Chapter 19: Kaba

20 0 0
                                    

"Teka lang Joel nasasaktan ako sa g-ginagawa mo s-sa akin. P-please huwag mo na akong saktan," nauutal na pagmamakaawa ni Rina kay Joel.

Tumawa ng tila isang halimaw si Joel bago ito muling tumingin kay Rina. "Anong sabi mo? Puwede bang pakiulit? Hindi ko kasi narinig. Anong sabi mo?" ani Joel habang sinasabunutan pa rin si Rina.

Napangiwi si Rina dahil sa sakit ng pagkakasabunot sa kaniya ni Joel. "Please, huwag mo na akong saktan. Sumusunod naman ako sa mga gusto mo. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?"

Nanlaki ang mga mata ni Joel. "Ang dami mong sinasabi!" Mas hinigpitan pa nito ang pagkakasabunot kay Rina.

"Aray ko, tama na," daing ni Rina sabay hawak sa kaniyang buhok.

Nanginginig na ang kalamnan ni Rina sa takot niya sa lalaki. Pakiramdam ni Rina ay malalagas ang kaniyang buhok dahil sa mahigpit na pagkakasabunot ni Joel sa kaniya. Sumasakit na rin ang kaniyang anit at ulo. Gusto niyang maiyak ngunit pinipigilan niya dahil panigurado ay magagalit sa kaniya si Joel.

"Anong tama na? Puro ka kasi ganiyan Rina. Puro ka susunod pero hindi naman talaga. Puro ka sabing susunod ka sa akin pero hindi ka naman sumusunod talaga sa akin, pinagloloko mo ba ako? Niloloko mo ba ako Rina, ha? Niloloko mo ako?!"

Mabilis ang pag-iling ni Rina."Hindi Joel, hindi. Sumusunod naman talaga ako sa iyo. Hindi kita niloloko. Lahat ng gusto mo susundin ko iyan basta't huwag mo lang akong saktan. Maawa ka sa akin, please." Nangingilid ang mga luha ni Rina habang sinasambit niya iyon.

Napahilamos ng mukha si Joel sabay bitaw kay Rina. Halos masubsob si Rina dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kaniya ni Joel. Hindi niya kasi inaasahan na bibitawan siya ng lalaki sa ganoong paraan. Hinawakan niya ang kaniyang ulo na ngayon ay masakit. Nakita niya ang ilang pirasong buhok niya sa kamay ni Joel. Mariin siyang napapikit habang inaayos ang kaniyang nagulong buhok.

"Ayaw mong masaktan ka pero hindi ka sumusunod. Ang ibig kong sabihin ng pagsunod sa akin ay iyong wala ng sinasabi ba basta sunod lang. Gawin lang ng gawin ang sinasabi ko. Naiintindihan mo ba?"

Lumapit si Joel kay Rina. "Naiintindihan mo ba?" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Rina.

"O-oo Joel. N-naiintindihan ko."

Ngumiti si Joel. "Magaling. Napakagaling. Ganiyan nga Rina. Be a good girl," wika nito sabay dila sa pisngi ni Rina.

Halos mabuwal mula sa kaniyang kinatatayuan si Rebecca nang masipa niya ang bote ng mga alak na nakatabi sa gilid ng pader kung saan niya nakatago. Napatingin siya kina Joel na ngayon ay luminga-linga upang hanapin kung saan nagmula ang tunog. Napalunok si Rebecca kasabay ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso dahil sa kabang bumalot sa kaniya. Mabilis ngunit dahan-dahang naglakad paalis si Rebecca sa kaniyang kinatatayuan. Nanginginig ang kaniyang kalamnan habang naglalakad palayo. Dire-diretso lang ang ginawa niyang paglakad at hindi na nag-atubili pang tumingin sa kaniyang likuran. Naglakad siya patungo sa banyo. Humingal-hingal siyang napasandal sa pinto nito. Pumasok siya sa loob ng banyo at saka naupo roon.

"Anong klaseng pamilya ba ang mayroon sina Bea? Bakit ganoon si Joel? Anong mayroon sa lalaking iyon? Parang halimaw ang nakita ko kanina. Parang isa isang tao na halang ang bituka. Bakit niya sinasaktan si Ate Rina?" mahinang usal niya habang mahigpit na hawak ang platong pinagkainan niya. Hindi na niya nagawa pang hugasan ang platong hawak niya dahil sa kinabahan siya ng sobra.

"Masama ito. Hindi maganda ang nakikita kong pagkatao ni Joel. Parang may mali sa kaniya. Pakiramdam ko may masama siyang binabalak sa pamilya namin kung kaya naman gusto niyang mapalapit kila Mama at Papa. Ngunit ano naman kaya ang binabalak niya? At bakit?" daggdag niya pang sabi at saka humawak sa kaniyang dibdib.

Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso. Hindi niya mapigilang hindi kabahan kanina dahil para siyang nasa isang pelikula na nagtatago. Pinagpapawisan siya ng malamig.

"Anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng magpahalata na may narinig ako at nakita," awika niya habang nagpalakad-lakad sa pinto ng banyo. Kinakagat niya ang pang-ibaba niyang labi sabay hawak sa kaniyang mukha.

Huminga siya ng malalim at saka bumuga ng hangin. Hinawakan niya ang kaliwa niyang dibdib. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ilang beses siyang huminga ng malalim para mapanatag ang kaniyang kalooban. Nang maramdaman niyang ayos na siya ay naglakad patungo sa kusina.

Nagtambol ang kaniyang dibdib nang mapatingin sa kaniya si Joel. Napalunok siya kasabay ng ilang beses na pagkurap. Nakaupo ito katabi si Rina na tuwang-tuwa habang kausap ang kanilang magulang. Maayos ang itsura ni Rina na hindi mababakas sa mukha nito kung ano ang nakita ni Rebecca na itsura ni Rina kanina. Nag-iwas siya nang tingin kay Joel at saka nagpatuloy sa paglalakad dahil kailangan niyang mahugasan ang pinagkainan niya.

"Oh Rebecca saan ka galing?"

Halos maestatwa mula sa kanyang kinatatayuan si Rebecca dahil sa tanong na iyon ni Joel. Napakurap siya at hindi niya pa rin magawang gumalaw. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Dahan-dahan siyang lumingon at saka pilit na ngumiti dito. Nanindig ang balahibo niya sa tingin ni Joel sa kaniya. Para bang alam nito na nakita niya ang mga ito kanina.

"G-galing p-po akong b-banyo..." Halos mautal-utal na sabi niya ngunit tinatatagan niya pa rin ang kaniyang boses. Hindi siya puwedeng magpahalata na siya ay kinakabahan.

Tumango tango si Joel. "Ah ganoon ba?Pero may hawak kang plato na pinagkainan mo?" dagdag pa nito na ikinalaki ng mata ni Rebecca.

"A-ah a-ano p-po kasi nababanyo na po a-ako k-kanina pa kaya hindi ko na napigilan. Napatakbo n-na kaagad ako sa b-banyo para dumumi kasi mahirap na kung dito pa ako abutin. Hindi pa naman kasi madali na magpigil. S-siguro sa dami ng k-kinain ko kaya ako nabanyo bigla," aniya sabay pekeng ngumiti.

Napakagat-labi si Rebecca. Tango-tango naman ang sinagot ni Joel na para bang hindi naniniwala sa kaniyang sinabi. Tumingin siya sa kaniyang mga magulang.

"Maghuhugas ka na ba anak ng plato? Pakisabay na 4in sana itong pinagkainan namin ng Daddy mo para sabay-sabay mo nang mahugasan lahat. Kaunti lang naman ito anak," wika ng kaniyang ina sabay ngiti.

"Opo Mommy," aniya sabay lapit sa kaniyang ina.

Mabilis siyang lumapit dito upang tulungan itong ligpitin ang mga plato na nasa lamesa. Napatingin siya kay Rina na inabot ang plato sa kanya. Pilit itong ngumiti.

Tila naramdaman ni Rebecca ang lungkot sa mga mata ni Rina na sa kabilang banda ay may takot din. Hindii niya mawari sa kung anong dahilan ngunit nakaramdam siya ng awa para rito.

"S-sige po mommy h-hugasan ko na po ito," saad niya at saka nalakad na patungo na sa lababo.

Marahan niyang inilapag ang hawak niyang hugasin sa lababo. Nabuga siya ng hangin nang sabay hingang malalim. Hindi biro ang kabang bumabalot sa kaniya dahil sa presensya ni Joel. Pinagpapawisan pa rin siya ng malamig.

Pasimple niyang sinulyapan si Joel na ngayon ay tumatawa habang kausap ang kanilang magulang.

BunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon