Tahimik na nagbabasa ng libro sa sala si Reyzalyn habang ang kaniyang ina naman ay nagluluto. Napailing na lang siya dahil bahagyang sumakit ang kaniyang ulo sa dami ng kaniyang binasa. Malapit na kasi ang kanilang exam kaya naman nagbabasa-basa na siya para naman muling manumbalik sa kaniyang isipan ang mga pinag aralan nila.
Napatingin sa gate si Reyzalyn nang makarinig siya ng boses mula sa labas. Pagkatingin niya, ito pala si Rina. Parang balisa ang itsura nito. Tumayo siya kaagad at saka nagtungo sa kanilang gate at pinagbuksan ito. Pagkabukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya ang balisang mukha ni Rina, may kasama itong lalaki.
"Puwede ko bang makausap ang Mommy mo?" Nanginginig na sabi nito. Tumango agad siya at saka hinayaang makapasok ang dalawa.
Luminga-linga siya sa paligid bago tuluyang sinara ang pinto at ini-lock iyon. Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay. Nakita niyang nag-uusap sa kusina ang kan6yang ina, si Rina at ang kasama nitong lalaki.
"Naisip namin ni Raul na ilipat na lang ng ospital ang Mama ko. May naipon naman akong sapat na halaga para mailipat siya kaagad ng ibang ospital. Mababayaraan ko naman kahit paano ang bill namin sa ospital," wika ni Rina na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Mapapahiram kita Rina ng halagang kailangan mo. Kahit hindi mo muna kaagad ako mabayaran, ang importante ay mailipat natin ang Mama mo ng ospital kung saan hindi ito alam ni Joel," sabi ng ina ni Reyzalyn.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Rina kasabay ng pag-agos ng luha nito. "Salamat Raul. Pasensya ka na pati ikaw ay madadamay pa dito. Pati kayo ay naaabala ko pa."
Tumingin si Rina sa ina ni Reyzalyn. Hinawakan niya ito sa kamay.
"Mamaya pa naman uuwi si Joel. Nais ko sanang tulungan niyo kami na libangin siya para hindi siya makauwi sa bahay. Baka kasi matagalan kami ni Raul sa paglipat kay Mama."
"Sige, kami na ang bahala ng asawa ko. Makaaasa ka sa amin. Magpapasama kami sa kaniya na bumili ng mga materyales na gagamitin dito sa bahay. Balak kasi naming ipaayos na ito ng maigi, papalitan iyong mga kulay at ibang disenyo rito," sabi ng kaniyang ina sabay ngiti.
Muling naiyak si Rina. "Salamat. Maraming salamat sa iyo...sa inyo."
"Walang ano man iyon. Umalis na kaagad kayo. Kailangan niyong magmadali."
Tumayo na kaagad si Rina pati si Raul. Kumaway pa ang mga ito bago tuluyang lumabas ng kanilang bahay. Nagkatitigan silang mag ina. May kung anong kaba ang naramdaman ni Reyzalyn sa kanyang dibdib. Sana ay matagumpayan nila ang kanilang plano.
Mayamaya pa ay nagising na ang kanilang ama. Kinausap kaagad ng ina ni Reyzalyn ito at sinabi ang kanilang plano. Tumango tango nalang ito bilang pagsang ayon. Pinagmasdan niya ang kanyang mga magulang. Pinagdarasal niya na kung sakali mang mahuli si Joel ay walang masamang mangyari sa kanilang pamilya. Dahil ang tanging nais lamang nila ay mailigtas si Rina at si Bea sa kamay ni Joel.
PAGKAGISING NI REBECCA NAKITA NIYA SI JOEL NA KUMAKAIN, kasabay nito ang kanilang mga magulang. Hindi niya mapigilang makaramdam ng inis dito.
"Oh anak gising ka na pala. Kumain ka na. Aalis kami ng Daddy mo kasama si Kuya Joel niyo. Tutal kailangan niya rin ng materyales para sa bahay na pinagawa nila. Hindi pa rin kasi tapos iyon, sasama na siya sa amin bumili ng materyales na gagamitin niya," wika ng kaniyang ina.
Nginitian niya ito at saka nagtungo sa kusina, kumuha siya ng maiinom dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw.
"Nag-message na ako sa anak ko na dito na muna siya. Para may makausap naman siya," sabi ni Joel sabay tingin sa cellphone nito.
"Oo mas mainam, tutal mukhang magkakaibigan naman na silang apat. Nasaan na ba siya?" sabi ng kaniyang ama habang kumakain.
Nagtungo sa sala si Rebecca at saka pabagsak na naupo sa sofa. Kahit kumakalam na ang kaniyang sikmura dahil siya ay hindi kumain kagabi ay hinayaan na lang niya. Hindi niya kasi matiis na makasabay sa hapag kainan nila si Joel. Parang may kung anong galit ang namumuo sa kaniyang dibdib kapag nakikita niya ang lalaki. Nanggigil talaga siya rito.
Nakuyom na lamang niya ang kaniyang kamao at saka bumuga ng hangin.
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Bea sa labas. Kaagad siyang tumayo para pagbuksan ito. Sumilay ang ngiti nito sa labi ng makita siya.
"Ayos ka lang ba? Napapansin ko kasi parang namamayat ka?" tanong niya rito. Ngumisi naman si Bea sabay iling.
"Pansin ko nga rin. Wala eh, nawawalan ako ng ganang kumain. At saka kapag nakikita ko si Daddy, sobrang nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang natupad ang bilin sa akin ni Mommy na alagaan si Lyka. Napakahina ko Rebecca. Hindi ko magawang maisuplong ang ama ko. Sa halos araw-araw na nagigising ako simula ng mangyari iyon, lagi akong kinakain ng konsensya ko. Lagi kong gustong subukan na isumbong siya sa pulis pero hindi ko magawa dahil natatakot din ako kung saan ako pupulutin kapag nawala na siya sa tabi ko at madamay pa si Mommy Rina."
Napabuntong hininga na lamang si Rebecca. Niyakap niya si Bea ng mahigpit. Ramdam niya ang bigat ng nararamdaman nito. Naintindihan niya na kaya rin nanatiling nakatikom ang bibig nito ay dahil hindi pa niya kayang tumayo sa sarili niyang paa. Hindi niya pa kayang mamuhay mag isa kung kaya pinagtitiisan niyang makasama ang ama sa kabila ng ginawa nito sa kaniyang kapatid.
"Hwag kang mag-alala Bea, malapit ng matuldukan ang kasamaan ng ama mo. Kaya halika na pumasok na tayo sa loob. Sabay tayong kumain mamaya kapag alis nilang tatlo," Yaya niya rito sabay hila patungo sa loob ng kanilang bahay.
Nagpatianod na lamang si Bea. Hindi niya alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari ngunit umaasa siyang maaayos din ang lahat.
"Anak na kami. Kayo ng bahala dito sa bahay. I-lock niyo ang pinto at hwag na hwag kayong magpapapasok ng kung sino sino. Saglit lang din kami kaya naman magpakabait na lang kayo dito sa loob ng bahay. Huwag kayong lalabas ha? Ikaw na ang bahala sa mga nakakababata mong kapatid," bilin sa kaniya ng kaniyang ina. Tumango na lamang siya rito.
Pinagmasdan niya ang papalayong sasakyan ng kanilang nga magulang. Nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin at saka niya isinarado ang gate at kinandado ito. Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay. Naabutan niyang kumakain si Bea.
Napatingin siya sa kagiging niyang kapatid na si Razelle. Napatingin din ito sa kanila.
"Oh Bea nandito ka?" Kaagad na tanong nito.
"Kasi umalis si Daddy kasama ang mga magulang niyo. Tapos si Mommy naman ay ililipat ang mama niya ng ibang ospital pero hindi dapat malaman ni daddy"
Umarko ang kilay ni Razelle. "Ah ganon ba? Sana talaga maging maayos na ang lahat."
Nanatiling tahimik si Rebecca. Nagsandok na lamang siya ng kaniyang pagkain dahil kumakalam na talaga ang kaniyang sikmura. Nilingon niya si Bea. Tahimik lang ito at kapansin-pansin ang pamamayat ng katawan nito.

BINABASA MO ANG
Bunso
Mister / ThrillerSi Reyzalyn ay isang butihing anak. Siya ay bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. May kakayahan siyang makakita ng mga kaluluwa kung kaya't makikita niya ang hindi matahimik na kaluluwa sa bahay na pagmamay-ari na nila ngayon. Hindi matahimik ang...