila.
Nagpalipat-lipat ito nang tingin sa kanilang dalawang magkapatid. Napakurap ng ilang beses si Rebecca habang pinapakalma ang sarili. Pakiramdam niya pinagpapawisan siya ng malamig dahil sa kabang bumabalot sa kaniyang katawan. Nangunot ang noo ni Joel na para bang nagtataka sa reaksyon ni Rebecca.
"Ah o-opo D-daddy. Mababait po kasi silang l-lahat. Masaya ako sa tuwing nakasasama ko sila Daddy," ani Bea at saka pilit na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ah ganoon ba? Si Daddy din naman mabait ah!" Nakangiting sabi ni Joel sabay kamot sa ulo.
"Tsk. Mabait huh?" sabi sa isipan ni Rebecca.
"Halika na muna anak. Doon muna tayo sa kuwarto ng Mommy mo para makapag-bonding din silang pamilya at para makapag-bonding din tayong tatlo." Yaya ni Joel sa anak sabay hatak dito patayo.
Tumango na lang si Bea at saka tumingin sa kanila. Sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanilang dalawa ay para bang sinasabi nito na huwag silang maingay. Na huwag silang magsasabi ng kung ano sa rebelasyong inamin sa kanila ni Bea. Tinanaw na lang nilang dalawa ang mag-amang naglalakad palayo. Nang tuluyan na itong makapasok sa kanilang silid ay nakahinga ng maluwag ang dalawa. Parang may nakabara sa kanilang dibdib dahil sa presensya ni Joel.
"Ate...kailangan na nating ipaalam ito kila Mommy at Daddy," saad ni Razelle habang seryosong nakatingin sa kaniya. Mabilis na tumango Rebecca.
"Oo tama ka. Kaya halika ka na. Puntahan na natin sila Mommy at Daddy" ,Yaya niya rito sabay hawak sa kamay ng kaniyang kapatid.
Mabilis ang naging paglalakad nilang dalawa patungo sa silid ng kanilang magulang. Binabalot man ng kaba si Rebecca dahil sa hindi niya alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari ay wala na siyang pakialam pa. Dahil gusto na din niyang matuldukan ang kasamahan ni Joel. Walang kapatawaran ang kasamaang ginawa nito.
Pagkapasok nila sa silid ng kanilang mga magulang ay nakita nilang seryosong nag-uusap ang mga ito, kasama ang kanilang bunsong kapatid na si Reyzalyn. Nahinto ito sa pag-uusap at saka tumingin sa kanila. Ini-lock nila ang pinto at saka lumapit sila sa kinaroroonan ng kanilang magulang.
"Mommy...Daddy...," tawag ni Rebecca sa mga ito.
"Naikuwento na sa akin ni Reyzalyn ang mga napapansin niyo kay Joel. At alam ko na namin iyon anak. Nalaman ko iyon simula nang mabili ko ang bahay nila," sabi ng kanilang ina sabay buntong-hininga.
"Naikuwento sa akin ni Reyzalyn na nagpapakita sa kaniya ang bunsong kapatid ni Bea na si Lyka. Ang batang natagpuang nagbinti sa sarili nitong kuwarto ngunit hindi naman ito totoo. Dahil si Joel mismo ang kumitil ng buhay nito, sa harap mismo ng kaniyang panganak na si Bea."
Namilog ang mga mata nila Razelle at Rebecca. Alam na pala ito ng kanilang mga magulang ngunit bakit nakikipag-usap pa sila sa mga ito?
At kaya rin ba hindi magawang magsabi ni Bea ay dahil takot ito kay Joel dahil baka mamaya gawin nito ang ginawa niya kay Lyka? Kaya pala labis ang takot niya sa kaniyang ama ay dahil sa mismong harapan niya kinitil ang buhay ni Lyka.
"Pero Mommy... Alam niyo na po pala na isang kriminal si Kuya Joel pero bakit pa kayo po nakikipagkuwentuhan sa kanila? Bakit pa po ninyo hinahayaang makalapit sila sa pamilya natin? Natatakot na kami sa kaniya dahil malakas ang kutob namin na may balak siyang masama sa atin. Alam kong may pinaplano siyang masama kaya natatakot ako sa kung ano ang magawa niya sa pamilya natin. Kaya bakit hinahayaan niyo pa po siyang makalapit sa atin Mommy?" Hindi mapigilang tanong ni Rebecca.
Biglang hinawakan si Rebecca ng kaniyang ama sa kamay sabay haplos sa buhok nito. Suminghap ito.
"Nakiusap ang isang pulis sa amin na ang pangalan ay Raul. Isang linggo matapos namin mabili ang bahay nila, kinausap kami ni Raul. Siya ang pulis na humawak sa kaso ni Lyka. Malakas kasi ang kutob niya noon na hindi pagpapakamatay ang nangyari. Kaya naman hindi siya mapakali na hindi niya matapos ang kaso ni Lyka. Habang nag-iimbestiga sila sa kuwarto ni Lyka, may nakitang sulat si Raul sa notebook ni Lyka," paliwanag ng kanilang ama. Namilog ang mata ni Rebecca.
"Ano pong nakalagay doon Daddy? Anong nakasulat sa notebook?" singit sa usapan ni Razelle.
"Nakasulat doon na...sana hindi na ako saktan ni Daddy. Sana mahalin ako ni Daddy bilang anak niya. Sana maranasan kong mahalin niya ako. Sana maging mabait na si Daddy siya sa akin. Mahal ko si Daddy. Sana mahal niya rin ako."
"Iyan ang mga nakasulat doon. Dahil sa sulat sa notebook na iyon ni Lyka ay may pumasok sa isipan ni Raul. Naisip niya na baka sinasaktan ni Joel si Lyka kung kaya ganoon na lang ang sinulat nito sa kaniyang notebook. At saka nakausap niya si Bea. Nang mga araw na iyon ay tulala lang si Bea. Hindi ito makapagsalita ng maayos. Parang may nakatatakot na pangyayaring nakita si Bea. Kaya naman gumawa ng paraan si Raul para makausap si Bea at makakuha man lang ng kahit kaunting impormasyon."
Bumuntong-hininga ang ama ni Rebecca bago muling nagsalita. "Kaya naman inabangan ni Raul si Bea pagkalabas nito sa eskuwelahan at nasabi ni Bea na sinasaktan nga ni Joel si Lyka, pati na rin ang pagpili ni Joel na mabuhay ang kanilang ina kaysa kay Lyka. At dahil doon naisip ni Raul na hindi matanggap ni Joel ang pagkawala ng kaniyang asawa kaya siguro nabuntong ang galit nito ay Lyka dahil ang asawa ni Joel ang nais niyang mabuhay."
"Kaya ngayon ang ginagawa naming mapalapit sa kanila ay isang paraan para makakuha kami ng matibay na ebidensya laban kay Joel at pagkatapos no'n ay sinisigurado naming hindi na siya makakawala pa. Matutuldukan na rin ang kasamaan ni Joel," dagdag pa ng kaniyang ina.
Natahimik si Rebecca sa mga sinabi ng kaniyang ama. May plano na pala ang mga ito kaya naman gagawin din nila ang kanilang makakaya para maparusahan si Joel sa krimen na ginawa niya.
Hindi nila hahayaan pang masaktan sina Bea at Rina. Kailangan nilang mailigtas ang dalawang iyon sa mapang-abusong si Joel.

BINABASA MO ANG
Bunso
Mystery / ThrillerSi Reyzalyn ay isang butihing anak. Siya ay bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. May kakayahan siyang makakita ng mga kaluluwa kung kaya't makikita niya ang hindi matahimik na kaluluwa sa bahay na pagmamay-ari na nila ngayon. Hindi matahimik ang...