Napakurap si Reyzalyn dahil sa matalim na tingin sa kaniya ng ina ni Bea. Hinila nito patayo ang kaniyang anak at saka ito niyakap. Sinipat nito ang mukha ni Bea at saka pinahid ang mga luha nito sa pisngi.
"Bakit ka umiiyak anak? Nag-away ba kayong dalawa? Sinaktan ka ba niya? Napaano ka anak ko? Magsalita ka. Huwag kang matakot na magsumbong sa akin Bea. Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Rina sa kaniyang anak. Bakas sa boses nito ang pagkairitable.
Umiling si Bea. "Hindi po mommy. Naiyak lang po ako kasi naikuwento ko po sa kaniya na nami-miss ko na po sobra si Lyka. Naiyak lang po ako kasi syempre, naaalala ko ang bawat sandaling magkasama kami ng kapatid ko," paliwanag ni Bea
Napakurap ang kanyang ina at saka alanganing ngumiti. Umaliwalas ang mukha nito na kanina ay galit na galit.
Lumuhod ito sa harapan ni Bea at saka hinawakan ang mukha niya. "Alam mo anak, nami-miss ko rin ang kapatid mo. Pero kasi 'di ba, kung palagi mo siyang nami-miss, palagi kang maiiyak. Hindi naman sa ayokong maalala mo ang kapatid mo pero mas maigi pa na huwag mo nang isipin pa ang kapatid mo. Libangun mo ang sarili mo para makalimutan mo na siya," sambit nito habang hinahaplos ang buhok ni Bea.
"Pero mommy hindi ko lang po kasi maiwasan. Kapatid ko po siya," saad ni Bea na tila ba maiiyak pa.
"Anak, alam ko naman iyon. Pero sa tingin mo ba magiging masaya si Lyka kapag nakikita ka niyang umiiyak? Hindi, 'di ba? At aka nanahimik na ang kapatid mo. Wala na siya. Hindi na natin maibabalik pa ang buhay niya. Siguro masaya naman siya kung nasan man siya ngayon. Ang mabuti pa anak halika na umuwi na tayo okay? Ipagluluto kita ng masarap na pagkain. Huwag mo na munang isipin pa siya dahil hindi ito nakabubuti sa iyo. Umuwi na tayo ng Papa mo."
Tumango na lang si Bea at saka tipid na ngumiti. Tumingin ito kay Reyzalyn.
"Alis na kami ni mommy Reyzalyn. Thank you. Salamat sa pagpapatuloy sa akin dito sa kuwarto mo," wika ni Bea at saka mapait na ngumiti.
Tipid na ngumiti si Rina. "Salamat sa pagpapatuloy ng anak ko sa silid mo. Aalis na kami," sabi ng ina ni Bea. Napangiti nalang din si Reyzalyn.
"Sige po walang ano man po. Bye po. Ingat po kayo sa pag-uwi niyo. Sa susunod po uling pagdalaw," magalang na sagot niya.
Tila ba nakahinga ng maluwag si Reyzalyn sa pag-alis ng mag-ina. Para kasing ang bigat ng pakiramdam niya nang dumating ang ina nito. Lalo na nang tingnan siya nito ng masama na para bang may ginawa siyang kasalanan. Natakot siya bigla sa mga oras na iyon. Ngayon niya lang kasi naranasan na tingnan ng ganoon kasama ng isang magulang kung kaya naman hindi niya mapigilang matakot kay Rina.
Napaisip bigla si Reyzalyn sa mga sinabi ng ina ni Bea.
Bakit tila kay dali nitong nakalimutan si Lyka? Sa pananalita nito kanina ay para bang wala na siyang lungkot na nadarama sa pagkawala ng kaniyang anak. Para bang mabilis na nawala ang sakit na dinulot nang pagkawala ni Lyka. Hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang naiisip ngunit bakit ganoon ang kaniyang nadarama?
Madali nga bang nakalimutan ng ina nito ang pagkawala ni Lyka?
May kinalaban ba si Rina sa pagkamatay ni Lyka? Ano at paano gayong siya ang magulang ni Lyka?
"Bakit parang ang bilis malimutan ni mommy ang pagkawala ko? Bakit parang ayaw na niya akong maalala? Hindi ba masakit para sa kaniya ang pagkamatay ko? Bakit ganoon magsalita si mommy?" biglang sabi ni Lyka na nasa likuran pala ni Reyzalyn.
Tumikhim siya at saka nilingon si Lyka. Malungkot ang mga mata nito. Hindi mapagkakailang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaniyang ina. Kahit din naman siya ay nagulat ng bahagya sa mga sinabi nito. Hindi niya inaasahan na ganoon ito magsalita tungkol kay Lyka. Oo naiintindihan niya ng pinupunto nito ngunit iba kasi ang pagkakasabi niya. Parang may mali na hindi maintindihan ni Reyzalyn.
"Hindi ko rin alam. Iyan din ang tanong sa isipan ko pero naisip ko rin na baka sinabi niya lang iyon para hindi na umiyak ang kapatid mo? Na maqaring sinabi niya lang iyon para maipakita sa kapatid mo na pinipilit niyang maging okay? Hindi ako sigurado pero ayoko kasing manghusga lalo na't wala akong alam. Pero sana nga iyon ang dahilan ng mommy mo," paliwanag ni Reyzalyn.
"Maaaring tama ka. Baka nga sinabi niya lang iyon kay Ate para hindi na ito umiyak. Sabagay, kung lagi akong maaalala ni Ate, lalo lang siyang masasaktan sa pangyayari. Lalo niya lang maaalala ang lahat."
Nanahimik silang parehas. Si Reyzalyn ay napapaisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Pinipilit niyang pagtagpi-tagpiin sa kaniyang isipan ang mga nangyayari sa paligid. Habang si Lyka naman ay nakatulala lamang. Nakatanaw ito sa kisame.
Iniisip ni Reyzalyn kung tama ba ang sinabi niya kay Lyka na baka nga ipinapakita lamang ni Rina na malakas siya sa harapan ng anak dahil ayaw niyang masaktan ito. Ngunit nagtataka talaga siya sa mga salitang binitawan ni Rina.
"Bunso?" tawag mula sa labas ng kuwarto ni Reyzalyn. Boses iyon ng Ate Razelle niya.
Lumakad siya palapit sa pinto at saka pinagbukasan ang kaniyang Ate. Nagtataka man ay pinapasok niya ito sa kaniyang silid. Hindi kasi nagpupunta sa kaniyang silid ang kaniyang Ate Razelle o pumapasok rito. Madalas ay nasa pinto lang ito kung may importante itong sasabihin sa kaniya.
Lumakad ito papunta sa kaniyang kama at saka naupo doon. Sumunod naman siya rito habang hinintay na magsalita ang kaniyang Ate. Seryoso ang mukha nitong tumingin sa kaniya. Alam agad ni Reyzalyn na may importanteng sasabihin sa kaniya ito.
"Anong ginagawa ng Mama ni Bea sa kuwarto mo kaninq? Nakita ko kasi silang dalawa na lumabas dito. May sinabi ba sila sa iyo tungkol kay Lyka?" tanong nito sa kaniya habang nakakunot ang noo.
Umiling si Reyzalyn. "Wala naman po Ate Hinahanap niya pala si Bea kasi uuwi na po pala sila. Iyon lang naman at saka hindi naman siya nagtagal dito. Nagkuwento kasi si Bea tungkol kay Lyka na nami-miss na niya ito tapos napaiyak siya."
Tumango-tango na lang ang kaniyang Ate. Tumingin ito ng ilang ulit sa kaniya na para bang may gusto itong sabihin o 'di naman kaya ay may iniisip itong malalim. Tahimik lang siyang nakatingin dito at hinihintay ang sasabihin nito sa kaniya.
"Reyzalyn..." Tawag nito sa kanya.
"Bakit ate?"
Tikom ang bibig at diretsong nakatingin sa kaniyang mata si Razelle. Napakurap na lang si Reyzalyn. Bumuntong-hininga muna ito sabay bago siya nagsimulang magsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/293006868-288-k594831.jpg)
BINABASA MO ANG
Bunso
Mystery / ThrillerSi Reyzalyn ay isang butihing anak. Siya ay bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. May kakayahan siyang makakita ng mga kaluluwa kung kaya't makikita niya ang hindi matahimik na kaluluwa sa bahay na pagmamay-ari na nila ngayon. Hindi matahimik ang...